Chapter Thirty-Five

29.3K 600 413
                                    

Chapter Thirty-Five

Unveiling

Sa kagustuhan ni Vivian, bumalik na kami sa camping site. It was disappointing, really. Kung pwede lang ay sa mansyon na lang kami para masolo ko siya. Pero dahil gusto niyang bumalik sa camping site ay sinunod ko na lamang ang gusto niya. Alam ko kasing magiging dragonesa siya kapag hindi ko siya sinunod.

Napailing na lang ako sa aking naisip ngunit hindi ko rin maiwasang mapangiti. She has a very bad temper but it makes her hotter when she's mad. The way her face heat up and her eyes glare, it was one of the sexiest things she'll ever do.

Nang makarating kami sa camping site ay mas naging mapagmatyag ako sa paligid dahil maaaring maulit na naman ang pagsalakay na ginawa ng mga Insanes. I don't want innocent humans to die in their filthy hands.

Wait...

I don't want innocent humans to die in their filthy hands.

Since when I became so concerned about their well-being? Dati'y wala akong pakealam kung mamatay man sila o mapahamak, as long as it doesn't affect what I'm doing or be a hindrance to me. Pero ngayon ay hindi ko maatim na may mapahamak sa kanila. What's happening to me? Am I changing? For the better? Or for worst?

I shook my head. Napansin ko namang tinitingnan ako ni Vivian na may pagtataka sa kanyang mga mata.

"What's wrong?" she asked. I smiled when I saw concern written all over her face.

"I'm just thinking." Inakbayan ko siya. "Hindi lang ako makapaniwala na concern na ako ngayon sa kaligtasan ng mga tao."

She smiled. "Isn't it a good thing?" Tumingin siya sa malayo na para bang nagsisimula na ring mag-isip. "'Yun lang ang paraan para masabi natin sa ating mga sarili na hindi tayo isang halimaw na walang ginawa kundi uminom ng dugo ng mga tao. Doon lang natin pwedeng masabi na kahit papaano nama'y may puso pa rin tayo."

Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. Ang aking nagawa lang ay tumango bilang pagsang-ayon. She's right. Having concerns for humans spare us from thinking we're monsters. Masarap sa pakiramdam na mailigtas mo sila lalo na sa mga panahong wala silang magawa.

Dumeretso si Vivian sa tent namin at hindi ko na siya tinanong pa kung ano'ng kukuhanin niya kaya naman naghintay na lamang ako sa labas. Baka namamasyal na ang iba.

"Fenier."

Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Zimmer na papalapit sa 'kin. Napakunot naman ang aking noo nang makitang may kasama siyang pamilyar na babae.

Hindi ko siya pinansin at tinitigan ko lang ang babae hanggang sa mapagtanto ko kung sino ito.

"You're Vivian's friend."

Nag-aalangan naman siyang ngumiti sa 'kin. Mukha siyang napilitan lang na sumama dito.

"Wow, Zimmer. I don't know that you're that desperate to find a partner that you force this poor woman to come with you." Ngumisi ako nang sinamaan ako ng tingin ni Zimmer.

"Shut up, Fenier. Hindi ko siya pinilit." Ipinamulsa niya ang kanyang mga kamay. "You see, we have a business together so..." He just shrugged his shoulders and didn't bother to complete his sentence.

"Vivian is with us so don't worry." I smirked at her. "May kinukuha lang siya sa loob ng tent." I jabbed my thumb towards the tent.

She looked relieved after what I told her.

"Got it!" ani ni Vivian nang makalabas siya sa tent habang hawak ang isang plastic bag na may lamang...tinapay? "Buti na lang hindi nasira." nakangiting sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playful VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon