04

415 11 0
                                    

Chapter 4: 

Trigger Warning: Gun

" Liligawan na kase kita"  malambing na wika ni Sion. Ang aga-aga at ito na naman siya nangungulit sa akin. 

"Hindi Sion" sagot ko ng hindi nililingon ang lalaki at patuloy sa paghighlight ng mga keyword sa lesson na binabasa ko. 

" Ouch, again? basted na naman ako" pagak itong tumawa, para wala na naman sa kanya ang sinabi ko. 

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa, may naramdaman akong nakatitig sa akin kaya nilingon ko ang gawi niya, at tama nga ako, nakapahalumbaba siya habang mariin akong pinapanood. 

Ngumisi siya ng bumaling ako sa kanya, He flashed me a cute smile before winking at me. I just scowled and glared at him, and he laughed manlily.

Nagkibit balikat nalang ako at hindi pinansin ang paninitig niya sa akin, Damn this guy, kung alam niya lang kung gaano nakakatunaw ang mga titig niya, mabuti nalang ay hindi ako marupok pagdating sa mga lalaki, kung hindi ay baka malaglag ang panty ko sa mga pinupukol niyang nakakaakit na titig.

Matibay ang isang ito, ang daming beses ko ng tinanggihan ang panliligaw niya ngunit hindi ata papatalo. Kalimitan kase sa mga lalaking nanliligaw sa akin kapag sinabi kong hindi ay titigil na talaga sila.

Samantalang ang kulukoy na ito ay nakaka ilang basted na ang natatanggap mula sa akin ay parang walang nangyayari, patuloy niya akong kinukulit tapos magtatanong naman ngunit ganon parin naman ang sagot ko. 

Hindi pa pwede, dahil hindi pa ako sigurado sa kanya, kailangan ko pang kilatisin ang isang ito. Hindi pa sa ngayon.

Umihip ang sariwang hangin kaya tinangay non ang mahaba kong itim na buhok, humarang iyon sa mukha ko, ngunit hindi ko binigyan ng pansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. 

Ang ilang hibla ng buhok ay nasa labi ko na at malapit ko ng makain ng may isang kamay na humawi doon, napatigil ako sa ginagawa at dahang-dahan bumaling sa katabi ko. 

" Talikod ka sa akin" pag uutos niya.

" Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya ngunit ginawa ko naman ang inuutos niya. 

Ramdam kong may kinuha siya sa bag at halos kapusin ako ng hininga ng maramdaman ko ang marahan niyang pagsusuklay sa buhok ko. 

"A-anong ginagawa mo" halos mautal pa ako sa pagsasalita dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. 

" Itatali ko ang buhok mo" magiliw niyang sagot sa akin. 

Sobra-sobra ang kalampag ng puso ko sa dibdib ko na tila gustong kumawala mula sa pagkatao ko at tumakbo papunta kung kanino. 

Pinilit kong mag concentrate sa binasa ko habang tinatali niya ang buhok, ramdam ko ang malamyos na hawak niya sa buhok ko, na tila isang mamahaling crystal na kapag hindi iningatan ay mamabasag. 

Hinayaan ko siya sa ginagawa niya, mabilis parin ang tibok ng puso ko, pero sinawalang bahala ko iyon. 

He tied my hair so slowly that it made my forehead wrinkle, and I had to stop breathing when I felt his nose in my hair.

"Your hair smells so sweet." He whispered in my ear, "Smell so good," he murmured.

" A-ano ba" alanganing aniya ko. " Bakit ang tagal mo namang itali?" i asked confused. 

" Relax ka lang dyan miss, magbasa kalang ako ng bahala sa buhok mo" sabi niya. 

" Bilisan mo dyan" sabi ko at nagpatuloy sa pagbabasa, napahigab na ako hindi pa rin siya tapos sa ginagawa niya. 

Taming The BulletsWhere stories live. Discover now