Kabanata 10

108 6 0
                                    

"Arabella..." Tawag niya sa pangalan ko, umiling nalang ako dahil hindi naman niya sinasagot ang tanong ko. Marahan ko inalis ang pagkakasabit ng dalawang braso ko sa leeg niya at umalis sa pagkakaupo sa mga hita niya.

"Aiden... Hindi ko alam ba't ganito nararamdaman ko sa 'yo, minsan nakakaramdam ako ng selos kapag may kausap ka na ibang babae parang nalilimutan mo na kasama mo ako. Minsan naman naiiyak nalang ako pagkatapos ko maramdaman 'yong sakit sa puso ko kaya... Tinatanong kita, bakit ka ganito sa'kin? Ano ba ako sa 'yo? Ano ba talagang meron sa 'tin? Ano ba tayo?" Sunod-sunod kong tanong, umawang naman ang bibig niya.

Nainis lang ako dahil sa reaction niya.

"H-Hindi ko kasi alam..." Naiiyak kong sabi, ba't ba kasi ganito nararamdaman ko? Kapag tinatanong ko si Katelyn tinatawanan niya ako sabi niya ako raw ang humanap sa sagot sa mga tanong ko.

Umiling ako habang iniiwas ang tingin sa kan'ya.

"N-Ngayon lang ako nakakaramdam nang ganito, Aiden. Ba't ganito?" Seryoso kong tanong.

"You're already falling in love...."

Luh? May nararamdaman ako sa kan'ya? Bigla naman ako napahawak sa puso ko ng biglang bumilis ang tibok doon. "Aiden, 'wag mo naman ako lokohin, bumilis tibok ng puso ko dahil sa 'yo."

"I'm not even joking, Arabella."

"Bahala ka r'yan!" Inis kong sigaw at tinalikuran siya, bahala siya nagjo-joke lang siya 'no, imposible. Hindi naman uso sa 'kin 'yang love na 'yan eh, ba't ako makakaramdam noon?

"Arabell!." Tawag niya sa 'kin kaya tumigil ako sa paglalakad pero hindi lumilingon. Bakit kasi ang layo ng pinto ng kwarto niya?!

"You are going to come with me. I'm going to pack your things." Sabi niya, hindi ko siya sinagot at tumuloy nalang sa paglalakad.

Halos ibalibag ko ang pinto ng kwarto niya at tatakbo lumakad sa hagdan at bumaba na roon ng pinaka mabilis kong takbo.

Bwisit siya! Akala niya magandang joke 'yon?! Bumilis 'yong heart ko dahil sa joke niya! Ang panget niya mag-joke!

Pero... Paano kung totoo ang sinasabi niya? Ibig sabihin ako lang ang nahulog? Paano siya? Siya ba, nahulog na rin? O ako lang talaga?

"Bahala siya!" Inis kong sigaw at dali-dali lumabas sa mansion, dahil maraming bantay sa pinaka main gate at alam kong sasabihin nila kay Aiden na lalabas ako ay roon ako dumaan sa mini back door, maliit lang 'yon daanan siya once na may masamang mangyari, tinuro sa 'kin ni Katelyn 'yon.

Mabilis ko inibot ang paningin ko sa buong paligid, nang masigurado ko na walang makakita sa 'kin ay mabilis kong binuksan ang maliit na gate at dali-daling lumabas.

Stress na ako sa mansion na 'to, need ko ng kaunting pahinga. Buti nalang naniwala si Mama sa mga sinabi ko nung nakaraan kaya hindi nila ako masyado tinatanong sa mga pinaggagawa ko, tsaka busy sila roon sa province kaya mas ayos ako kahit puro gulo na ang nangyayari sa 'kin atleast hindi sila mamadamay sa mga gulong meron ako.

Mabilis ako nakalabas sa likod ng mansion at narating agad ang kalsada, lumakad lang ako sa sidewalk dahil bigla ako nainis sa sarili ko, at bakit? Gegs naman kasi!

Cellphone at 100 pesos lang ang nadala ko! Sino hindi maiinis? Buti nalang talaga naglalagay ako ng money sa likod ng cellphone ko. Incase na mawala ako.

Maya-maya ay hindi ko na napansin na malayo na ako sa dapat pupuntahan ko, masyado na madilim at hindi ko kilala ang lugar kung saan ako dinadala ng paa ko, ampowa! Kinakabahan agad ako, hindi ako familliar sa lugar na 'to tapos parang trip pa ako hauntingin ng mga kalaban ni Aiden. gegs lang talaga.

Marahan ang ginawa kong lakad saka marahan na iniikot ang paningin sa paligid, hindi ko alam kung praning ako pero, feel ko may sumusunod ako, nararamdaman ko na rin pinagpapawisan ako kahit mahangin naman, ampowa?!

"Miss." Mabilis ako tumigild sa paglalakad nang may narinig akong tuwag mula sa likod ako, sure naman akong ako yong tinatawag niya kasi, hello ako nalang yata mag-isa naglalakad sa lugar na hindi ko matukoy kung saan, ampowa naman kasi.

Hindi ako gumalaw pero, ramdam ko ang paghakbang niya kaya bago pa ako kainin  ng takot ay akmang lalakad na ako ng may naramdamay akong matikas na bagay sa bandang ulo ko.

Gegs?! "'Wag kang gagalaw, ikaw ba ang girlfriend, ni Aiden?" Tanong ng lalaki sa likod ko mabilis akong umiling pero mas dumiin ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko, tangena! Gegs ayoko pa mamatay!

"Hindi ako naniniwala."

"Ba't ka pa nagtan-"

"Tangina bata 'to sumasagot pa!" Galit niyang sigaw, hindi ako umimik maya-maya naramdaman ko ang isang braso niyang pumulupot sa leeg ko. Isip Arabella! Kahit papaano tinuruan ka ni Aiden ng simpleng self-defense.

"Asan si Aiden? Sabihin mo kung ayaw mo masaktan." Utos niya, hindi ako umimik, takot na takot ako.

Tangena kasi Arabella! Ba't naisipan mo pa umalis! Peste ka!

Mariin ako pumikit nang maramdaman ko nag-vi-vibrate ang cellphone ko, ibig sabihin may tumatawag, marahan kong inilingon ang mukha ko sa kamay ko na nanginginig nang makita ko kung sino ang tumatawag ay dali-dali ko sinagot 'yon kahit natatakot, nakapatay ang volume ng cellphone ko pero nag-v-vibrate siya kasi binubuhay ko talaga 'yon para kahit papaano alam kong may tumatawag o ano man.

"Tangina babae ka! Magsalita kana! Kaano-ano mo si Aiden?!" Galit na tanong ng lalaki sa 'kin, sunod-sunod akong lumunok. 

"Hindi ko nga siya kilala! Paano naman ako makikilala ng lalaking 'yon eh palaboy ako rito sa dulong parte ng silvasion park!" Sigaw ko at dali-daling pinatay ang tawag, alam na ni aiden 'yon matalino naman 'yon at hindi slow kagaya ko. 

"Tangina pare ayaw umamin." Sabi niya mabilis lumaki ang mata ko. Gegs?! Hindi siya nag-iisa?!

"Dalhin na natin pare, atleast kung hindi man umamin at maling babae ang nakuha natin may ibebenta na babae si Boss." Rinig kong sabi nung isang lalaki.

Ampowa?! Ibebenta?! Tangena!

"Oo nga pare," gusto ko umiyak nang maramdaman ko ang hininga ng lalaking may hawak sa'kin sa batok ko, bastos!

"Mukhang sariwa pa at may itsura rin pare malaking pera rin ito kapag binenta ni Boss sa isang mayaman." Dagdag niya.

Tangena hind ba marunong mandiri ang dalawang lalaking 'to, Aiden, asan ka na ba, 'wag ka naman siguro ngayon shunga, alam kong tange ako pero 'wag ka gumaya, kaya mo ipa-track location ko lalaki ka!

"Miss last na, aamin ka o ibebenta ka namin?"

"Mga baliw!" Sigaw ko, malakas na sampal sa mukha ang nakuha ko, sakit.

"'Wag ka-"

"One more touch to my woman, both of you gonna die..." 

Deal With The Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon