Kabanata 3

199 10 0
                                    

Masakit ang katawan ng magising ako, marahan ako bumangon sa pagkakahiga at sumandal sa headboard. Ang sakit ng katawan ko pati ang braso ko gawa nung Paolito na 'yon.

Napahawak naman ako sa labi ko.

'Yung halik... Bakit hindi ko ba malimutan 'yon? Hindi 'yon ang first kiss ko pero, pakiramdam ko iisa lang ang labing humalik sa 'kin pati ang walangyang batang humalik sa 'kin noon.

Hawak ang manika ko ay naglalakad ako papunta sa park nang makita ko ang isang batang lalaki na nakikipag-away. Dali-dali ako tumakbo roon para pigilan sila.

"Huy masama iyan!" Sigaw ko saka hinila ang isa sa mga lalaki, akmang susuntukin siya ng kalaban ay agad ko 'yon napigilan dahilan ng pagtumba namin parehas ng lalaking hawak ko.

"Wah! Mama!" Sigaw ko saka marahas siyang tinulak hinalikan niya ako hinalikan niya ako, hindi naman halik tinulak kasi siya nung isang lalaki kaya napadikit siya sa akin. "Bad ka! Masama 'yon sabi ni Mama mag-boyfriend at mag-asawa lang daw ang pwede mag-kiss, tsaka papakasalan daw dapat kung i-kiss mo siya!" Umiiyak kong sigaw habang humigpit ang hawak ko sa manika ko. Tulala lang yung lalaki sa 'kin sa tingin ko mas matanda siya sa 'kin ng dalawang taon or tatlo yata pero wala akong paki sa kaniya hinalikan niya ako! Bad siya, bad siya!

"Stop crying! Ang pangit mo umiyak." Ng dahil sa sinabi niya ay mas humagulgol ako! Hindi naman kasi ako panget 'e. "Den, bakit mo sinabi 'yon?" Narinig kong tanong nung batang kasuntukan niya.

"Totoo naman kasi Pao, pakitawag sila Yaya."

Pinahid ko ang luhang tumutulo sa mata ko saka siya masamang tinignan.
"Bad ka."

"Fine! bad na kung bad, tumahan kana."

"Bad ka! Sabi ni Mama bawal ang kiss kasi hindi naman daw ako kinakasal!"

"Just shut up! Fine papakasalan kita manahimik ka lang." Nauubusan ang pasensya niyang sabi dahilan lalo ako ma-iyak.

Ayoko naman magpakasal!

"Arabella?" Napilingon ako sa pinto ng kwarto ng marinig ko ang boses ni Aiden, naalala ko na naman ang salbaheng bata na 'yon ang umagaw sa first kiss ko!

"Bakit?"

"May pasok pa tayo, mag-ayos kana." 'Yun lang ang sinabi niya bago sinara ang pinto ng kwarto. Bumuntong hininga ako saka tumayo sa pagkakasandal at naglakad papunta sa pinto ng cabinet at kinuha ang damit na susuotin ko roon.

Blue na t-shirt na may tatak ng logo ng school namin saka skinny jeans ang suot ko ngayon, dahil friday naman at free day. Wala kaming gagawin sa school kundi mag-review since malapit na rin ang finals.

Pagkatapos maligo at magbihis ay pumunta ako sa maliit na drawer sa tabi ng kama ko saka kinuha ang salim ko roo . 'Yan! Mas malinaw na ang paningin ko.

"Done?" Halos tumalon ang puso ko ng may biglang magsalita sa likod ko.

"Oo." Sagot ko ng makaharap ako sa kaniya, tumungo lang siya saka nanguna maglakad. Kinuha ko muna ang bag ko saka sumunod sa kaniya.

***

"Hoy babaita bakit ka pala tumatakbo kahapon?" Tanong sa 'kin ng kaibigan ko.

"Wala lang." Sagot niya, ayaw naman niyang sabihin na tinatakbuhan niya yung mga gangster.

"Anong wala lang? Gaga ka nag-quiz si 'Prof kahapon tapos final exam na next week, nakuha mo pa tumakbo." Umiiling na sabi niya sa 'kin.

