Chapter Twenty-Four: Blood of Youth

21.6K 714 55
                                    

Chapter Twenty-Four

Blood of Youth

Vivian's POV

Pabagsak akong umupo sa couch at hinilot-hilot ko ang aking sentido. Kagagaling ko lang sa coffee shop. Tapos na kasi ang shift ko. Mamaya naman ay may trabaho ako sa taberna. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit may mabigat na pakiramdam sa 'king dibdib. Ayoko nang pumasok sa taberna. Iniisip ko pa lang ay mukhang hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko. Isinabunot ko ang aking kamay sa 'king buhok. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Simula nung nireject ko si Fenier, ako 'tong naaapektuhan at hindi siya. Sabagay, sino ba'ng pinag-uusapan natin dito? Fenier Harrison Walker. Imposible talagang seryoso siya sa isang katulad ko. Hindi na ako magtataka kung isang araw makita ko siyang may binubuntotan nang iba.

Naiyukom ko ang aking kamao nang hindi ko namamalayan. Teka, bakit ba naiinis ako? E, ano naman kung may iba na siyang hahabulin ngayon? E, 'di magsama silang makakati! Magkamutan silang lahat!

"Arggh! Vivian, ano ba?!" sigaw ko sa 'king sarili.

Natigil ako sa pagsabunot sa 'king sarili nang makarinig ako ng kaluskos sa labas. Inalerto ko ang aking sarili at dahan-dahan akong tumayo. Lumakad ako patungo sa bintana.

Patuloy pa rin ang pagkaluskos sa labas na para bang kuko na ikinakalmot sa dingding.

Napalunok ako. Papalubog na ang araw. Hindi kaya Insanes 'yon? Hindi. Imposible 'yon. Baka pusa lang ng kapit-bahay.

Tumingin ako sa kwarto ng kambal. Mukhang tulog pa sila dahil kagagaling lang nila sa eskwelahan.

Nakarating na ako sa harapan ng bintana. Tumigil ang pagkaluskos. Binalot ng katahimikan ang paligid. Nakatingin lang ako sa bintana.

Napasigaw ako nang biglang may tumalon papasok sa bintana kaya nabasag ang salamin nito. Napaupo ako sa sahig. Mabilis ang pintig ng aking puso habang tinitingnan ang kung sinoman ang nakapasok sa 'king bahay.

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nakapasok ang isang Insane. Sa labas ay isa-isang lumapit ang mga Insanes na para bang handa na silang sumugod. Napalunok ako. Parang may gear sa 'king utak na umiikot habang nag-iisip ako nang dapat kong gawin.

Dahan-dahang ipinaling ng Insane ang kanyang ulo para tingnan ako. Tumutulo ang laway niya pababasa kanyang baba. Ang mga mata niya ay nanlilisik at ang kanyang mahahabang pangil ay nakalabas.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig. Ipinapanalangin ko na sana hindi lumabas sina Vin at Von. Mas madami sila sa 'kin at kapag sinimulan kong sumugod, magkakaroon ng ingat at magigising ang dalawa. Hindi nila pwedeng malaman na nandito ang kambal.

Wala sa 'kin ang mga dagger ko. Hindi ako sigurado kung kakayanin ko sila na pisikal na lakas lang ang gamit. Napakagat ako sa aking ibabang labi, isang ng habit kapag nag-iisip ako. Bahala na. Ang mahalaga ay mailayo ko sila dito.

Tumingin ako sa may pinto. Kapag lumabas ako doon, tatakbo ako sa malayo dito sa bahay. Tama, 'yun na lang muna ang gagawin ko.

Gaya ng plano, tumakbo ako patungo sa pinto ngunit nang buksan ko ito ay bumungad naman sa 'kin ang mga lalakeng nakasuot ng magagarang suit ngunit nakasuot sila ng puting maskara na natatakluban ang buong mukha nila. Napaatras ako sa aking kinatatayuan.

"Sumama ka sa 'min kung ayaw mong masaktan." sabi ng lalakeng nasa pinakagitna.

Hindi ako sumagot sa kanya. Hindi ako sasama na lang sa kanila basta na wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now