09

286 6 0
                                    

Chapter 9: 

" Huwag na kaya akong manligaw sayo?" tinaasan ko ng kilay si Sion dahil sa sinabi niya, naka park na kami sa labas ng bahay namin. Ayaw na ba niya? kung ganon ay bakit ko pa siya pinayagan.

" Bakit?" mataray na tanong ko sa kanya, aba swerte na nga siya at pinayagan ko na siya, tapos ngayon ay aayaw naman!

" Kinakabahan ako baby!" pag amin niya, halatang ninenerbyos siya, namumutla ang mukha niya.

" Sure ka?" seryosong tanong ko na kinagulat naman nito, kita ko agad ang dumaang takot sa mata niya. 

" Joke lang!"

" Kung ayaw mo na pwede ko namang sabihin kay daddy na nagback out ka" walang emosyon ang timpla ng mukha ko. " Sabihin mo lang kung ayaw mo na, para magpaligaw na ako sa iba madaming nag-aantay sa akin"

" Hindi! Tara na sa loob mo mamanhikan na ako sa daddy mo!" mabilis nitong sabi at bumaba na ng sasakyan.

Pinanood ko muna siyang bumaba, bago ako sumunod sa kanya. 

"Ayos ka lang ba?" bahagya pa itong nagulat ng magsalita ako sa tabi niya, hindi nito alam na nakababa na pala ako sa tabi niya

" Kinakabahan ako babe" pag aamin na naman niya, well halata naman sa timpla ng mukha niya.

" Namumutla ka" umiling ako at may ngiting namuo sa labi,  bago kumuha ng panyo sa bag ko at pinunas sa mukha niya nang makitang pinagpapawisan siya.

" Pinagpapawisan ka" saad ko habang pinupunasan ang pawis niya, habang ang lalaki sa harapan ko naman ay nakatitig lang at hindi na naman maalis ang tingin sa mukha ko.

" Ganda ko talaga natutulala ka na naman dyan" napailing ito at halos mapatili ako ng hapitin niya ang bewang ko at nilapit iyon sa katawan niya.

" Napaka ganda mo" hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ko at mas pinaka titigan ng maigi ito.

"You are indeed beautiful," he said in a manly voice, 

" Alam ko yun" sagot ko na ikinatawa niya.

" Proud to yourself ha?" he chuckles and pulls me even closer to him, we both stare to each other.

He bit hislower lip while looking at me, napalunok pa ito habang tinatanya ang kilos ko bago niya ilapit ang mukha sa akin upang mahalikan ako.

Ngunit hindi natuloy iyon ng may striktong nagsalita dahilan ng pagkatulos naming dalawa. 

" Once your lips touches my daughter lips, I will shoot you" parehas kaming hindi nakagalaw, dahil kay dad! 

" Distance yourself from my daughter" he said in authority. Napalunok ang lalaki sa harap ko at mabilis ang ginawa niyang paglalayo sa sarili mula sa akin. 

" Baby" natatakot nitong tawag sa akin at nagtago sa likod ko.

" D-dad" pagtawag ko kay dad na strikto at madilim ang tingin na pinupukol sa lalaking nasa likod ko.

" Siya ba?" tumango lamang ako sa kanya, at nagkatitigan kaming dalawa ng dad na tila nag uusap gamit ang mga mata.

" Papasukin mo sa loob kakausapin ko" matindi nitong saad bago pumasok sa loob ng gate nila.

Nakahinga kami ng maluwag nang umalis ang dad, lalo na ang lalaki sa likod ko, para siyang nabunutan ng tinik sa katawan at natanggal ang bara sa lalamunan.

" Huwag kang mag-alala mabait si Daddy" pagsasabi ko sa kanya ng makitang mas namutla pa ito, mabait naman talaga ang daddy ko! mukha lang siyang strikto pero may pagka siraulo rin naman iyon! 

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now