Kabanata 11

93 5 0
                                    

"Oh tamo tanginang babae ka, anong hindi mo kilala? Tamo nagpakita my woman pa nalalaman." Tumatawang sabi ng lalaking nasa harap ko, ang sumampal sa 'kin.

"What do you want?" Seryosong tanong ni Aiden, pero halata sa mukha niya ang inis at galit, gagi pangalawang beses ko pa lang siya nakikitang ganito nung una noong sinaktan ako ni Paolito.

"Ikaw mismo, at ang mga sekreto ng pamilya mo." Sabi ng lalaking nasa likod ko naman, medyo hindi na ako kinakabahan dahil hindi ko na nararamdaman sa ulo ko ang baril at nandito na si Aiden, nasisiguro kong maliligtas ako, medyo masakit na ang leeg ko dahil sa gegs na lalaking 'to. galit na galit gusto ako patayin!

"Dahil hindi niyo ako kaya 'yang babaeng 'yan isasama niyo? How weak you are, come on I'm here take me if you can." Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Aiden, tumingin ito sa 'kin at ngumisi lang na para bang sobrang dali lang ang gagawin niya.

"Napak-

"Bwisit!" Sigaw ko, gusto ko magmura ng malutong dahil wala man lang warning si Aiden, bigla nalang humandusay 'yong dalawang sa lalaki sa harap ko at... Dugo! Ang daming dugo!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko bigla nalang ako naiyak at ayaw tumigil ng luha ko kahit anong maramdaman ko, nanginginig na rin ako, kung hindi ko pa naramdaman si Aiden sa likod ay baka natumba na ako, hawak niya ako sa bewang habang tuloy lang ako sa pag-iyak.

"Aiden... Ang daming dugo... d-dugo Aiden ..." Umiiyak kong sabi niyakap naman niya ako at pilit na pinapatahan.

"Creed and Kate come on! Si Arabella !" Sigaw niya hindi ko naman magawa lumingon dahil natatakot ako, alam kong takot ako sa dugo pero hindi ko akalain na mas lala 'yon simula nung nangyaring barilan dati, hindi ko nga narinig ang tunog ng bala dahil alam ni Aiden takot ako roon pero... dugo... hindi ko maintindihan ang hirap gumalaw ang hirap komtrolin ang sariling 'wag umiyak at ipilit na dugo lang 'yon... dugo lang...

"Tarantado ka Aiden! Sabing may trauma na si Arabella dahil sa mga pinag-gagawa mo!" Sigaw ni Kate, ramdam ko ang galit sa boses niya kahit gusto ko siya pigilan ay hindi ko magawa dahil hindi ko kaya lumingon natatakot ako baka makita ko 'yong  dugo.

"I didn't know, Kate!" Sigaw ni Aiden , dahil nakasandal ako sa dibdib niya ramdam ko rin sa kan'ya ang kaba. 

"Ikaw kasi eh! Alam mong magulo ang buhay mo tapos pinapasok mo si Arabella na inosente at mabait na babae sa buhay mo tignan mo nadadamay siya at muntik na siya mamatay!" Galit na sigaw ni kate, gusto ko lumingon kasi alam kong hindi kasalanan ni Aiden at may kasalanan din ako.

"Babe stop it, walang may gusto sa nangyari." Boses ni Creed 'yon.

"I'm so sorry, mia regina, this is my fault I'm so sorry..." Sabi ni Aiden habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. Hindi ako makaimik dahil sa kakaiyak at nakakaramdam ako nang hilo hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang gusto matumba ng katawan ko... Bumibigat na rin ang tukilap ng mata ko.

"A-Aiden nahihilo ako..." Hirap kong sabi, marahan ako nag-angat nang tingin sa mukha niya, kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala nakikita ko roon ang takot... hindi ko maintindihan... Pakiramdam ko ang halaga-halaga ko talaga para sa kan'ya...

"A-Ang dilim na-"

***

"I told you, kung hindi mo kakausapin si Tito para malaman niya ang nangyayarii sa 'yo, mahihirapan kang protektahan si Arabella ." Rinig kong boses ni Creed hindi ko maimulat ang mata ko dahil ang bigat sa pakiramdam parang pagod na pagod pa rin ang mata ko kahit sobrang haba na yata ang naitulog ko.

"I don't want to ask for his help, Creed."

"Aiden, mag-isip ka please! Babaan mo muna ang pride mo  para kay Arabella, Kung gusto mo siya mailigtas lagi, aalis na ako papakalmahin ko pa si Kate, ginalit mo kasi." Sabi ni Creed, saka ko muli sinubukan ibuklat ang mata ko ng marinig ko ang sarado ng pinto.

