Kabanata 14

89 5 0
                                    

Isang buwan ang lumipas at maayos ang naging pananatili namin sa Hawaii walang gulo, walang mga kaaway, sana ganito nalang palagi, ampowa naman kasi kung puro gulo nalang ang nangyayari sa amin, sana kinuha nalang ako ni Lord.

"Teh, 'wag ka pumayag sa gusto ni Aiden, jusko naman teh uso lumaban." Reklamo ni Katelyn, kwinento ko kasi sa kan'ya ang mga sinabi sa 'kin ni Aiden na mangyayari pagkatapos ng deal. Pati siya disagree. "Paano? Mukhang desidido na siya." Malungkot kong sabi anong magagawa ko kung nakapag-decide na 'yung tao. 

"Kung ako sasabihan nang ganan gaganutan ko siya, aba subukan niya lang, minahal ko siya tapos papakawalan niya ako, aba'y gago, subukan mo lang talaga, Creed." Inis niyang ungot, napalingon naman ako sa katabi niyang nakasimangot lang. 

"Babe, ba't damay ako." Nakasimangot na reklamo ni Creed, wala si Aiden dahil may gagawin lang daw siya saglit pero uuwi naman daw agad, kaya hindi na ako nag-aalala masyado malakas din naman ang lalaking 'yun.

"Che! Tuko kayo ni Aiden baka mamaya parehas na kayo ng utak." Bulyaw ni Katelyn sa boyfriend, pasimpleng napangiti nalang ako sa kanilang dalawa, sana ganan nalang din kami.

"Nasaan na ba ang magaling mong kaibigan? Baka hindi niya alam na birthday ng mia regina niya." Pag-iiba ng topic ni Katelyn, nawala ang ngiti ko sa labi... baka nga nakalimutan niya, no big deal naman sa 'kin. Sanay akong hindi inaalala ang birthday ko. Kundi pa nga pinaalala sa akin ni Katelyn kanina baka nakalimutan ko na rin.

"Hayaan niyo nalang muna si Aiden, busy siguro." Ngumiti ako saka tumayo sa pagkakaupo, inayos ko ang suot na summer dress bago muli sila nilingon.

"Balik na muna ako sa kwarto namin medyo napapagod na ako." Sabi ko, hindi ko pa hinintay ang sasabihin nila pero, narinig kong nagbubulungan sila.

Hindi ako nagsisinungaling medyo pagod na talaga ako, ampowa ikaw ba naman maglakad ng pauli-uli hindi ka mapapagod tapos ang dami ko pangkinain kaya mabigat ang tiyan ko, kapag marami pa naman akong kinakain dinadalaw ako ng antok.

Marahan kong sinarado ang pinto ng kwarto saka ni-lock iyon. Hinubad ko ang suot na sapatos saka sinuot ang pambahay na tsinelas at daling-daling lumakad papunta sa kama. Agad akong humiga at binuksan nalang ang Tv, isang buwan na rin akong walang cellphone hindi ako pwede gumamit dahil pwede ma-track ang location ko at malaman ng mga taong humahanap sa 'min kung nasaan kami.

Bored kong nilipat ang mga chanel hanggang sa tumigil sa palabas na puro pagkain, biglang natakam ang tiyan ko, ampowa wala akong pera paano ako o-order, nagutom na naman ang tiyan ko tapos hindi ako marunong umorder thru tawag na icha-charge ang bayad sa card ni Aiden.

"Wow..." Mangha kong sabi habang patuloy sa panood, ang daming cheese parang ang sarap kumain, napahawak ako sa tiyan ko. Huhu ba't ang takaw mo ngayon? Hindi ka naman matakaw dati kakain mo lang tapos kakain ka naman.

"I need food..." Parang bata kong sabi. Food... All I want is food. Gusto ko magtampo kay Aiden dahil mukhang nakalimutan niya ang birthday ko pero, mas kailangan ko siya ngayon kasi gusto na naman kumain ng tiyan ko. Asaan ba kasi ang lalaking 'yun.

