41

822 26 1
                                    

Chapter 41:

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko kung saan, ano ba yan ang aga-aga ang ingay-ingay, kinuha ko ang isang unan at tinabon iyon sa ulo ko upang maibsan ang kaingayan na naririnig ng paligid!

"Gisingin mo na ate mo, Harley" rinig kong salita nong kung sino.

"Ikaw na kuya"

"No, ikaw na ate mo na naman yan ehh, hindi magagalit iyan sayo kahit gisingin mo"

"She is scary kuya! I don't want to, she might throw us on the lake for sure"

"Try mo lang"

"Na-uh... ikaw nalang po, kuya mahal ka naman ng ate ko, for sure hindi siya magagalit sayo, because she love you"

"Sure ka ba diyan?"

"Opo...." Tinaggal ko unan na nakataklob sa akin at dinilat ang mga mata. Unang tumama ang mga paningin ko sa kapatid ko. "K-Kuya!" mabilis na nagtago ang kapatid ko sa likod ni Sion na akala mo nakakita ng multo.

"Ano?" iritang tanong ko at sinamaan sila ng tinggin na dalawa, di ko na alintana kung ano ang itsura ko ngayon alam kong sabog ang mahaba kong buhok, who cares anyway?

"Good Morning babe" bati sa akin ni Sion na labas ang gilagid kung makangiti. Hindi ko sinuklian ang ngiti niya.

"Walang Good sa morning lalo't na alintala ang maganda kong paghimbing" ingusan ko sila. "Ang aga-aga pa! Jusko!" pagmamaktol ko! Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos gigisingin lang ako, sinong hindi mababdtrip doon?

"I told you so, kuya, she's scary, ate didn't want to wake up in the morning" mahinang wika ng kapatid ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Walang kapatid-kapatid dito!

"Kuya" mas nagtago pa ang kapatid ko sa likod ni Sion ng Makita ang masama kong titig sa kanya.

"B-babe let's eat breakfast" he stuttered

Hindi naalis ang masama kong paninitig sa dalawang lalaki sa harap ko, gusto pala nilang kumain why bothering me? I'm fucking sleeping! I want to sleep more!

"Gusto niyo palang kumain bakit kailangan niyo pa akong gisingin?" mataray na tanong ko, antok na antok pa ako for fucking sake! Halos madaling araw na akong nakatulog kagabi dahil nag celebrate pa dahil sa magandang performance ng fashion show kahapon. Kulang na kulang ako sa tulog!

"Para makasabay ka naming sa pagkain"

"Bakit? Hindi ba kayo makakain kapag wala ako? Hawak ko ba ang plato niyo?" nagtama ang tingin namin ni Harley ng sumilip ito mula sa likod ni Sion. Bahagya pa siyang nagulat bago magtago ulit sa likuran ni Sion.

"Pero mas masarap kumain kapag andon ka" malambing na sagot ni Sion.

"Mas masarap kumain kapag masarap ang pagkain Sion" pakikipagtalo ko sa kanya, tama naman ang sinabi ko diba? Mas masarap kumain kapag masarap ang pagkain na nakahain sa hapag kainan.

"Pero mas masarap ka" bulong lang yon galing sa bibig ni Sion pero narinig ko parin ang sinabi niya!

"Anong sabi mo?" pinatalim ko ang mga matang nakatingin sa kanya!

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now