21

4K 157 86
                                    

Chapter 21: 

Nakatulala lang ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ng makita ang lalaki na nakahandusay sa sahig, may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko.

"Hoy! Ano tatayo ka nalang ba dyan?!" Sigaw sa akin ni Gianna, tumaas ang isang kilay ko.

"Diba ang sabi mo wag akong maging marupok"  napaawang ang labi nya na para bang may mali akong sinabi.

"Tanga! sinabi kong wag kang maging marupok pero diko sinabi sayong wag kang tumulong sa mga taong nangangailangan! Gaga ka tulungan mo na ako dito baka mamatay na ito dito!" pangaral niya sa akin, napanguso naman ako at tinignan ang kawawang lalaki sa harap ko. 

Napairap nalang ako sa sarili dahil nakuha ko pang maawa sa kanya, ayan na nga ba ang sinasabi ko!

"Edi hayaan mo syang mamatay, hospital ba ito at dito sya pumunta?" mataray kong sabi at pinaglaruan ang buhok ko, ramdam ko ang panginginig ng kamy ko.

"Jusko!" Napasapo nalang sya ng noo "Diko alam na ganito pala ang pagkakaintindi mo sa wag magiging marupok! Bilisan mo na tulungan mo na ako dito! " Amp....Diba galit sya kanina....  Kahit ayaw ko ay napilitan akong tulungan buhatin ang walangyang gagong lalaki na ito!

Pinasok namin sya sa isang kwarto na kung saan andon ang mga Medical Equipments. Agad namin syang hiniga sa kama para magamot. Kumuha ng medical gloves si Gianna at kinuha ang mga gagamitin para sa gagong ito.

Kahit namumutla na at may pasa sa mukha ay gwapo pa rin ang shuta.

Hindi iyon maipagkakaila, nasa katawan niya na iyon.

"Tanggalin mo na yung damit nyan tas hanapin mo kung saan may tama" utos nya sakin.

"Sa ulo may tama" bulong ko

"Ano!?"

"Wala"sagot ko.

Napabuntong hininga muna ako bago alisin ang damit ni Sion...siongina ka! Pagkahubad ko ay hinanap ko agad kung saan nagmumula ang dugo. Bahagya pa akong naconcious sa abs niya, kaya napalunok at iniwasan iyong tignan, nararamdaman ko ang pagiging marupok ko, tangina naman. 

Hindi ako ganito, hindi ako marupok sa katawan niya!

"Okay malayo sa bituka hindi pa sya mamatay.... Sayang naman" sabi ko sabay punit sa damit niya, kaya lumantad ang kabuoan ng katawan nito. 

"Huwag mong tignan ang katawan niya, gamutin mo nalang" sabi ko sa kaibigan ko, tinaasan niya naman ako ng kilay at inirapan bago hanapin ang kakailanganing mga gamit.

"May sarili akong ganyan" ngisi niya sa akin. 

"Marupok kang malandi ka!" sabi ko tinawanan naman ako ng loka.

Nang mahanap lahat ng gagamitin ni Gianna ay tinuro ko sa kanya kung saan may tama ang bala. Sayang akala ko pa naman malapit na sa  puso sa braso lang pala. Puro pasa rin ang buong katawan nya, deserve mo gago.

Pero hindi ko mapigilan ang pagkirot ng dibdib ko habang nakikita ang mga pasa katawan nito, bago pa iyon na tila kagagaling niya lang sa digmaan, 

Kaya nga may tama ng baril hindi ba obvious na kagagaling lang? sabi ng isip ko.

Taga abot lang ako ng gamit habang si Gianna ay inaalis ang bala na nasa braso ni Sion, Marunong kaming gamutin ang sarili namin dahil tinuro yun sa Agency.

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now