Kabanata 1

238 13 4
                                    

"Gegs kaba?" Hindi ko napigilan ang sariling hindi magsalita ng masama, slave? gagawin niya akong alalay ampowa naman.

"Gegs?"

"Gegs for Gago para matino pa rin pakinggan." Sagot ko saka dali-dali nag-iwas nang tingin, nang mapansin kong umigting bigla ang panga niya.

"Ayaw mo maging slave ko? Then, bayaran mo ang utang ng kapatid mo ngayon din mismo." Agad umawang ang bibig ko nang maglabas ng baseball bat ang iba sa mga lalaking nasa paligid namin, doon ko lang din napansin na mas dumami sila kaysa kanina.

Nanlaki ang mata ko nang may lumabas pa na mga lalaki sa dilim at patalim naman ang hawak.

"Jusko! Oo na pumapayag na ako maging alalay mo sa isang taon paalis mo ang mga 'yan!" Kinakabahan kong sigaw saka nagpapadyak, agad naman siya sumenyas sa mga lalaki kaya dali-dali tinago ng mga lalaki ang patalim pero ang mga lalaking may hawak na baseball bat ay nanatili pa rin sa tayo nila.

"Okay ipapahatid kita sa bahay niyo, at kunin mo lahat ng gamit mo dahil simula ngayon, sa bahay na kita uuwi." Ngumisi ito saka ako tinalikuran napaawang naman ako sa sinabi niya.

Akala ko ba alalay lang?! Bakit ako binahay?!

***

Masama akong nakatingin sa babaeng nasa tabi ko, hindi ko siya kilala pero mas mataray pa siya sa kalabaw puro black ang suot maski make-up niya black, mangkukulam yata 'to.

"'Wag mo 'ko titigan baka dukutin ko 'yang mata mo." Walang ka reaction niyang sabi, umirap nalang ako saka inayos ang salamin at nilingon ang bintana ng sasakyan. Hindi ko kilala ang babaitang 'to pero, pinapasundo raw ako sa kaniya, kaya sumama ako.

Aiden Luke De Marco? Seryoso sa pagkakaalam ko ang De Marco ay isa sa pinaka mayaman sa lugar namin, kilala din ang buong pamilya nila sa pilipinas gano'n na rin sa south asia.

Business partner ng mga De Marco ang, Rosales, Lee, at Ocampo. Tsaka nasa politiko ang Papa niya.

Tapos gangster lang pala ang taga pag-mana ng De Marco? Nakakatawa, tsaka nasa school siyang magulo sa katotohan pwedeng-pwede at kayang kaya niya magbayad sa LIS.

"Bakit ikaw ang sumundo sa 'kin?" Tanong ko sa kaniya pero, hindi niya man lang ako nilingon. Isumpa ko kaya siya tignan ko lang. Tumahimik nalang ako saka kinuha ang phone sa bag ko.

Alam mo 'yung feeling na libre naman magsumbong sa police kaso nung nalaman mo na De Marco siya atras ka nalang 'be, talo ka riyan pero, kung magsusumbong ako baka kapatid ko ang ikulong, kahit tanga at inutil 'yon mahal ko pa rin 'yon 'no.

"'Wag ka mag-isip halatang wala kang utak." Tinig iyon mula sa gilid ko, masama ko siya nilingon saka pinagkunutan ng noo.

"Bakit matalino ka?" Inis kong tanong, alam ko naman na hindi ako matalino pero may utak pa rin ako 'no.

"Yes, at kung hindi ako nagkaka-mali ikaw 'yung napalabas ng classroom nung senior high at nung first year collage dahil simpleng tanong ng Prof ay hindi mo masagot." Taas noo nitong sabi, napaawang naman ang labi ko saka inis nag-iwas nang tingin, dahil lahat ng sinabi niya ay totoo, ampowa!

Sumandal nalang ako sa bintana saka mariin na pumikit, sana tama ang pinasok kong gulo.

Sure akong gulo 'to mas magulo pa sa school ko.

Napaangat ako nang tingin nang huminto ang sasakyan na sinasakyan namin, nilingon ko ang binata pero, puro damo at puno ang nakikita ko, nilingon ko ang babae sa gilid ko ng bigla itonf sigaw at may kunin sa ilalim ng inuupuan namin.

Gano'n nalang ang gulat ko nang maglabas ito ng baril saka naglagay ng patalim sa gilid ng hita niya.

Ano ba nangyayari? Bakit may baril?

"H-Hoy, anong meron?" Utal kong tanong ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pangamba sa dibdib ko, nilingon niya ako habang inaayos niya ang baril na kinuha niya kanina.

May kinuha siya sa bulsa niya saka inabot sa 'kin iyon, cellphone iyon.

"Bakit?"

"'Wag kang lalabas, tawagan mo si Aiden sabihin mo may humarang na kalaban." Sabi niya bago binuksan ang pinto ng van at isara 'yon nang makalabas siya.

Ang mga lalaki sa likod ng van maski ang ang nagmamaneho ng van ay lumabas din at pare-parehas silang may dalag baril.

Nanginginigman ay pinilit ko hanapin ang pangalan ni Aiden, agad ko naman nakita iyon.

"Ah!" Sigaw ko nang biglang may putok ng baril ako narinig, bwisit ano ba 'tong pinasok ko? Gera?

Naiiyak na ako nang sunod-sunod pa ng mga baril ang narinig ko mabilis ko pinindot ang pangalan ni Aiden agad naman nag ring 'yon.

"Siliana! Nasaan naba kayo bakit ang tagal niyo?!" Sigaw nito sa linya ng sagutin nito ang tawag, hindi agad ako nakaimik at tuluyan na akong naiyak. Lord ayoko pa mamatay.

Napalingon ako sa harap ng van nang makita ko kung paano silang maglaban, barilan kung barilan, patalim sa patalim, kamao sa kamao.

"Sil-"

"A-Aiden..." Humihikib at hirap na hirap kong tawag sa kaniya, habang ang mga mata ay nanatiling nakatingin sa mga naglalaban sa labas.

"Arabella?"

"Tulong..."

Nabitiwan ko ang cellphone at malakas na umirit nang may narinig akong nabasag na salamin halos himatayin ako nang makita ko ang salamin sa driver sit na sira na iyon dahil sa tama ng bala.

"What? What's happening right now? fucking Paolito, okay chill wait for me." Hindi pa ako nakakaimik ay napatay niya na ang tawag, dali-dali ko pinahid ang luha sa mga mata ko saka umupo sa sahig ng sasakyan at nagtago roon.

Natatakot ako... Tangina ngayon lang ako nakaramdam ng nakakatakot pa pala mamatay.

"Ah gegs!" Sigaw ko nang bumukas bigla ang pinto ng van, dali-dali pumasok ang lalaking naka-itim na t-shirt saka ako pilit na hinila palabas, agad-agad naman ako humawak sa upuan para hindi niya ako tuluyan mahila pero, sad'yang mahina ako at wala na akong nagawa ng mahila na niya ako tuluyan palabas.

Nagtuloy-tuloy na ang luha ko, kung kanina at napipigilan ko pa ngayon ay hindi na ang gusto nalang mangyari ngayon umuwi na kay mama at umalis sa magulong lugar na 'to.

"Sino ka?" Halata sa tono ng boses niya ang inis hindi ako sumagot at yumuko nalamang, napadaing ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

"Let her go." Mabilis ako na paangat ng ulo nang marinig ko ang tinig mula sa gilid namin. Nakatayo nang deretsyo habang nakatutok ang hawak na baril sa lalaking nasa harap ko.

"Bakit? sino ba siya sa buhay mo, Aiden?" Nakangisi tanong ng lalaking may hawak sa 'kin, nilingon ako ni Aiden saka sinalubong ang mga mata ko na patuloy pa rin sa pagluha.

"Let her go, hindi siya kasama sa gulong 'to."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang halos bumaon ang kuko niya sa braso ko, ayoko sumigaw sa sakit dahil lalo niya lang makikitang mahina ako.

"Dude, this girl is not yours so stop acting like you have a concern for her, I know she's just nothing for you."

"Don't call me, Dude, and don't try to hurt my woman or else you will see the true devil between us." Kinasa nito ang baril at mas itinutok sa lalaking may hawak sa akin.

Parang ibang Aiden yata ang nakikita ko ngayon...

Deal With The Gangster (COMPLETED)Where stories live. Discover now