Kabanata 8

114 6 0
                                    

"Aiden!" Inis ko na talagang sigaw, ampowa ni-lock 'yung pinto nakailang katok na ako bago pa ako pinagbuksan.

Batukan ko isang 'to, ako ang alalay sa 'min pero, gegs talaga siya. Naiinis ako sa kaniya. I thought matutuwa siya kung matuto ako makipaglaban, hindi naman pala. Mukhang nainis pa.

Pero huhuhu, gusto ko talaga. Like parang ang cool bilang babae marami kang alam sa ganoon at the same time hindi ko kailangan ng ibang tao para iligtas ako.

"I'm the boss, Arabella. You're my slave, alipin ka lang huwag ka ng makialam pa, you know nothing!" Natigilan ako, bigla ako nawalan ng gana pilitin siya kasi, tama siya. 'Yun ang nasa kasunduan namin eh, alipin lang ako, slave sa english.

Wala akong karapatan umalma sa kaniya sa desisyon niya.

"Oo nga naman hehe..." Pinilit kong ngumiti habang marahan na umaatras. "Sino naman ako sa 'yo 'di ba? Para turuan kasi... Kahit siguro kahit mamatay ako wala lang sa 'yo kaya anong silbi ng pagtuturo mo..." Tumungo tungo ako habang sinasabi 'yun. Titig na titig siya sa 'kin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Sorry... Sa abala, pasensya kana makulit nalimutan ko na... Slave mo nga lang pala ako, kabayaran sa utang ng kapatid kong gago, sorry hehe..." Ngumiti ako saka siya tinalikuran mabilis ako lumabas ng kwarto niya at tatakbong bumaba sa hagdan.

Ewan ko. Nasasaktan ako, kumikirot 'yung damdamin ko, kasi... Sabi niya reyna na niya ako eh. Tapos ako naman si tanga kinarir maging reyna naging bossy nalimutan na kung ano ba talaga ang pinaka role sa buhay niya.

Tama naman sila lagi... Na... Tanga lang ako, tama si Kuya na uto-uto ako.

Lumabas ako ng mansion niya at pumunta sa garden. Bahala na kung sino makakita sa 'kin basta gusto ko umiyak.

Umupo ako basta sa damo saka hinayaan pumatak ang luha sa mata ko. Nasasaktan ako eh, hindi ko alam bakit. Dahil siguro? Pinamukha niya sa 'kin na alipin lang niya talaga ako. Ampowa naman kasi Arabella ba't ka kasi tanga!

Panay lang ang hibik ko, eh masakit nga talaga. Nakaka-ewan naman kasi, sweet siya sa 'kin tapos ah! Bahala na ang tipaklong basta alam ko na kasalanan ko kasi tanga ako.

Bwisit na buhay 'to.

"Hey..." Ampowa... Pwede ba kainin nalang 'yung luha? Ba't siya sumunod?! Edi nakita niya naiyak ako!  Naramdaman ko siya sa likod kaya dali-dali akong tumayo at pinunasan ang luha ko.

"B-Bakit?" Oh ampowa boses 'to, epal. Mautal ka pa Arabella pinapahamak mo sarili mo.

Lumakad siya palapit sa 'kin kaya umatras agad ako. "May kailangan ka?" Huminga ako nang malalim, 'wag ka mautal self! Jusko!

"Uhm..."

"Kung wala kang iuutos, papasok na ako. Wala naman siguro masama kung magpahinga ang alipin mo, 'di ba?" Tapang ko! Ampowa pero iniyakan si Aiden, ba't ko ba kasi iniyakan ang lalaking 'to! Boyfriend ba kita para iyakan?! Sabi kasi ni Mama mahal lang daw or boyfriend lang ang iniiyakan. Eh ba't ko iniiyakan si Aiden?

Dahil gago siya? Basta! Ewan ko!

"Gusto ko... I mean ar—"

Pinatili ko ang mukha kong walang emosyon. "Mukhang hindi mo naman ako uutusan, pasok na ako."

