Chapter Twenty: Hide and Seek

24.4K 777 96
                                    

Chapter Twenty: Hide and Seek

The school was packed by students, parents and teachers that were preparing for the event. Balloons were hanging on the stage, colorful decorations were plastered on the wall and lines of chairs were filled by the guests one by one. Everybody was excited about this whole event that happens every year.

"What's this event all about?" tanong ni Vivian. Ang mga parents ay nakasuot ng matching shirts at may mga tatak ng pangalan at apelyido nila. Napangiwi si Vivian. She wasn't a fan of couple shirts.

"Parang Parent's Day, Ate." sagot ni Von. "May mga games at prizes at kung sinong group ang magkakaroon ng mataas na score overall, mayroong cash prize."

"Really?!" bulalas ni Vivian.

Ngumisi ang kambal sa kanilang kapatid.

"Yes, and we should win this thing. It's 10,000 pesos, Ate."

Muli silang ngumisi ngunit ngayon ay kasama na si Vivian. Napatawa na lang si Fenier na pinapanood sila.

Mayamaya ay nagsimula na ang program. Wala namang interes si Fenier sa mga speech kaya inabala na lang niya ang kanyang sarili sa paglalaro ng mga daliri ni Vivian.

"Will you stop that?" Vivian hissed.

He leaned in and whispered. "Why? You don't like me touching you?"

Vivian glared at him. "I hate it. Stop doing that or I'll gonna punch you square on the face."

"Oh, feisty." He smirked. He intertwined their fingers. "At least let me do this."

Hindi na pinansin ni Vivian ang binata. Itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa entablado kung saan nagbibigay ng talumpati si Gallian Walker.

"Good morning, everyone!" Sumipol si Gallian at inilibot ang tingin sa paligid. "Woah, what a wonderful view." Tinitigan niya ang isang magandang babae at ibinaling ang tingin sa iba pa.

Napanganga si Vivian. "Don't tell me this is your...dad."

"Oh, yes, he's my dad and I just told you." Humagalpak ng tawa si Fenier nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Vivian.

"Alam ko na kung saan mo nakuha ang kamanyakan mo, damuho ka."

Matapos ang talumpati ng mga importanteng tao sa likod ng event ay nagsimula nang tipunin ang bawat pamilya.

"Ms. Petrovic, pakisuot naman po nito."

Kinuha niya ang pulang t-shirt na may nakalagay na salitang Walker sa unahan. Tumingin siya sa tatlo.

"Kailan pa tayo naging Walker?" Tiningnan niya nang masama ang kambal.

Nagpeace sign ang dalawa sa kanya.

"Ngayon lang, ate."

"Come on, Vivian, don't make this a big deal. Walker suits you, you know, like how I suits you." He winked.

Ngumiwi si Vivian. "Piss off." Lumakad siya palayo. Hindi niya alam kung magandang ideya na pumayag siya na kasama si Fenier dito.

He's starting to break down the walls that she built in her entire life. It's starting to bother her. Nasanay siya na kakaunti ang taong involve sa personal niyang buhay pero si Fenier lang ang kauna-unahang pumasok dito na alam niyang kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalabas.

"Bawat family, dito po tayo sa kabilang side!" ani ng MC. "Ang unang game natin ay ang sack race! Twenty points ang katumbas ng game na ito. Pero bago iyon ay ipapaliwanag ko muna ang mechanics ng bawat game." Lahat ng mga kalahok ay nakinig sa susunod na sasabihin ng MC. "May lima po tayong game para sa event na 'to at ang bawat game ay may corresponding na points. Ang family na may pinakamataas na points ay siyang mananalo ng cash price at gift certificates. Unang game, sack race na nangangahalaga ng 20 points. Pangalawa ay ang balloon popping na nangangahalaga ng 30 points. Third game, guessing game with 50 points. Pangapat ay ang iQuiz na may 50 points din at ang huli ay ang Hide and Seek na may 50 points with a total of 200 points!"

The Playful VampireOù les histoires vivent. Découvrez maintenant