18

284 5 0
                                    

Chapter 18:

Trigger Warning: Gun,

"Shit!" sigaw ng isang tauhan ni Jamaica at mabilis sila na lumabas ng kwarto. 

Sa kabila ng  mga naririnig ay tila nabibingi ako, ang dugong kumakawala sa talukap ng mata ko ay kumakalat na sa mukha ko, sana ay maging maayos ang lagay nila Zaydan at huwag silang mapahamak. 

Pinilit kong itayo ang aking sarili kahit na nanghihina ako, pikit ang isang matang, dahan-dahan ang ginawa kong pagkilos. 

Tumutulo ang dugo sa isa kong mata, masakit at tila namamanhid iyon. Kinuha ko ang naiwang baril kung saan ako naroon, kinasa ko iyon at dahan-dahan na lumabas ng silid. 

Mabilis kong pinaputukan ang nakita kong kalaban, nanghihina na ako ngunit pinipilit kong tumayo para iligtas ang sarili ko, walang mag liligtas sa akin kundi ang sarili ko lang. 

Kailangan kong masiguradong ligtas ang mga kasamahan ko, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila kailangan kong masigurado na ligtas sila. Kailangan kong iligtas sila. 

Mula sa kinatatyuan ko ay nakikita kong tumitilapon ang mga kalaban, bahagya akong napasandal sa ding-ding nang maramdaman ang panghihina. 

"Damn it!" isang malutong na mura ang narinig ko, sa kabila ng nangyayari ay nakita ko si Sion, humahangos ito at kitang-kita ko ang galit sa mukha niya habang pinagsusuntok ang lalaki sa harap niya hanggang sa mawalan ito ng malay. 

Nang magtama ang mga mata namin ay mas nakita ko ang galit sa mukha niya, mabilis niyang pinutol ang pagitan naming dalawa. 

"What happened?" nanginginig nitong saad. 

Hinawakan niya ako sa balikat at kinulong sa bisig niya, ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. 

Mabilis din ang paghinga nito na tila pinapakalma ang sarili, nang lumiwalay siya sa akin ay nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya habang tinitignan ako, nakita ko rin ang galit na bumabalot sa mukha niya na kahit lumuluha ay nagliliyab iyon. 

" Papapatayin ko sila" mahina iyon, ngunit ramdam na ramdam ang galit doon. 

Maingat niya akong binuhat, kinapit ko ang mga kamay sa batok niya at bahagyang sinandal ang ulo sa dibdib niya. 

Sa kabila na buhat buhat niya ako ay nakikipagpalitan pa rin ito ng bala sa bawat kalaban na mararaanan namin, walang awa niya itong pinapatukan at tila sabik sa pagpatay, ngayon ko pa lang siya nakitang ganito. 

"Si Harley, Sion," nahihirapan kong saad habang bumababa kami ng hagdan. " Sila Zaydan, please save them" nagmamakaawa ako sa kanya. 

" I'm sorry" humihikbi nitong saad, " Sana hindi na lang ako sumama sa mga Pinsan ko, baka, baka sana andoon ako" dinig ko ang regret sa boses niya. 

"Sana naprotektahan ko kayo, sana kasama niyo ako!" ang sakit sa boses niya ang siyang nagpanginig sa labi ko. 

Hindi niya iyon kasalanan! kaya bakit niya sinisisi ang sarili niya! Si Jamaica at ang pamilya niya ang dapat sisihin dito! sila lang wala ng iba.

"Wala...kang kasalanan" nahihirapan na akong magsalita dahil nanunuyo na ang lalamunan ko. 

" Ayy gago!" rinig kong sigaw ni Gianna! Gianna is here also! "Is she okay?" ramdam ko ang pag aalala niya. 

" I can't tell damn it!" malutong na mura ni Sion, his voice is cold

" Har....ley" mahinang usal ko. " He needs help"

" Can you still walk baby?" Sion asked.

" P-please si Harley, yung kapatid ko, kailangan nila ng tulong" nag mamakaawa na ako sa kanila, na mas dapat nilang tulungan ang mga kasamahan ko kesa sa akin. Mas nangangailangan sila kesa sa akin.

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now