Chapter Twenty-Eight

18.6K 610 122
                                    

Chapter Twenty-Eight

Moon and Stars

Isang Linggo na ang nakalipas nang kuhanin ako ng mga Vampire Hunters at pageksperimentuhan. Isang Linggo na din ang nakalipas nang kuhanin ako ni Paula, ang Vampire Shifter. At isang Linggo na din nang mag-iba ang relasyon namin ni Fenier. Hindi ko alam kung ano na ba kami ngayon pero kung anoman itong relasyon namin, masaya pa rin ako. Kahit na madalas pa rin niya akong iniirita, alam ko sa sarili kong may nararamdaman na ako para sa kanya. Natatakot lang akong aminin sa kanya. Hindi pa ako handa sa seryosong relasyon lalo na't alam kong siya 'yung tipo ng lalake na hindi nagseseryoso sa babae.

"Ate, hindi ba ihahatid kami ni Kuya Fenier ngayon?" nakangiting tanong ni Von.

Ginulo-gulo ko ang kanyang buhok. "Oo, pang-ilang beses mo na bang tinanong sa 'kin 'yan? Dadating 'yun."

"Excited na kasi si Von sa libreng chocolates." nakangising sabi ni Vin.

Sinuntok naman siya ni Von. "Parati mo na lang akong inilalaglag!"

Binelatan siya ni Vin at nagsimula na silang magkulitan. Napailing na lang ako. Ang aga-aga ang taas na kaagad ng energy nilang dalawa.

Pinanood ko lang silang kumain habang umiinom ako ng kape. Nagpresenta si Fenier na siya na ang maghahatid-sundo sa kambal dahil wala naman daw siyang masyadong ginagawa. Pumayag na ako dahil kabawasan 'yon sa gagawin ko. Minsan kasi hindi ko na sila magawang daanan sa school dahil sa trabaho o kaya naman nawawala na sa isip ko sa sobrang pagod ko. At isa pa, mas gusto na yata nila si Fenier kaysa sa 'kin.

"Kuya Fenier!" Natigil ang pag-iisip ko nang biglang bumaba sa stool ang dalawa at tumakbo.

Nakita ko si Fenier na papasok na ng pinto at may dalang box na mukhang ang laman ay chocolate. Umiling ako.

"Chocolates?" tanong ko. Ngumisi siya at tumango. Lumapit ako sa kanila. "Ang aga pa para sa chocolates." Humalukipkip ako.

"Ate, hindi naman namin kakainin kaagad, e. Mamayang gabi namin kakainin para 'di mo masabing maaga pa para sa chocolates." Ngumiti si Von. Painosente pa siya. Tss. Ang batang 'to talaga.

"Oo nga, ate." Sang-ayon naman ni Vin. Bumaling siya kay Fenier. "Kuya, pupunta ka din ba dito mamayang gabi? Maglalaro ba tayo?"

Ngumuso si Fenier at tinapik ang ulo ni Vin. "Hindi, e. May kailangan akong gawin."

"Aww." Sabay na sabi ng kambal.

Tiningnan ako ni Fenier na para bang humihingi ng tulong. Gusto kong matawa sa hitsura niya. Ayaw na ayaw niyang tinatanggihan ang kambal pero wala naman siyang magawa.

Iniharap ko ang kambal sa akin at yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin. "Hindi naman parating makakapunta si Kuya Fenier niyo. May mga inaasikaso din siya. Parati naman siyang dadating pero hindi parati. Maghintay na lang tayo, okay?"

Sabay silang tumango. "Okay, ate."

"Oh, siya, pumasok na kayo. Baka malate pa kayo." Sabay silang humalik sa aking pisngi. Tumayo na ako at naramdaman ko na lang na may humalik sa aking noo. Napatingin ako kay Fenier na nakangiti sa akin.

"Bye." Kumindat siya. Napatawa na lang ako at napailing.

Pinanood ko silang lumabas ng bahay hanggang sa tuluyan na silang makaalis. Nagsimula na din akong maghanda para sa trabaho.

***

"Oh, ba't mukhang stress na stress ka?" tanong ko kay Louvel.

Bumuntong-hininga siya. "In love na yata ako, Vivian."

The Playful VampireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora