Kabanata 4

148 9 0
                                    

Kulukot ang mukha ko habang pinapanood sila. Ano ba naman ito, kailangan ba talaga nila magkasakitan? Training ang tawag nila rito? Ampowa! Piston, rifle l, and shotgun. 'Yan lang yata naalala ko sa mga sinabi niya kanina, may katana pangnalalaman.

"Anong klaseng training ba 'to? Magpapatayan ba sila?" Tanong ko kay Aina nakakadating lang. Galing pa kasi siya sa mayor ng lungsod may inutos daw si aiden, malay ko naman kung ano pinag-uusapan nilang dalawa.

"Gan'yan sad'ya, masanay kana. Mas malala pa r'yan ang makikita mo kapag nakita mo makipaglaban ang mga 'yan sa ibang kalaban nila." Sabi niya saka ako nilagpasan at naglakad papunta sa boxing ring kung saan nag-training si Aiden tsaka 'yung ibang lalaki.

Masyado siya pasikat, malay ko ba kung paano gumamit ng katana at baril? Gusto niya lang yata magpapansin kay Aiden eh.

Teka, bakit ba ako naiinis?!

Umalis nalang ako sa training room saka lumabas, ewan ko ba bakit ako nandito? Malapit na ang finals namin at kinakabahan talaga ako, bobo ako sa lahat kaya hindi ko alam kung makakapasa ba ako. Ampowa naman kasi lakas ng loob kumuha ng education.

"Who are you?" Agad ako napalingon nang marinig ko ang boses ng babaeng mula sa likod ko. Nakapamewang ito habang nakataas ang kilay sa 'kin. "Who you ka rin?"

"I'm Katelyn, you are?" Tanong niya.

"Arabella, member ka ba nila?"

"Nope, kagaya mo, alalay rin ako ng isa sa grupo." Sabi niya, maganda naman si Katelyn mukhang hindi lang din pala ayos, katulad ko.

"Ha? Bakit ka naman pumayag maging alalay?" Tanong ko, gegs lang ang peg.

"Well... Hindi ako mayaman pero, gusto ko makapagtapos ng pag-aaral, ang usapan namin ni Chuchi, maging alalay niya ako hanggang sa maka-graduate ako." Kwento niya, ampowa, chuchi? Ano 'yun aso?

"Chuchi pangalan niya?" Taka kong tanong, unique 'yun ah. Tumawa naman siya at umiling.

"Chuchi kasi ang tawag ko sa kaniya, si Creed," nilingon namin ang boxing ring kung nasaan si aiden at 'yung isang lalaki, na gwapo rin. Wow lumilinaw talaga mata ko kapag gwapo. "Siya si Creed, bestfriend siya ni Aiden." Dagdag niya, tumungo-tungo naman ako.

"Bali, ilan taon kana niyang alalay?" Tanong ko, curious ako eh.

"Almost 7 years I think, nag-start kasi 'yun nung grade 11 ako, nakilala ko siya. Muntik na kasi siya matuluyan nung mga kalaban niya kung hindi pa ako gumawa ng gulo." Kwento niya.

"Ampowa?! 7 years?! Grabe! Eh 'di matagal kana nagdudusa?" Gulat kong tanong, ako nga wala pang-one day pa lang suko na.

"Well sa unang dalawang taon, mahirap like, I'm not sanay kasi bawat araw may gulo, kundi gangster mga kalaban ng pamilya nila kundi naman 'yun mga babaeng iniwan niya." Napapikit-pikit naman ako sa sinabi niya.

Wow! Chix boy!

"Bakit?"

"Kasi, akala nila girlfriend ako ni Creed." Tumawa siya, natawa nalang din ako kasi gaya-gaya ako. Natigilan lang kami sa pagtawa ng sabay kami tawagin ni Creed at Aiden, halos takbuhin na namin ang daan pabaling sa boxing ring.

"Bakit?" Tanong ko agad, sinilip-silip ko naman si Katelyn pati Creed, nakaupo na si Creed sa isang upuan habang pinupunasan ni Katelyn ang pawis nito. Hindi naman sila mukhang mag-amo eh. Mukha pa nga sila mag-jowa.

"Aray ko!" Daig ko ng bigla ako iharap ni Aiden paharap sa kanya, ampowa nabali yata leeg ko.

"Eyes on me, Mia Regina." Sabi niya habang hawak ang baba ko, mahina ko naman tinapik 'yun.

"Sino si Mia Regina?!" Inis kong tanong, aba mukha ba akong ibang babae? Aba! Aba! Ampowa niya!

"Whatever." Umayos ito ng tayo sa harap ko, dahil mas matangkad siya sa 'kin ay kailangan ko pa tumingala. Sino ba 'yung Mia Regina?! Kabit niya? Or girlfriend niya?

Ampowa, baka asawa niya?!

Lumakad na siya kaya kinuha ko 'yung bag niya na may mga gamit niya, dali-dali akong sumunod sa kaniya, tuloy lang siya sa paglalakad habang nagpupunas ng pawis.

"Hoy Aiden? Asawa mo ba si Mia Regina?" Tanong ko agad nang maabutan ko siya, tumigil naman siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Malakas na pitik sa ilong agad ang natanggap ko.

Ampowa! Ang sakit ha!

"Bakit ba? So asawa mo nga?" Malaki pa akong ngumiti sa kaniya pero isang pitik na naman sa ilong ang natanggap ko. Gegs ba siya?!

"Ba't ba?!" Inis kong tanong habang hawak-hawak ang ilong na pinitik niya, ang sakit ha!

"Stupid, you're so silly, Mia Regina." Aniya habang umiiling, mukhang disappointed yata sa 'kin.

"Tamo Mia Reg-"

"Mia Regina, in english my queen. So stop being overreacting, Mia Regina." Putol niya sa sinabi ko bago muli siya nagsimula maglakad, naiwan naman ako nakaawang ang bibig.

Mia regina? M-My queen?

What?! Ang ampowa naman!

"Hoy Aiden, ba't mo 'ko tinatawag ng gano'n?" Tabol ko sa kaniya tanong pero, hindi niya ako sinagot kaya tuloy lang ako sa paghahabol hanggang sa tumigil siya kaya naabutan ko na siya.

"Nyeta ka, Aiden!" Inis kong sigaw, ampowa hinapo ako.

"Ba't mo 'ko tinatawag ng gano'n?" Tanong ko, nakakaiyak na nakakaewan.

"What's wrong about that? Hmm?"

"Hindi mo naman ako Reyna ah, tsaka mukha akong daga hindi Reyna." Sabi ko at ngumuso, totoo naman ang sinasabi ko. Malakas naman siyang tumawa at yumuko hanggang sa magpantay ang mukha namin, pinitik niya muli ang ilong ko kaya hindi ko mapigilan ang sariling kumunot ang noo.

"Silly, hindi ka naman mukhang mouse, what's wrong kung tinatawag kitang Mia Regina? Hmm? Stop thinking silly things, Mia Regina, you're My Queen." Sabi nito bago ngumiti at tumayo na ulit nang maayos, kinuha nito ang bag sa akin.

"Labas na." Utos niya napaawang naman ang bibig ko.

"Ha?" Lutang kong tanong.

Tumingin naman siya sa taas, at gano'n nalang kabilis lumaki ang mata ko nang makita ko ang sign, ay ampowa!

"Shower room pala 'to ng lalaki! Ba't 'di mo sinabi?!" Inis kong tanong sa kaniya, agad ko inilibot ang paningin sa buong paligid, mamaya may mga lalaking nasa shower room o baka may makakita sa 'min.

"Chill Mia Regina, private bathroom ko 'to." Sabi niya at ngumisi, napahawak naman ako sa dibdib ko at nakahingan ng malalim.

Malakas muli siyang ngumisi kaya napalingon ako sa kaniya. "Mia regina, ayaw mo ba lumabas? Gusto mo ba ako panoorin maligo or sasabay ka?" Maloko niyang tanong, agad ko siya sinaman nang tingin at mabilis naglakad papunta sa pinto pero, hindi pa ako tuluyan nakakalabas ng tawagin niya ulit ako.

"Bakit?" Inis kong tanong, badtrip siya ah! Kanina pa niya ako bwinibwisit, alam kong bobo at lagi akong lutang pero, 'wag naman niya iparamdam sa 'kin lalo.

"Come here." Utos niya, wala naman akong nagawa kundi sundin ang utos niya, at lumakad ba palapit sa kaniya.

"Ba't?" Tanong ko, hindi naman siya umimik at hinawkan lang ang baba ko, agad nanlaki ang mata ko pero, agad din ako natigilan ng halikan niya ang ilong ko.

"I'm sorry, kanina ko pa kasi pinipitik baka magtampo ka, go back to my room." Utos niya, at tuluyan na ako iniwan doon, natulala naman ako hindi alam kung aalis na ba.

Ba't siya ganoon? Hindi ko naman siya ganoon kakilala... Wala pa akong isang linggo nasa puder niya, ba't ang landi niya?!

Deal With The Gangster (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz