Kabanata 15

97 5 0
                                    

TW: Violence and Dead.

Marahan kong minulat ang mata ko, medyo masakit ang paa at balakang ko, nasaan ba ako?

"Well..." Mabilis kong nilingon kung saan nang galing 'yong boses.

"Siliana!" Sigaw ko, akala ko kakampi siya? Siya ang laging inuutusan ni Aiden sa lahat pinagkakatiwalaan siya nito pero traydor pala ang babaeng 'to.

"Miss me?" Ngumisi siya at lumakad sa harap ko.

"Traydor ka!" Sigaw ko, akala ko mabait talaga siya kasi tinutulungan niya ako sa lahat, akala ko maganda talaga ang atensyon niya sa 'kin, aaminin ko hindi maganda ang unang pagkikita namin pero, sa halos ilang linggo rin siya nakasama nakita ko kung sino siya... Pero hindi ko akalain aabot sa punto na magiging traydor pala siya.

"Oh kilala ka pala niyan." Mabilis kumunot ang noo ko na sumunod naman na sumulpot si Paolito, gusto ko sila suntukin at sipain pero hindi ko magawa dahil nakatali ako, ampowa! Mamatay naba ako?!

"Of course, kamusta ang pang-aagaw nang akin?" Nakangising tanong niya sa 'kin, hindi ko siya maintindihan, anong inagaw ko?

"Anong inagaw ko?"  Naguguluhan kong tanong, sabay naman siyang tumawa, baliw na ba sila?

"Si Aiden, Stupid!" Sigaw sa 'kin ni Paolita. Ako? Inagaw ko kay Siliana si Aiden? Tangena nalang.

"Dahil doon sisirain mo ang tiwalang binigay sa 'yo ni Aiden? Kaya kaba nawala dahil kumampi ka sa kalaban?" Hindi ko makapaniwalang sabi, may feel na ako eh. May gusto siya kay Aiden kaso ako ang gusto noong tao kaya handa siya sirain ang lahat para lang sa pag-ibig, krazy people.

"Manahimik ka pwede," singit sa 'min ni Paolito, sobrang sakit ng tiyan ko hindi ko malaman ang dahilan kumikirot din ang mga kamay ko, ang hirap gumalaw. Hindi ko alam kung alam na ba nila Aiden na nawawala ba ako o hindi?

Lagi nalang sila nadadamay sa 'kin dahil sa katangahan ko, dapat na ba ako mamatay para hindi sila mapahamak?

"Patayin niyo nalang ako." Seryoso kong sabi, mukhang nagulat sila dahil sa sinabi ko dahil parehas silang hindi nakaimik. Kung kailangan ko mamatay para wala ng probblema gagawin ko.

"Anong tingin mo sa 'kin siraulo? May kailangan pa ako sa 'yo pwede pa kitang gamitin pain para sa boyfriend mong gagawin ang lahat para sa babae, katangahan! Isa pa, 'wag kang atat, okay? Kita mo'yon?" Tanong niya, saka tinuro ang kanang bahagi ko, doon ko nakita ang lalaking nakamaskara. "Siya ang papatay sa 'yo." Tumawa siya pagkatapos sabihin 'yon, nababaliw na talaga sila.

"May surprised pala ako sa 'yo." Ngumiti sila parehas sa'kin saka sumenyas sa ibang kasama nila, gano'n nalang ang pagkunot ng noo ko nang makita ko ang isang lalaking may takip ang mukha, pero kahit may takip iyon sa hugis pa lang ng katawan niya ay kilalang kilala ko na siya, agad ako natakot dahil parang hindi na siya gumagalaw.

"Aiden..." Naiiyak kong tawag sa pangalan niya, ayoko umiyak dahil wala na naman maitutulong sa 'kin ang pag-iyak pero, kusang naluluha ako lalo na nang alisin nila ang taklop sa ulo ng lalaki tuluyan na ako naiyak, gusto ko siya lapitan... Gusto ko hawakan ang mga sugat niya, punong-puno siya ng dugo, wala siyang malay habang naliligo siya sasariling dugo.

"Tangina niyo! Anong ginawa niyo sa kan'ya?!" Galit na galit kong sigaw habang patuloy sa pag-iyak tumawa lang silang dalawa sa 'kin ibinalik ko ang tingin kay Aiden na walang malay, kahit masakit ang katawan ay pinilit kong gumapang palapit sa kan'ya.

"Aiden... Gumising ka... Nandito ako... H-Hindi pa tapos ang isang taon.. bakit kaba gan'yan.." Umiiyak kong sabi habang hirap na hirap ng huminga, nanlabo na naman ang mata ko.

Deal With The Gangster (COMPLETED)Where stories live. Discover now