"Alam kong final exam na next week, Candy pero... Alam mo mahina ako sa lahat kaya nga pinipilit kong ipasok lahat ng inaaral ko." Halos mangiyak-ngiyak kong sabi, hindi naman kasi talaga ako matalino ewan ko nga bakit ako nakarating ng 4th year college.

"Mag-focus ka kasi Jade, 'wag puro c-drama."

"Pero... Ang gwapo ni Wang Yibo, Wang Hedi, Lin yi, Z tao, tap- Aray ko!" Agad ko hinimas ang noo ko na pinitik niya, bigat talaga ng kamay ng babaeng 'to.

"Magtigil ka, mag-aral ka para pumasa ka sa final exam 'wag muna c-drama." Ngumuso lang siya saka sinara ang libro na binabasa niya, nilingon niya ang cellphone ng mag-vibrate 'yon.

"Hello?"

"Where are you?"

"Uhm... Garden, why?"

"Why? Nasa labas ako ng school."

"Huh? 'Di ba may klase pa tayo, I mean ako."

"Chi-neck ko schedule mo wala ka ng klase at ako naman ay hindi pumasok ang 'Prof ko, bilisan mo ayoko ng pinaghihintay ako." Sabi niya bago pinatay ang tawag, kainis! Pagkatapos niya ako halikan?! Bigla niya ako aapihin ng ganito ah!

"Oh saan lakad mo?" Tanong ni Candy sa 'kin pero, ngumiti lang ako sa kaniya saka kinuha ang bag at dali-daling umalis sa garden. Takbo na ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa gate ng school at nakita ko nga naka-park ang sasakyan agad naman ako sumakay roon.

Since parang walang kwenta 'yung Guard namin sa school, hindi na ako magtataka kung bakit nakalabas si Aiden.

"Bakit mo ako pinapunta?" Tanong ko agad sa kaniya, alam ko naman na alalay niya ako pero, 'di ba pwedeng time out muna? Kailangan ko mag-aral para maka-graduate na ako ng college.

"Alalay kita kailangan ko ng alalay ngayon." 'Yun lang ang sinabi niya bago pinatakbo ang sasakyan wala naman akong nagawa kundi ang sumandal nalang.

Mabilis lang ang byahe at itinigil niya ang sasakyan sa isang lumang building malayo-layo sa school namin ng bumaba siya ay agad din akong sumunod.

"Saan 'to?" Tanong ko, hindi familiar sa 'kin yung lugar baka may away na maganap dito, uuna na ako tumakbo kung gano'n.

"Dito kami nag-training kung paano gumamit ng baril at ng iba pa." Sabi niya saka nanguna sa paglalakad sumunod naman agad ako.

"Mag-training ka?"

"Hindi." Simple niyang sagot, kung hindi naman pala. Bakit kami nandito? Tatambay lang? Ampowa naman!

"Ikaw ang i-train ko." Napalingon ako nang umimik siya. Ano raw? Ako?!

"Ha?! Bakit ako? Wala akong balak maging kriminal!" Naiinis at kinakabahan kong sigaw, ayoko pumatay ng tao 'no. "Sira, hindi ka naman papatay." Tumawa siya.

"Tuturuan ka lang gumamit ng baril para alam mo kung paano protektahan ang sarili mo, since alam nila Paolito na may bagong member ang group, I mean alam niyang malapit ka sa 'kin sure akong nasa panganip ang buhay mo." Sabi niya bigla ako kinabahan.

"P-Pero... Hindi mo naman ako hahayaan mapahamak, 'di ba?" Utal kong tanong, tumigil kami sa paglalakad saka niya ako tinitigan parang sina-saulo niya ang bawat parte ng mukba ko.

"Oo naman hindi kita papabayan..." Ngumiti siya sa 'kin saka hinawakan ang kamay ko. "Kahit ikapahamak ko pa, ikakulong ko pa, handa akong itaya ang buhay ko, maging ligtas ka lang."

Deal With The Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon