14

311 7 0
                                    

Chapter 14:

Pinanood kong maghikab si Sion sa tabi ko, habang si Gianna naman ay andon sa isa naming kaklaseng lalaki, nakakandong ang gaga. Boyfriend na naman ata niya iyon! 

Hindi talaga nuubusan ng lalaki,pagkatapos ng isa ay may kapalit na agad, malapit na niyang maubos ang populasyon ng mga lalaki sa Agency sa totoo lang! 

Hindi ko naman mabawal dahil sarili niyang buhay iyon, ang sinasabi ko lang sa kanya ay wag na wag papatol sa mga lalaking may kapareha, dahil kapag ginawa niya iyon kahit kaibigan ko siya ay itatakwil ko siya. 

Sa kanilang lahat sinasabi ko iyon, na hindi ako nakikipag kaibigan sa mga cheater, i really hate cheater. At tyaka sa mga babaeng hindi marunong rumespeto sa kapwa nila babae, alam na nilang may girlfriend ang tao ay papatulan pa nila. 

Pero kalimitan sa mga cheater ay tinatago kung ano ang istado nila sa buhay, kaya ang iba ay nabibikta dahil sa katarantaduhan nila. 

Mga taong gago nga naman. 

" Babe" malambing na tawag sa akin ni Sion, busy ako sa pagbabasa, 

"Hmm?" tanging saad ko, dahil binabasa ko ang isang case na kukunin namin ngayon, mamayang gabi ay may Mission kaming lima. Kailangang planado ang bawat kilos upang hindi mapahamak ang bawat isa sa amin. 

Marunong na si Jamaica sa paghawak ng mga sandata, sa mga nakalipas na buwan na pagtuturo namin sa kanya ay gumaling ito sa pakikipaglaban, kahit na mahinhin at tila napinida ang bawat galaw niya noong una ay hindi naging mahirap sa amin na turuan siya dahil mabilis siyang makuha ang tinuturo.

Si Ryker ang matiyagang nagtuturo sa kanya, dahilan ng pagiging malapit nila sa isa't isa, i could say that merong emosyon ang namamagitan na sa dalawa. 

"Can we date? wala naman tayong pasok mamayang tanghali, let's date" sandali ko siyang binigyan ng sulyap, nakahilig ito sa desk niya at nakapanig ang ulo sa gawi ko, ginamit niyang unan ang braso niya. 

"Please? pretty please?" nagpacute pa siya sa akin, kinagat ko ang pang ibabang labi dahil hindi ko mapigilang ang pagsupling ng ngiti, para siyang bata kung umasta. 

" Hmmm, okay meron naman tayong vacant hours para sa date at mamayang gabi pa naman iyong mission" lumapad ang ngiti sa mga labi nito, bahagya pa siyang napa yes. 

" Saan mo gustong pumunta? hmmm?" magiliw niyang tanong. Hininto ko muna ang pagbabasa at napaisip. 

" I want a movie date" 

"Saan? sa kwarto mo o sa kwarto ko?" nakangisi nitong tanong, inirapan ko naman siya may kahalayan na namang naiisip ang isang ito. 

" Sa inyo nalang, paniguradong aawayin ka naman ni daddy sa bahay" sabi ko. 

" Okay" bumalikwas siya sa pagkakaupo at umayos ito, nilabas ang cellphone. " Maghahanap ako ng magandang movie" sabi niya bago mabusy sa paghahanap ng panonoorin namin. Napailing naman ako, bago ibalik ang pagbabasa. 

Wala ang prof namin sa pang umagang subject namin ngayon, kaya may time ang bawat isa na gawin ang gusto nila. 

Pag angat ng mata ko ay pumasok sa pinto si Ryker, halata ang pagod nito sa mukha at tila hindi nakatulog ng maayos dahil sa dark eye. 

Gusot pa ang uniporme niya at magulo ang buhok, hindi ko naman mapigilan ang pag aalala sa kanya. Pupungas-pungas pa ang mata nito habang naglalakd. 

"Ayos ka lang?" tanong ko sa nag aalalang boses ng makaupo siya. 

Hilaw siyang ngumiti at tinanguan ako, hindi ako naniniwala dahil hindi naman siya mukha okay! 

Hindi ko nalang muna siya kinontra at hinayaan muna siyang dumukdok sa table niya, mukhang medyo mabigat ang nararamdaman niya at ayaw sabihin sa amin. 

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now