"Asa- Ay gegs sino 'yun?" Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo sa kama ng tumunog ang telephone na nakadikit sa ding-ding, maliban kay Aiden mga taga restaurant ang tumatawag dito kapag mayorder kaming food.

"Hello?" Sagot ko pero walang sumasagot, kaya kumunot ang noo ko dahil sobrang tahimik.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko ulit, kasi kung mga englishero sila sasabihin nila sa 'kin na hindi nila ako naiintindihan pero, walang umiimik.

Hindi ko alam pero biglang kinabahan ang sarili ko, hindi ko maintindihan parang may mangyayaring masama. "Sino p-"

"Hi? Still remember me?" Agad nanlaki ang mata ko, ibang boses, hindi si Aiden 'to. Gusto ko na ibaba agad ang tawag pero, hindi ko magawa parang may pumipigil sa akin.

"Sino ka?!" Sigaw kong tanong, kailangan kong magmukhang matapang, kailangan ko laksan ang loob ko. "Oh, Arabella... 'Wag mong sabihin hindi mo na ako maalala." Tumawa siya nakakilabot ang tawa niya.

"When you're still young I already know you sa park," aniya, kumunot ang noo ko. Saan park? Anong meron sa park? "And I never thought na makikita ulit kita with... My ex-bestfriend and my one and only enemy..." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, sino ba 'to? Wrong number?

"Do you think mabait talaga si Aiden?" Tumawa siya tawa na parang nasisiraan ng ulo.

"He's not. Hindi siya mabait dahil sa kan'ya nawawala ang kapatid ko, pinatay niya ang mom-"

"Hindi totoo 'yan!" Awat ko, hindi magagawa ni Aiden 'yon, alam kong pumapatay siya peromasasamang tao lang ang pinapatay niya.

"Come on little girl, 'wag mo paniwalaan ang sarili mo na mabait ang gagong 'yon, gusto mo ba siya makita?

"Nasaan siya? Asan si Aiden?!" Sunod-sunod kong tanong. Paano niya nakuha si aiden? Alam na ba niya kung nasaan kami.

"Gusto mo siya makita? Puntahan mo ako sa kabilang Isla kung saan kayo nagsaya kagabi." Tumawa siya, akamang iimik pa ako ng patayin niya ang tawag, agad ako kinain ng kaba at takot.

Dali-dali akong lumabas sa kwarto, madilim na pagkalabas ko hapon na rin kasi ng pumasok ako sa kwarto, sa kabilang Isla lang 'yon malapit lang 'yon sa mismong kwarto namin tatawid lang ako sa mababang bahagi ng tubig.

Gusto ko pa sana puntahan sila Katelyn at Creed kaso hindi ko alam kung nasaan sila, natatakot din ako baka kung ano mangyari kay Aiden kapag nagtagal ako.

Kahit nilalamig dahil dumidilim na rin at sobrang lamig ng tubig ay nagpatuloy ako sa paglalakad nang marating ko ang isla tinutukoy ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil walang tao roon, tahimik na parang inambonado na. Nakakatakot...

"Tanga ka rin 'no?" Mabilis ako napalingon sa likod ko ng may umimik doon, agad nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko si Paolita na may hawak na baril habang nakatutok sa 'kin, hindi siya nag-iisa dahil may limang lalaki siyang kasama pero bukod tanging siya lang ang walang taklop sa mukha.

"Ang tanga-tanga mo!" Sigaw niya saka tumawa ng malakas, ramdaman ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa baril na nakatutok sa 'kin.

Takot ako sa baril pero.... kailangan kong labanan ang takot ko.

"Hindi ko akalain na handang pumatay si Aiden para sa babaeng kasing tanga mo!" Sigaw niya habang nanatiling nakatutok sa 'kin ang baril, unti-unti na ako naiyak...

"Tanga ka! Tingin mo madali namin ma-uuto si Aiden kaso  uto-uto at tanga ang babaeng minahal niya." Ngumiti siya sa 'kin na may halong pang-iinis saka nagsimulang humakbang umatras naman agad ako pero bago pa  muli ako makaatras ng may anong tumakip sa ilong ko dahilan kaya nawalan ako ng malay...

Deal With The Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon