Kabanata 5

127 10 0
                                    

Hawak ko pa rin ang ilong ko hanggang sa makarating ako sa private room ni Aiden, may kama at may mini kitchen sa loob ng kwarto, weird kala ko simpleng kwarto lang.

Ba't ba siya gano'n? Huhuhu, hinalikan niya ako sa labi tapos sa ilong, my queen pa ang tawag sa 'kin. Bakit feel ko bilis ko naman yata ma attached sa kaniya? Aminado naman ako humarot ako noon pero never ako nagkakagusto agad nang ganito kabilis?

'Yung totoo? Anong role ko rito? Alalay or fling niya?

"What ar-"

"Kabayo!" Hindi na niya natapos ang sasabihin, nagulat ako roon, jusko siya!

"So, what are you thinking, mia regina?" Tanong niya, hindi ko naman siya sinagot at nanatiling nakaupo sa sofa at umiwas nang tingin.

Marami akong iniisip, una saan kaya nagpunta ang kapatid ko? Wala ba talaga siyang balak magparamdam sa 'kin? As in?! Kuya naman magparamdam kana sinalo ko na nga ang kasalanan mo! Tsaka kataka-taka rin kala Mama, ba't parang hindi nila hinahanap si Kuya?!

Si Mama pa! Nag-text siya sa 'kin kanina, gusto niya pagka-graduate ko umuwi agad ako sa probinsya, eh kaso paano 'yun? Kailangan ko manatili ng isang taon kasama si Aiden eh malapit na ako mag-graduate. Tsaka kukuha pa ako ng board exam.

"Mio amore, what are you thinking?" Agad ko siya nilingon at pinaningkitan ng mata, ano naman 'yung mio amore?!

"Marami." Sagot ko nalang, bahala na kung ano 'yung mio amore pero, baka ibig sabihin no'n tangang babae ko, wala lang. Nasanay kasi ako na halos lahat ng nakakakilala sa 'kin tanga at bobo ang sinasabi sa 'kin, maski nga mga Tita ko sa Mother side eh gano'n ang sinasabi, may kasama panghuhusga sa katawan ko.

Pakialam ba nila.

"Like?"

"Basta marami." Hindi ko na nga alam kung ano talaga iisipin ko, maipasa ko lang talaga ang final exam saka na ako kukuha ng board exam. Pwede naman siguro 'yun? Hindi ko lang sure, maitanong nga kay Candy 'yun. Eh bobo ako eh, anong magagawa ko.

"Fine, are you hungry?" Tanong niya, agad naman akong umiling. "Hindi pa naman ako gutom," sagot ko.

"Okay pero, magluluto na ako." Sabi niya kaya agad lumaki ang mga mata ko, wow marunong siya magluto?

Para akong siraulo habang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya, tinaasan naman niya ako ng isang kilay. Astig! Marunong siya magluto!

Ang kaya ko lang lutuin ay hotdog, itlog, spam, at pancit canton na lamog. Tsaka nag-dorm ako noon, ang buhay dorm ay buhay kana sa hotdog, 'di ko rin kasi alam ba't ako nag-education.

"Gulat ka?" Sabi niya at tumawa. "Of course, mio amore. Marunong ako magluto, nasa lahi na yata namin ang pagluluto." Proud niyang sabi, edi wow.

"Don't be silly, mukha kang ewan habang nakatingin sa hangin." Muli ko siyang nilingon at inirapan, parang gusto ko tuloy kumain, na-stress ako!

Grabe pa naman ako kapag na-stress, bagsak ko nito mental health breakdown. Ayoko na umiyak gabi-gabi kakaisip.

"Gutom na pala ako, magluto ka." Utos ko habang nakatingin sa hangin. Inisiip ko talaga ang ampowa kong kapatid, saan kaya posible 'yun nagtago, kapag talaga nakita ko 'yun! Lagot siya sa 'kin! Makikita niya ang higanti ng biik na inaapi!

"Wow, ikaw 'yung alalay ko pero ako inuutusan mo."

Ay oo nga 'no, agad ako tumayo sa pagkakaupo ko at nagsimulang maglakad, hindi pa ako nakakalayo ng tawagin niya ang pangalan ko, marahan naman akong humarap sa gabi niya.

"Where are you going?"

"Sa kusina." Inosente kong sagot, saan paba?

"Marunong ka magluto?" Tanong niya. "Hindi." Agad ko naman sagot at napakamot nalang ako sa ulo ko. Oo nga naman, ba't ba ako papunta sa kusina? Eh hindi naman ako marunong magluto, sabog lang?

