Chapter Twenty-Nine

16K 531 107
                                    

Chapter Twenty-Nine

Say You Like Me

Tinalian ko ng ribbon ang box kung saan nakalagay ang bracelet na ibibigay ko kay Fenier. Alam kong walang-wala 'to sa mga regalong matatanggap niya mamaya pero sana naman magustuhan niya kahit papaano. Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras ang regalo ko kay Fenier? Umiling ako. Hindi ko na dapat pa itanong 'yan sa sarili ko dahil ako mismo, alam ko na ang sagot.

"Ate, bakit panay ang buntong-hininga at pag-iling mo dyan?" Umupo si Von sa aking tabi.

Ginulo-gulo ko ang kanyang buhok. "Wala. May iniisip lang ako."

Tumingin siya sa box na nakapatong sa table. "Para sa'n 'yan?"

"Birthday pala ni Kuya Fenier mo ngayon. Ireregalo ko sa kanya."

Saktong dumating si Vin at umupo din sa tabi ko.

"Talaga, ate? May handaan ba? Pwede kami sumama?" sunod-sunod na tanong ni Vin sa 'kin.

Ginulo-gulo ko ang buhok niya. "Party 'yon para sa mga matatanda. Hindi kayo pwedeng sumama doon." At isa pa, sigurado akong puro mga mayayamang bampira ang nandoon. Baka mamaya kung ano'ng gawin nila sa kambal kapag nakita nilang naglilikot. Alam ko kasing mangungulit lang silang dalawa doon. Mas mabuti nang hindi ko sila isama.

Ngumuso siya. "Paano naming mababati si Kuya Fenier?"

Humawak ako sa aking baba at nag-isip. Oo nga, 'no. Hindi nila mababati si Fenier. Tumingin ako sa kanilang dalawa na mariing naghihintay sa sagot ko. Ngumiti ako. "Bakit hindi niyo na lang gawan ng sulat ang Kuya Fenier niyo? Ako na lang mag-aabot sa kanya."

Lumiwanag naman ang mga mukha nila at sabay na tumakbo papunta sa kanilang kwarto. Malamang ay sisimulan na nila ang sulat nila para kay Fenier.

Tumingin ako sa orasan at mag-aalasais na. Mamayang alas otso ang simula ng party. Magluluto muna ako ng kakain ng kambal bago ako magsimulang mag-ayos.

Magugustuhan kaya ni Fenier ang regalo ko sa kanya? Humalumbaba ako at napailing. Sigurado akong matatabunan lamang iyon ng mga regaling matatanggap niya mamaya. Sigurado din akong mas mahal at mas magarbo ang regalo sa kanya ng ibang mga bampirang dadalo sa kaarawan niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. At least may regalo ako, hindi ba? Mas mabuti na 'yon kaysa sa wala.

Hindi pa rin lumalabas ang kambal sa kanilang kwarto. Mukhang pinag-iigihan nila ang paggawa ng sulat para kay Fenier. Habang hindi pa sila mangungulit, sisimulan ko na ang magluto.

Pumatak ang alas siete ng gabi at sa wakas ay lumabas na din ang dalawa sa kwarto nila. Malawak ang kanilang ngiti habang may hawak na tig-isang sulat. Kulay asul ang papael na hawak ni Von at kulay pink naman ang kay Vin.

"Oh? Tapos na kayo?"

Sabay silang tumango habang nakangiti. Ugh, ang cute talaga nilang dalawa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinisil ang pisngi nila.

"Aray ko naman, ate!" reklamo ni Von habang hinihimas ang pisngi niya.

"Ang sakit, ah!" sabi naman ni Vin.

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Nagsimula na akong magluto habang sila ay nakaupo sa stool. Nasa harapan nila ang sulat habang naglalaro silang dalawa ng jak-en-poy.

Nang matapos ako ay hinainan ko na sila ng pagkain at humayo na para ihanda ang aking sarili. Humarap ako sa malaking salamin sa aking kwarto na may ilang crack na sa kalumaan. Panahon pa yata ito ng mga ninuno ko na ipinasa na lang sa bawat henerasyon.

The Playful Vampireحيث تعيش القصص. اكتشف الآن