Epilogue

518 4 0
                                    

Epilogue

"Did Winslet visited, while I'm sleeping?" I asked my mother, halos dalawang linggo na rin akong nandito sa Hospital. Dahil sa sugat na natamo ko, maraming dugo ang nawala sa katawan ko kaya kinailangan akong salinan ng dugo buti nalang ay magka type kami ng dugo ng magaling kong tatay, kaya hindi na ako nagtaka ng sa kanya ako nagmana. .

"Sorry, baby but she didn't" kumunot ang noo ko ng hindi makatingin sa akin si mommy, is just me or what? Parang may mali sa kinikilos ni mommy.

"Are you sure mom?" Paninigurado ko sa kanya.

"Of course baby!" Hindi parin ito makatingin sa akin at busy sa pag aayos ng mga prutas sa ibabaw ng lamesa ko.

"Mom?.... Are you lying to me?"

"I-i'm not"

"Okay" ang tanging sinagot ko nalang bago ipikit ang mga mata.

Sa dalawang linggong pamamalagi ko dito ay araw-araw akong naghihintay at nagbabakasakali na puntahan niya ako. Alam kong galit siya sa akin at kinamumuhian niya ako pero kusang umaasa ang puso ko na dadalawin niya ako.

Pinipilit ko ang makatulog kahit kagigising ko lang para ipahinga ang buo kong pagkatao, dahil kapag dilat ang mga mata ko ay naaalala ko lang ang mga nangyari sa amin. Hindi ko akalain sa isang araw lang na iyon ay mawawala na siya sa akin.

Paglabas ko dito ay sisiguraduhin ko ang lahat para bumalik siya sa mga kamay ko, gagawin ko ang lahat para mahalin niya ulit ako, aalisin ko ang galit at poot na nanararamdam niya ng dahil sa ginawa ko. Gagawin ko ang lahat para kaming dalawa sa huli. She is my final endgame, and I'm sure of that.

Kung hindi siya ang magiging endgame ko, mabuti pang magpakamatay nalang ako, punyeta siya lang ang gusto! Siya lang ang mahal ko! Siya lang ang kailangan ko! Kaya hindi ko kakayanin kung mawawala siya ng tuluyan sa akin.

I want her in my life because she is my life.

No matter what happens I always choose her. Because she is the woman that I want to become my wife.

Kahit alam kong hindi siya pupunta ay patuloy ko pa rin siyang hinihintay na dalawain ako kahit walang kasiguraduhan na pupunta siya sa akin upang kumustahin ako o tanongin ang kalagayan ko.

I want to see her so bad! I missed her so much! Siya lang ang kayang magpagaling sa akin ngayon! I want to take my personal medicine, and it's Winslet, my woman, my life, and my soon-to-be wife. I love you Win as always...

"May lead na po kayo kung sino ang isang kasama ni Jamaica sa SSU?" Pagtatanong ko kay daddy bago ko ginalaw ang isang piece ng chees."Your move"

"Wala pa, pero ginagawa lahat ng makakaya ng mga leaders upang makikila kung sino pa ang isang taksil sa SSU" napaisip naman ako ng malalim. Pwedeng isa lang din iyon sa malalapit sa amin. Ang malaking palaisipan ay kung sino ito. Pwedeng isa sa mga leaders ang kasama ni Jamaica, pwede rin isa sa mga kaibigan namin, pwede rin isa sa mga teacher, this is mind blowing scenario, isang maling hakbang ay maaaring may mapahamak.

Mula sa malalim na pag-iisip ay nabaling ang atensyon ko sa kamay ng tatay ko na unti-unting lumalapit sa isang pawn ko. Kumunot ang nuo ko ng kinuha niya ito at nilagay sa mga nakain na niya. Napakurap kurap pa ako ng bahagya, did he cheated at me? Narinig ko pa ang mahina nitong hagikgik at may papito-pito pang nalalaman habang may mga ngisi sa labi.

"Gago ka dad! Dinaya mo ako" sigaw ko ng mapagtanto ko kung ano ang ginawa niya! He take the advantage to my out of the world mind! " You're a cheater dad!"

"Hey!....." Ibinalik niya sa akin ang kinuha niyang pawn. " Ayan na nga, parang ganon lang kung ano-ano pang sinabi mo....... Sayang nakita pa" humabol pa siya ng bulong na narinig ko naman.

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now