"Aiden..." Paos kong tawag sa kan'ya mabilis naman siyang  lumingon sa akin at umupo sa tabi ko, agad nito kinuha ang isang kamay ko at paulit-ulit na hinalikan iyon.

"How are feeling right now? Do you want me to call a doctor? What do you want? You want to eat? Maybe drink?" Sunod-sunod niyang tanong, marahan na iling naman ang ginawa ko.

"Nasaan tayo?" Tanong ko, hindi ko alam 'yong itsura ng kwarto kaya sigurado akong wala kami sa mansion.

"We're here on Hawaii, Creed have a small island here, it's private wala masyadong tao rito kaya ligtas tayo."

"You want to eat something? May personal chef tayo here, he can cook what you want." Sabi niya umiling ako, gutom ako pero alam ko sa sarili ko hindi ako makakain dahil masyado pa mabigat ang tawan ko pagod pa rin, maski yata humawak ng kutsyara 'di ko magawa, gegs kasing mga lalaking 'yon ang sakit ng leeg ko.

"Sakit ng leeg ko.' sumbong ko, sumbong 'yon hind sabi, kasi naman masakit talaga.

Medyo nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla niya hinaplos ang leeg ko.

"Sorry, it's really hurt ba?" Tanong niya, tumungo ako marahan na hinaplos niya ulit 'yon.

"Are you sure ayaw mo kumain? I know you Arabella madali ka magutom at matakaw ka," sabi niya, parang gusto ko siya irapan.

"Hindi ako makagalaw nang maayos, Aiden , gutom na ako pero, maski kutsara hindi ko kaya hawakan." Pagsasabi ko ng totoo, narinig ko naman siyang bumuntong hininga saka inalis ang kamay na humahaplos sa leeg ko at tumayo, kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya pero agad napawo 'yon ng makita ko ang telephone na nakadikit sa ding-ding at tumawag doon.

"Hello, good evening, yes this is Aiden De Marco, I want to order some food, what is the best offer did you have in your restaurant?" Gegs? Ba't sa restaurant pa? 'Di ba may chef na naman, edi babayad na naman. "Okay one of Lomi Lomi Salmon." Sabi ni Aiden sa kausap, wow ha with accent teh.

"Okay two of Kalua Pua'a, yes..."

"Pst, ba't ang dami?" Bulong kong tanong, tama lang para marining niya, hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinitigan lang ako. 

"Four of Loco Moco." Gwapo nung accent talaga! Sira lang Arabella ? Parang hindi umiyak ah.

"Some rice please, four please my mia regina is kind of hungry." Siraulo 'to ah.

"Four Hawaiian shave ice, one fresh pineapple, and 1 box of malasadas. Yes that's all, how about drinks? Some fresh pineapple juice and mix grapes and strawberry, that's all thank you." Binaba na nito ang tawag saka bumaling sa 'kin.

"Ang dami." Reklamo ko, hindi siya sumagot at humiga sa tabi ko sa kama. Yumakap siya sa 'kin at hiniga ang ulo niya sa tiyan ko, hindi agad ako nakapag-react, weird. "You need to eat nang marami, Arabella. 'Wag mong sabihin na hindi mo kaya gumalaw, fine susubuan kita, let me sleep a little bit, okay? I'm so sleepy, mia regina." Sabi niya, marahan nalang akong tumungo at hinayaan siyang matulog sa tiyan ko.

Nang makatulog na siya at mukhang kaya ko na igalaw ang kamay ko ay sinubukan ko haplosin ang buhok niya habang titig na titig sa gwapo niyang mukha.

"Ano ba talaga tayo, aiden? Meron ba talagang tayo? Umaasa ako... Ayoko paniwalaan ang sinasabi mo kahapon na may gusto ako sa 'yo pero... Alam kong niloloko ko rin ang sarili ko kapag sinabi kong wala... Umaasa ako na kung ako may nararamdaman na sana ikaw rin... Gusto ko malaman kung ano ba talga tayo? Hindi ganito ang magkaibigan, Aiden... Hindi ako ganoon ka tanga." Mahaba kong sabi na hindi inaalis ang paningin sa kan'ya.

"Kung sasabihin mo sa akin na walang tayo... Maaga pa lang ititigil ko na ang nararamdaman ko sa 'yo... Ayoko masaktan.. . Slow ako, Oo bobo ang tingin sa 'kin ng mga tao, tanga pero... Ayoko maging tanga sa pag-ibig... Aiden, gustong-gusto ko malaman sino ba ako para s a'yo at kung meron bang tayo... Kasi gegs, hulog na hulog na ako..."

Deal With The Gangster (COMPLETED)Where stories live. Discover now