45

598 21 3
                                    

Chapter 45:

Hindi ako makatulog at ginugulo parin ako ng mga sinabi ni Sion sa akin, ang sakit sa dibdib, hindi ko matanggap na sa isang iglap ay ganon nalang ang itatrato niya sa akin. Napatingin ako sa tabi ko, dati-rati ay katabi ko siyang matulog at mahigpit ang mga yakap sa akin. Pero ngayon kahit katabi manlang ay ayaw niya.

Dalawang lingo ang lumipas simula ng itaboy niya ako sa hospital na iyon, nananalaytay parin sa puso ko ang mga binitiwan niyang mga salita. Ayaw niya akong makita at parang galit na galit siya sa akin kahit wala naman akong ginagawa.

Nakauwi na siya ng bahay at nang malaman niyang dito ako nakatira sa bahay nila ay halos sumabog siya sa galit, pero walang siyang nagawa na paalisin ako dito. Dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya na mamalagi ako dito

Sa dalawang lingo na iyon ay pinaramdam niya sa akin kung gaano siya kaiba sa taong minahal ko ng sobra, umaalis siya sa umaga at hindi namin alam kung saan siya pumupunta, at uuwi ng hating-gabi na akala mong wala lang nangyari at hindi ako nag-aalala.

Sa pagtulog ay nakahiwalay na ang kwarto ko sa kanya dahil ayaw niya akong makita. Masakit sa akin ang nangyayari pero kailangan kong maging matatag para sa sarili ko at kapatid.

Hindi ko na kaya ang sakit sa na bumabalot sa dibdib ko, unti-unti akong nauubos, para akong namamatay sa mga araw na dumadaan.

Bakit kaya ganon, kung sino pa ang nagmamahal ng totoo sila pa ang mga nasasaktan nang husto? Love is so unfair, bakit hindi nalang sa mga manloloko at mga gago napupunta ang sakit, dahil mas deserve nila yon, bakit sa mga biktima at walang ginagawang mali?

Sa mundo ang pagmamahal ang pinaka delikadong bagay, kapag tatanga-tanga ka talo ka, kapag hindi mo unang minahal ang sarili mo talo ka, kapag lulutang-lutang ka wala kang mararating.

Because loving yourself is your biggest asset to love others, if you loved yourself, you are brave enough to enter a relationship, that is what I believed, love yourself before anyone else.

You need to be a smarter one, in comes into loving department, while using your heart, use your brain too. Hindi pwedeng iisa lang ang pagaganahin mo, matatalo ka kapag isa lang ang ginamit. Use a smarter heart instead.

Kapag matalinong puso ang gamit mo may laban ka, bakit? Dahil alam mo ang gagawin at nagtutugma ito sa nararamdaman mo. Hindi mo kailangan na paglabanin ang dalawa, you just need to compromise in the middle, use your heart and use your brain on the same level.

It is really hard to do, but when you try it, and start a simple step, and putting your goals to follow, step by step system you will aim your goals. and make you the best version of yourselves.

Walang nadadaan sa mabalis na proseso lahat pinaghahandaan, sinusunod ang tamang galaw at naglalaan ng pagtatatyaga at tamang panahon.

In this world, the weak are the ones who do not win, if you are weak you need to train yourself to be strong enough to face the world

The world is full of life trials, you need to become stronger and wiser.

You need to become the best version of yourselves, each on every day to be the best person in the future.

Ala una ng madaling araw ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok at gising na gising parin ako. Sa ganitong hindi maganda ang pakiramdam ko ayaw na ayaw kong gising ako, dahil kung ano-ano lang ang naiisip ko, kung saan-saan tumatakbo ang utak ko.

Ang hirap nang gising ka kapag malungkot kase pumapasok sa isip mo yung mga bagay na ayaw mong isipin, yung mga bagay na tinatakasan mo hanggang kaya mo. Kaya lang wala kang magawa dahil nakukulong ka sa mga ala-ala.

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now