Kabanata 16

112 6 0
                                    

"Tita, wala ka pa rin bang balita kay Aiden?" Tanong ko, isang linggo akong nakahiga lamang sa kama, hindi ko alam nasaan sila Katelyn, Creed, at Aiden. Basta ang naalala ko bago ako tuluyan nawalan ng malay dinudugo ako, na hanggang ngayon hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako dinugo ng oras 'yon, wala pang kahit anong sinasabi sa 'kin sila Tita Ion, inaalagaan lang nila ako pilit na sinasabi sa 'kin 'wag muna mag-sip at magtanong ng kung ano-ano.

Hindi ko alam kung bakit.

"Tita—"

"Arabella, huwag mo muna isipin ang taong iyon?!" Sigaw ni Tita sa akin, kaya natigilan ako, hindi ko alam ang magiging reaction ko. Gulat ko siyang tinignan, pero mas nagulat ako nang may biglang luhang tumulo sa mga mata niya, agad ako nag-aalala.

Marahan na umupo si Tita Ion sa gilid ng kama, pinanood ko naman ang kamay niyang hawakan ang kamay ko.

"Arabella... Pwede ba? Sarili mo muna ang alagaan mo?" Pakiusap niya sa 'kin, kumunot ang noo ko gulong-gulo ako. Gusto ko lang naman kung ano nangyayari sa mga taong nasa paligid ko, sa taong mahal ko.

"Bakit po ba?" Naguguluhan kong tanong.

"Arabella... Ayoko pa sana sabihin sa 'yo pero..." Umiiyak na sabi ni Tita, gulong-gulo pa rin ako at hindi siya maintidihan.

Ano bang gusto niyang sabihin?

"Tita..."

"Pasensya kana kung hindi ka namin naalagaan nang maayos ng Tito Simon mo, pasensya kana kung naging masamang Tita kami sa 'yo, akala ko aalagaan ka ng kapatid ng totoong magulang mo pero, hindi pala." Nagtataka ko siyang tinignan lalo.

"Tita... Wala kayong maling ginawa." Sabi ko, wala naman talaga ginawa naman talaga nila ni Tito.

"Si Aiden. Boyfriend mo ba siya, Arabella?" Tanong niya sa 'kin, hindi naman agad ako nakasagot. Walang kami ni Aiden, walang kami pero mahal namin ang isa't isa.

Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya, gegs lang.

Nakikipag-seggs kahit walang label, awit ka Arabella.

"Tita..." 'Yun nalang ang nasabi ko, medyo kumirot ang puso ko sa tuwing iniisip na walang kami, walang kami ni aiden, si Aiden na mahal na mahal ko... Si Aiden na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita.

"Arabella, buntis ka."

"Ho?" Ano raw? Ako? Buntis? Paano? Alam kong ano, gano'n nga kasi gano'n. Nag-seggs kami, or make love sabi ni Aiden sa 'kin pero, isang buwan na ang lumipas simula nangyari 'yon, ba't ngayon ko lang malalaman na buntis ako.

Wala naman signs na buntis ako, hindi naman ako gano'n ka slow para hindi malaman kung anong nararamdaman ng buntis.

Tumawa ako dahil sa sinabi ni mama. "Tita, alam kong nag-aalala kayo sa 'kin pero, 'wag niyo naman ako patawanin." Tumatawa ko pa rin sabi saka muling nagsalita. "Hinahanap ko lang si Aiden, pero niloloko niyo ako na buntis ako." Tumatawa pa rin ako pero, agad natigilan nang makitang seryoso ang mukha ni Tita habang umiiyak pa rin.

"Arabella, dalawang linggo ka ng buntis sabi ng Doctor nung dalhin ka sa hospital, mabuti nalang daw at malakas ang kapit ng bata sa tiyan mo at hindi ka nakunan." Seryosong sabi ni Tita hindi ako umimik, marahan kong nilipat ang paningin ko sa maliit na tiyan ko at hinaplos iyon.

Hindi ko napansin na halos mag-iisang buwan na akong buntis sa anak namin, ngayon ko lang na-realized kung gaano ako tumakaw kung gaano ako naging maarte pagdating sa pagkain.

Ngumiti ako habang hinahaplos ang tiyan ko pero, agad din napawi 'yon nang maalala ko ang ama niya. Si Aiden...

Lalaki ang anak ko ng walang ama... "Tita, Si Aiden?" Tanong ko, gusto ko malaman kung anong nangyari sa kan'ya, okay lang ba siya ayos lang ba lagay niya kahit 'yon lang ayos na sa 'kin, kahit hindi na niya malaman na buntis ako at siya ang ama...

Basta ligtas siya, okay na ako roon. Gaya nang usapan namin dalawa, hindi kami para sa isa't isa.

"Si Aiden ba ang ama?" Mahinahon na tanong sa 'kin, hindi na siya umiiyak gaya kanina, marahan akong tumungo bilang sagot.

Wala akong balak itago kung sino ang ama ng anak ko.

Gegs kasi ni tadhana, ba't ganito? Dahil alam niyang wala kaming endgame binigyan niya ako ng sanggol na magiging alala ng pagmamahalan namin.

Grabe tadhana, napakagaling mo. "Si Aiden... Mabait na bata siya, alam ko 'yun nakikita ko 'yon." Sabi ni Tita, kaya napatingin ako sa kan'ya, ngumiti siya sa 'kin at pinisil ang kamay ko.

"Hindi nakulong nang tuluyan si Aiden, nakalaya rin siya." Dagdag na kwento ni Tita.

"Nasaan siya, Tita?" Naiiyak kong tanong, ba't kasi laging ganito? Kapag sa 'kin gagawin niya ang lahat pero kapag sarili na niya ang usapan pinapabayaan niya na, Aiden ano kaba...

"Hindi ko alam eh, pagkalaya niya hindi na siya nagpakita pa kasabay nang pagtakas ng mga walangya mong hindi totoo magulang." Kwento niya.

"Mahal na mahal mo si Aiden 'no?" Tanong niya saka ngumiti, agad naman akong tumungo. "Sobra, Tita."

"Bukang bibig mo siya kahit tulog ka, nagugulat nalang ako umiiyak ka at pilit na hinihiling sa lalaking 'yon na 'wag kang iwan, naawa ako sa 'yo, Arabella... Akala mo ba hindi kita nakikita na umiiyak? Tapos lagi mong binubulong kung nasaan na ba ang lalaking 'yon, at kung iiwan kana ba talaga niya." Hindi ako nakaimik sa sobrang haba ng sinabi ni Tita.

Tama siya, gabi-gabi ako umiiyak at hinihiling na sana balikan pa ako ni Aiden na... sana kami pa rin hanggang dulo kaso...

Malabo... Sumuko na siya, sinukuan niya na ako. Sinuko niya ang pag-ibig naming dalawa para sa kaligtasan ko.

"Pero alam mo, hanga ako sa lalaking 'yon," muli siyang ngumiti sa 'kin at pinisil ang pisngi ko. "Sabi niya sa 'kin, siya na ang bahala sa mga taong nanghuli sa 'yo, tapos tatlong araw pa lang nakakulong na sila. Pagkatapos noon, nawala na siya. Sinabi niya lang sa 'kin na aalagaan kita bantayan gaya nang ginagawa niya kasi..." Nginitian ulit ako ni Tita habang ako kagat na ang pang-ibabang labi at pinipigilan ang sariling umiyak.

"Hindi ka na niya pwede makita, hindi kana niya maalagaan, yakapin daw kita araw-araw, iiyak ko nalang daw siya sa 'yo, at sabihin na mahal na mahal ka niya araw-araw..."

Deal With The Gangster (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant