28

261 6 0
                                    

Chapter 28: 

" Hello, love, aalis ulit si Ate, but don't worry pupunta rito si kuya mo para may kasama ka" malambing na sabi ko sa kapatid ko habang kumakain kaming dalawa. 

"Saan ka po pupunta?" tanong nito bago kumagat sa ham na nasa tinidor nito. 

"I have some important matter, ate will teach some women to protect themselves from a bad guy." pagpapaliwanag ko sa kanya. 

" Can you teach me din po? I want to protect them from the bad guy too!" magiliw na sabi nito, napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya. 

" Of course, Sasabihin ko sa kuya mo na turaan ka ha? kaya kapag may nakita ka o nasaksihan kang hindi kanais-nais na tagpo ay kaya mong ipagtanggol ang sarili mo at pati na rin ang mga tao sa paligid mo." 

"Katulad niyo po?" inosenteng tanong nito, tumango ako sa kanya. 

May program kami ngayon na magtuturo sa mga kababaihan at mga nagnanais na matuto ng self defence upang magamit nila upang ipagtanggol ang sarili nila sa kapahamakan. 

It is crucial to teach or take self-defense classes since knowing that you can defend yourself with martial arts skills is one of the best sensations in the world and provides you with a boost of confidence. Additionally, taking self-defense training enables you to look after your physical and mental health.

Kung pwede lang na bawat paaralan o komunidad ay may mga programang ito na nagtuturo ng self-defence sa mga tao ay napaka laking tulong nito sa isang indibidwal. Imagine if everyone have the power to defend theirself in danger, I think it can elimate the possibility of danger. 

Kung kaya ng nakakaraming ipagtanggol ang sarili nila, may kakayahan din silang ipagtanggol ang mga nangangailangan. 

Huwag tayong umasa lagi na may darating natulong para sa atin, gawin natin ang sarili natin na kayang ipagtanggol ang sarili para sa sariling kapangkanan, hindi sa lahat ng oras may tutulong sayo at sasangipin ka. 

Busy kami sa pagkain ng kapatid ko ng may marinig na mag doorbell sa pinto, alam ko na agad kung sino iyon. 

Binaba ko ang kumyertos na hawak at saglit na uminom ng tubig bago tumayo at pagbuksan ang lalaki. 

" Good Morning babe!" magiliw niyang pagbati pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. 

Pumasada ang tingin ko sa kanya, isang casual lamang ang suot niya ngunit hindi maipagkakaila na gwapo pa rin ito. 

Amoy na amoy ko ang pabango niya na nanunuot sa ilong ko, parang ang sarap niyang singhutin. 

May hawak itong isang kumpol na bulaklak, cornflower iyon, kulay asul ang bulaklak kaya hindi ko napigilan ang mapaismid ng bahagya, alam na alam niya kung paano ako kuhanin ha. 

Gago to, hirap na hirap na akong labanan ang karupokan ko sa buhay, unti-unti nalang ay baka lumuhod na ako sa harapan niya. Sana ay kayanin ko pa, kung ganito ba naman ang masasaksihan ko araw-araw ay baka hindi ko talaga mapigilan at maging mas marupok pa ako sa kahoy. 

"Hey, Beautiful this is for you" malambing na sabi nito at inabot sa akin ang bulaklak, kinuha ko naman iyon at nilagay sa bisig ko.

" I missed you" mas malambing na sabi niya at umaktong hahalikan ako kaya umiwas ako sa kanya. 

Tinaasan ko siya ng kilay at maarteng inirapan bago pumasok sa loob ng bahay, alam ko namang nakasunod na siya sa akin. Isang buwan na rin siyang sa panunuyo sa akin, syempre bilang dakilang dalagang Filipina ako ay hindi ako nagpakarupok ng todo.

"Kuya!" malakas na sigaw ng kapatid ko at kulang nalang ay pumalakpak sa tuwa habang nakatingin ito sa likod ko. 

"Hi Kiddo!" pagbati nito sa kapatid ko. 

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now