Wakas

175 12 1
                                    

Hindi ko na napigilan ang hindi umiyak, kahit anong patahan sa 'kin ni Tita hindi niya magawa.

Iniwan niya na talaga ako? Wala naba talaga? Wala nang pag-asa?

Gano'n nalang 'yon? Ampowa naman! Paano naman ako? Tangena naman mahal na mahal ko siya tapos iiwan nalang niya talaga ako? Paano naman ako...

"Tahan na... Ang baby... Masama sa 'yo ang mapagod at ma-stress." Pamimiliit ni Tita, hinaplos niya muli ang likod ko habang yakap-yakap ako, tanging hikib lang ang sagot na naibibigay ko sa kan'ya.

Minsan na nga lang magmahal. Iniwan pa. Tangena naman.

"Tita... Iniwan na niya ako..." Humihibik kong sabi... Iniwan na niya ako... Kami ng baby namin. Aiden, balik kana please...

"Tita... Baka naman pwede mo sabihin sa kan'ya hindi na ako magiging s-slow... Mag-iingat na ako... T-Tapos mag-aaral ako paano lumaban... B-Balikan niya lang ako..." Umiiyak kong sabi nanlalabo na rin ang mata ko.

"Iha... Sorry... Nandito si Tita ha? Hindi kita iiwan, hindi ko rin alam kung nasaan si Aiden." Sagot ni Tita, mas umiyak lang ako.

Iyak lang ako nang iyak hanggang sa mamaya dinalaw na ako nang antok, nagpaalam na si Tita na magluluto lang siya para sa hapunan namin, tumungo lang ako habang umiiyak pa rin hanggang sa tuluyan na ako nakatulog ulit.

Hating gabi na nang magising ako, hindi na rin ako nakakain ng hapunan siguro napansin ni Tita pagod na pagod ako kakaiyak kaya hindi na niya ako ginising.

Marahan akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at umupo. Nilingon ko ang tiyan ko at hinaplos 'yon, mapait akong napangiti.

"Samahan mo si Mommy ha... Mahal kayo ng Daddy niyo kaso... Kailangan niya tayo iwan eh..." Mapait akong ngumiti habang hinahaplos 'yon.

Aiden... Sana nandito ka... Sana kasama kita habang nagbubuntis ako...

***

Yamot akong nakatayo sa labas ng bahay namin. Ilang linggo nalang mangangaanak na ako pero, hinihintay ko pa rin siya. Totoo iyon, gabi-gabi iniisip ko na babalik iyon, nagpapahinga lang kaso, nine months na wala pa rin eh.

Napapagod na rin ako maghintay, ayoko man mapagod pero... Hindi ko rin kasi alam kung may hinihintay ba ako.

Nakapamewang akong humarap sa  Gate nang makitang ko pumasok doon si Katelyn, kasama nito si Creed na may dalang kahon.

"I'm so sorry, Arabella. Ito kasing si Creed ang tagal gumising kaunti nalang hahampasin ko na siya." Yamot na dahilan ni Katelyn, mahina naman akong natawa nang makita ko si Creed na nakasimangot. Sa pagkakaalam ko sa isang Restaurant nagtratrabaho ngayon si Katelyn habang si Creed naman ay tumutulong sa business ng family nito. Simula kasi ng nangyari iyong gulo at hindi ko na makita ulit si Aiden wala na rin gulo nagaganap sa kanila, ang gang na ginawa nila ay nabuwag na. Ang gangster na buhay nila noon ay mapayapa na.

Ayos na sana eh, kulang lang siya. Ampowa!

"Gaga, okay lang nagluluto pa naman sila Tita." Sabi ko at niyaya na silang pumasok. Pagkapasok namin ay agad bumungad sa amin si James. Ang pinsan ko sa totoo ko mga magulang. Sa father side ko, siya rin ang nagtatake ng Company ng mga totoong magulang ko ngayon, nalaman ko rin na nang mamay-ari ng ilang gasoline station, resort, restaurant, and hotels ang mga magulang ko na inangkin ng mga fake parents ko na ugod naman ng salbahe.

Kaya pala ganoon sila sa akin kasi hindi nola ako totoong anak!

"Kuya James, gising ka na pala." Ngumiti ako, mas matanda siya sa akin ng anim na taon. Ngumiti rin siya sa akin. Isang linggo siya mag-stay rito dahil kasal ng kapatid niya, si Ate Klaring. Dahil malapit lang naman kami sa kapatid niya rito muna siya nag-stay, pumayag naman sila Tita dahil pamangkin din nila si Kuya James.

Deal With The Gangster (COMPLETED)Where stories live. Discover now