Kabanata 6

121 6 0
                                    

Umiiyak na ako habang nakaupo sa secret room na itinuro sa 'kin ni Aiden, hindi ko alam pero, mahigit kalahating oras na akong nasa loob, wala pa ring Aiden na pumupunta sa 'kin.

Natatakot ako at nanginginig, sunod-sunod ng putok ng baril ang naririnig ko. Alam kong may gulong nangyayari sa labas, natatakot ako. Baka mapahamak sila.

Lalo na si Aiden, natatakot ako... 'Yung mga putok ng baril, mas lalo akong natatakot sa tuwing may pumuputok.

"Ayoko na rito..." Natatakot talaga ako, pakiramdam ko bawat oras mamatay ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sana ayos lang sila...

***

Dahan-dahan ko iminulat ang mata ko nang marandaman kong may nakadagana sa 'kin. Paulit-ulit pa akong pumikit para masigurado kung nasaa ako.

"Aiden?" Ang labo ng mata ko, wala akong maaninang masyado, ampowa asan ba ang salamin ko.

"Arabella!" Para naman siyang batang tuwang-tuwa ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Ang salamin ko, asan?" Naniningkit ang mata kong tanong, naaninag ko naman siyang tumayo at pumunta sa kung saan. Maya-maya lang ay luminaw na ang mata ko dahil isinuot na niya sa 'kin ang salamin ko.

"Inaantok pa ako." Sabi ko at muling nahiga, agad ako pumikit at niyakap ang unan na nasa tabi ko.

"Sige matulog kana muna." 'Yun ang huli ko narinig bago ako tuluyan nakatulog ulit.

Gabi na nang magising ako, wala si Aiden dahil may inaasikaso kaya umalis, si Katelyn lang ang kasama ko ngayon, nandito kami sa dinning area at nagdi-dinner.

"Saan ba kasi pumunta sila Aiden? Ampowa naman, anong paalam sa 'yo ni Creed?" Hindi ko maiwasan magtanong habang kumain kami. Ikwinento kasi sa 'kin ni Katelyn na wala raw akong malay nang makita nila ako sa loob ng kwarto tapos halos buong araw ako tulog.

Nakakatakot kasi talaga 'yung tunog ng mga baril, pakiramdam ko bawat oras pwede na ako kunin ni Lord

"Paalam ni Creed sa 'kin is, uuwi sila ng safe." Sagot ni Katelyn habang kumakain, ampowa paalam 'yan. Mukha bang mapapahamak sila.

Bigla nanlaki ang mata ko at natigilan sa pagkain, ibig sabihin... May chance na mapahamak sila? Ampowa?!

"Gaga, 'wag mo sabihin may susugurin sila?" Kabado at gulat kong tanong.

"Gaga malamang, sanay na ako kay Creed nauwi naman laging ligtas ang lalakibg 'yun. Tsaka kung mapahamak naman ako marunong ako gumamit ng baril at lumaban." Sagot niya bago pinagpatuloy ang pagkain, natulala naman ako.

Ampowa naman? Gegs ba si Aiden? Ba't ba niya pinapahamak ang sarili niya?!

"Marunong ka talaga?" Hindi ko maiwasan humanga, ewan ko nakakaingit 'yung babaeng marunong ng maraming bagay lalo na ng mga bagay na madalas gawin ng mga lalaki.

Sa 'kin kasi wala, maliban yata sa gawain pambahay wala na akong matinong kaya gawin, kaya nga hindi ako nagtataka kung bakit walang tiwala parents ko sa 'kin, at mas lagi nila pinagkakatiwalaan si Kuya.

Kasi nga tama naman ang sinasabi ng tao sa 'kin, tanga at bobo lang ako. Anong magagawa kong maganda kung gano'n ako 'di ba? Tapos tamad pa. Dagdag mo pa hindi sigurado sa course na kinuha.

"Oo, tinuruan ako ni Creed para sa oras nang kapahamakan at wala siya sa tabi ko kaya ko ang sarili ko," sabi niya, tumungo naman ako.

"Gaya mo, pinasok mo ang magulong buhay ni Aiden ibig sabihin mapapahamak ka bawat oras, kaya nga tinuturuan ka ni Aiden eh para alam mo." Dagdag pa niya, napaisip na naman ako. Ewan ko sa sarili ko pero, parang handa na akong mapahamak matulungan ko lang iligtas si Aiden sa mga panganip.

Ang gegs lang sa part na, wala akong kaalam-alam sa labanan pero handa akong lumaban para sa kaniya.

"You know what Arabella, iba feel ko kanina habang nakikipaglaban sila." Aniya kaya natigilan ulit ako sa pagkain at pinagkatitigan siya.

"I feel like, may something. Basta weird, hindi maganda kutob ko pagdasal mo nalang makauwi ng matino 'yung dalawa." Dagdag niya, hindi naman ako umimik at inisip nalang ang sinabi niya.

What did she mean something? May masama ba talagang mangyayari? Bigla tuloy ako kinabahan.

Tinapos nalang namin ang pagkain saka kami nagpunta sa library kung saan madalas tumambay si Katelyn, ngayon ko lang nalaman na nasa bahay pala kami ni Creed. Hindi raw kasi kami pwede parehas dumeretsyo sa mansion nila Aiden, baka may kalaban daw na nakaabang.

Ampowa, puro kalaban. Gusto naba talaga nila mamatay? nyeta sila.

Natigilan ako sa pagbuklat ng libro, nang bigla-bigla tumayo si Katelyn at walang pasabing tumakbo papunta sa pinto ng library, agad din naman akong tumayo at sumunod sa kaniya.

Pagkalabas namin ay agad nangunot ang noo ko sa sobrang gulo sa baba, may nakikita akong mga tauhan nila Aiden na sugatan.

Halos hugutin ko ang hininga ko ng makita ko si Aiden na may tama sa binti at braso, dali-dali akong bumaba sa hagdan at narinig ko naman sumunod sa 'kin si Katelyn.

"Aiden, anong nangyari?" Aligaga kong tanong, may doctor sa tabi niya at nililinis ang braso niyang natamaan. Hindi ko napigilan mamasa ang mata ko, halata sa itsura niya ang pagod at sakit.

Nakapikit siya kaya hindi niya alam na nasa harap niya ako. Agad ko hinawakan ang isang kamay niya at kinulong sa parehas kong kamay, pinanood ko naman siyang unti-unting dumilat.

"Aiden..." Hindi ko mapigilan ang malungkot, puno ng dugo ang mukha niya. Mukha siyang binugbog nang paulit-ulit.

Agad ko naman naramdaman ang pisil niya sa kamay kong nakahawak sa kanya, hindi ko napigilan ang sariling umiyak.

"Bakit ba hindi ka nag-iingat?!" Hindi ko napigilan ang sariling sumigaw, dahil sa inis at pag-aalala na nararamdaman ko pero, mas nainis ako ng malaking ngumiti pa siya sa 'kin bago ngumisi.

Ngumiti-ngiti pa siya eh bugbog sarado na nga!

Nakakairita naman eh! Parang hindi nag-aalaga sa sarili!

"Para ka naman gegs eh..." Umiiyak kong sabi, kitang kita ko kasi 'yung sakit na nararamdaman niya habang nililinis ang mga sagot niya. Naawa ako hindi ko mapigilan ang hindi matakot.

"Stop crying na, okay lang ako..." Sabi niya pero umiling ako.

Lumuhod ako sa gilid niya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya, malaking ngiti naman ang binigay niya sa 'kin. Hindi ko alam ba't ganito na nararandaman ko, ang bihis pero hindi naman ako sobrang tanga ba't ako nakakarandam ng ganito.

Deal With The Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon