Chapter Twenty-Six

21.9K 703 70
                                    

Chapter Twenty-Six

Where Are You?

Hindi malaman ni Louise ang kaniyang gagawin nang magwala si Vivian sa laboratoryo. Kahit ano'ng sabihin niya ay hindi ito nakikinig. Nakalabas ang mahahaba nitong pangil at naatake na niya ang isang scientist na kasama nila. Nagkalat ang dugo sa sahig. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Bago pa niya maiturok kay Vivian ang anti-TransMed ay naalis na nito ang nakatali sa kanyang mga kamay at paa.

Labag sa kalooban niya ang paggawa ng TransMed kaya naman bumuo siya ng pangontra dito na hindi nalalaman ng Supreme Commander. Malaki ang tiwala nito sa kanya kaya kahit kailan ay hindi 'to nagduda sa kanya. Bukod sa isa siyang Vampire Hunter, Head Scientist din siya dito sa laboratory na hindi alam ni Kristen. Ayaw niyang ipaalam dahil siguradong madadagdagan lang ang galit nito sa kanya knowing her, hindi pabor sa kanya ang ginagawang pageeksperimento sa mga bampira.

"Do everything to pin her down! Once na maiturok ko itong gamot sa kanya, kakalma na siya at babalik na sa dati!"

Pero kahit ano'ng gawin nila, hindi nila mapigilan si Vivian. Lahat ng gamit na mahawakan niya ay ibinabato niya. Tatlo na sa mga scientists ang napapatumba niya at tatlo na lang din silang natitira kasama si Louise.

Lumingon-lingon si Vivian sa paligid. Puno ng dugo ang kanyang mga kamay at ang suot niyang hospital gown. Bigla itong tumakbo palabas ng laboratory.

"Vivian! Shit!"

Hinabol niya si Vivian. Tumunog ang alarm sa buong laboratory hudyat na may nakawalang subject. Nagsilabasan ang mga scientists sa kani-kanilang kwarto at ang ilang mga Vampire Hunters na tagapagbantay ay inihanda ang kanilang baril.

"No matter what happens, don't shoot her!" sigaw ni Louise. "And that's an order!"

Tumango ang mga Vampire Hunters sa kanya at nagsimulang maghiwa-hiwalay para mahanap si Vivian.

Tumakbo naman patungo sa kabilang dereksyon si Louise upang maghanap din. Binuksan niya ang bawat pinto na makita niya hanggang sa makarating siya sa pinakamalaking parte ng laboratory, ang Simulation Room.

Nakita niya si Vivian sa gitna nito at nakaharap sa kanya.

"Vivian, it's me, Louise." kalmadong sabi niya habang dahan-dahang lumalapit kay Vivian.

Nang makarating siya sa harapan nito ay hindi na mukhang Insane si Vivian. Normal na ang pagkapula ng kanyang mga mata at puti na ang paligid nito. Hindi na din nakalabas ang kanyang pangil. Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano'ng nangyari. Imposibleng magbalik si Vivian sa dati nang hindi man lang natuturukan ng kahit anong gamot para kontrahin ang TransMed.

"Vivian."

Ngumisi ito sa kanya. "Who are you?" Her cold voice sent shivers to his spine.

"H-hindi mo ba ako nakikilala? Si Louise 'to. Kamusta ang pakiramdam mo?"

Kumunot ang noo nito. "I don't know you." Tinitigan siya nito sa mata. "And I feel like shit right now."

Ano'ng nangyayari? Normal naman ang pagsasalita niya. Hindi na siya nagwawala katulad kanina. Parang nagbalik siya sa tamang pag-iisip pero nag-iba siya.

"Are you sure you're okay? Do you remember anything?"

Umiling siya. "I don't remember anything. Even my own name."

The Playful VampireOù les histoires vivent. Découvrez maintenant