Pinanood kong tumayo si Aiden mula sa pagkakaupo niya at lumakad papunta sa gawi ko, hindi naman ako gumalaw at hinintay lang siyang lumapit sa 'kin, pumunta siya sa likuran ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Marahan niya akong tinulak papunta sa mga sofa hanggang sa makarating kami sa isang single sofa at pinaupo ako roon.

"Bakit?" Naguguluhan kong tanong saka siya nilingon, hindi ko maintindihan.

"Stress ka ba?" Tanong niya, hindi naman agad ako nakasagot, nanatili akong nakatingin sa mata niya gano'n din siya sa akin.

"Stress ka nga." Aniya ulit bago ako hinarap pa una, isinandal niya ako sa sandalan ng sofa saka siya may kinuha sa drawer, binuksan niya ang tv na nasa harap at inilipat 'yun sa isang palabas. Umalis siya sa likod ko at pinanood ko naman siyang pumunta sa isang mahabang sofa, kumuha siya ng isang throw pillow roon, at muling naglakad pabalik sa gawi ko.

Gulong-gulo naman ako habang pinapanood ang bawat galaw niya.

Lumuhod siya sa harap ko, pinanood ko naman siyang ilagay ang pillow sa hita ko at ipatong doon ang dalawang kamay ko, nag-angat siya nang tingin sa 'kin at ngumiti.

Umangat ang isang palad niya sa kabilang pisngi ko at marahan hinaplos 'yun.

"Stay here, magluluto lang ako, masyado ka maraming iniisip kaya ka na-stre-stress, 'wag kana ma-stress. Manood ka muna r'yan at mag-chill." Sabi niya, bago inalis ang palad na nasa pisngi ko at tumayo sa pagkakaluhod sa harap ko. Lutang ko naman siyang sinundan nang tingin.

Mas mukha pang-alalay ang peg niya kaysa sa 'kin.

Umiling nalang ako at inalis ang sarili sa maraming isipin, sinunod ko ang gusto niya at nanood nalang ng tv.

Nakataas ang paa ko habang nanonood ng tv.

Medyo nare-relax na ang katawan ko ng may bigla akong narinig na kalabog mula sa labas ng kwarto.

Agad ako napatayo at tignan si Aiden, nakita ko naman agad si aiden kunot ang noo habang nakakuyom ang mga kamao. Ano na naman nangyayari?

Mabilis itong naglakad palapit sa 'kin.

"Arabella, pumunta ka sa bedroom, sa likod ng bookshelf may secret room doon, magtago ka muna roon." Aniya bago may kinuha sa bulsa niya at binigay sa 'kin, susi 'yun. Pero hindi ko maintindihan kung bakit niya ako inuuna iligtas?

Binigyan ko siya ng nakakalitong tingin, hindi ko alam pero, based sa nakikita ko sa mata ni Aiden na nakatingin sa 'kin ay pag-aalala ang nakikita ko, hindi ko lang alam kung bakit.

Gumapang ang dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ko habang tinititigan ako.

Bigla ako nakaramdam ng takot, pakiramdam ko may hindi nangyayaring maganda.

"A-Aiden, ano bang nangyayari?" Kahit kinakabahan ay nakuha ko pa rin magtanong. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko bago siya muling nagsalita.

"Arabella, makinig ka sa sasabihin ko," sabi niya at huminga nang malalim.

"Go to my bedroom, lock the door. Sa bookshelf may kulay gray na libro roon, may nakasulat na jokers, alisin mo lang 'yun may makikita kang suotan ng susi, buksan mo 'yun gamit ang susing binigay ko sa 'yo. Sa likod noon may itim na pinto, pumasok ka room at muling sarhan ang pinto, 'wag kang lalabas, sa loob may drawer doon. Kung may mangyari naman masama habang wala pa ako, kunin mo ang baril na nakatago room." Mahaba niyang paliwanag, hindi naman ako nakaimik.

B-Baril? Takot ako sa baril...

"A-Aiden, ano bang nangyayari?" Naiiyak na ako, hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko bawat oras ay maririnig ko ang tunog ng mga baril.

"Do you trust me?"

Hindi ako naka-sagot, hindi ko alam. Natatakot ako. "Mio amore, do you trust me?"

"Y-Yes... I trust you."

"Then, sundin mo ang utos ko." inalis niya ang parehong palad sa mukha ko at sinesenyasan na gawin na ang utos niya.

"B-Baka kung ano ang mangyaro sa 'yo..." Natatakot kong sabi, umiling siya.

"Kaya ko ang sarili ko, go to my bedroom. Now."

Kahit nalilito ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto niya pero, hindi pa ako nakakalayo ah tumigil ako muling humarap sa kaniya.

"Mag-ingat ka."

"I will, ti amo amore mio."

Deal With The Gangster (COMPLETED)Where stories live. Discover now