Nilagpasan kona siya at dali-daling pumasok, umakyat agad ako sa second floor kung nasaan ang kwarto ko kasama si Katelyn. Hindi ko nga lang sigurado kung doon siya matutulog, kahit naman itago sa 'kin ni Katelyn halatang kay Creed siya tumutulog.

Weird na weird ako sa school, grabe pinapasa lang ako nung requirements na need ko gawin mga activities tapos, sila na raw bahala?! Himala halos itapon na nila ako rati, de joke lang. Sabi sa 'kin ni Katelyn gano'n din ginagawa ni Creed sa kaniya, special student ang tawag sa katulad namin sila Aiden daw nagbabayad.

Bahala siya sa trip niya gagawin ko 'yung mga requirements para matapos na buhay ko, tapos gagawin ko mag-review kasi malapit na final exam.

***

Maaga ako nagising dahil trip ni Katelyn mag-jogging so why not coconut, kahit masakit ang mata ko, ampowa naman kasi sino ba naman umiyak buti nalang hindi na halata na umiyak ako kagabi.

Deadma muna sa 'kin Aiden, lalayo ako ayoko na maging close sa kaniya, nasasaktan ako. Kung may uutos siya sa 'kin bilang slave niya gagawin ko pero hindi ko na siya kakausapin katulad ng mga nauna.

"Narinig ko kayo ni aiden kagabi." Sabi niya, kakatapos lang namin tumakbo. Nakaupo na kami ngayon sa dinning area dahil may almusal na rin naman. Aalis ako pupunta akong school, okay rin 'to pagiging special student tamang pasa lang ng mga requirements sobrang dami nga lang bwisit pero keri naman. Magkano kaya binayad ni Aiden?

"Ah... Bahala na si superman." Tumawa nalang ako habang patuloy sa pagkain.

"Ayaw ka lang mapahamak nung tao." Weh? Pinagtatanggol niya pa si Aiden, ayaw pala ako mapahamak ba't hindi niya ako turuan?! Tsaka gegs ba 'yung isang 'yun, una gustong gusto niya ako turuan ngayon ayaw niya na lakas ng tama niya.

Nakakainis.

"Pero ba't kailangan niya sabihin 'yun sa 'kin? Tsaka tama naman siya, slave niya lang ako." Narinig ko siya bumuntong hininga, sumandok nalang ulit ako ng carbonara.

Hehehe masarap pala ang carbonara, ayoko siya tikman dati kasi feeling ko panget ang lasa kulay puti pa. Eh sanay ako sa spaghetti.

"Uhm, wait." Tumawa siya habang umiiling, nginuya ko muna nang maayos 'yung pagkain saka uminom bago nagsalita. "Ganto, bahala siya sa buhay niya basta pagkatapos ng isang taon. Tapos na ang lahat tutal 'yun ang nakalagay sa penermahan ko."

Tinaasan niya ako ng kilay kaya kumunot naman ang noo ko. "What if... Ma-fall ka. Anong gagawin mo?" Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong mas kumunot ang noo ko. Sumubo ulit ako ng carbonara.

Anong ma-fall? Bakit ako ma-fo-fall. Tsaka hindi pwede, pangit ang love na 'yan dahil sa love na 'yan hanggang ngayon bitter sa lahat si Candy, Candy name niya pero mukhang ampalaya ang buhay niya. Tapos si Kuya niloko ang ex-girlfriend niya dati kaya, no to lovelife tayo.

Yes to need ng money, joke lang hindi naman ako mukhang pera, medyo lang.

"Wala. Hindi ako ma-fo-fall uy." Nag-iwas ako nang tingin, fall pa nalalaman.

"Talaga lang ha..." Pang-aasar niya, ngumiwi naman ako saka muling sumubo. "Alam mo. Kung ma-fall naman ako imposible maging kami okay? Hindi ma-fo-fall si Aiden." Sabi ko, totoo naman imposibel ma-fall 'yun. Oo sweet siya minsan tapos nahahalikan niya ako pero, para sa 'kin normal lang kay Aiden ang humarot kasi maharot siya.

Nahawa lang ako.

"Gaga ka, manhid kaba? Jusko! Creed!" Eh? Ba't naman nito biglang tinawag si creed, gano'n nalang ang gulat ko nang wala pang ilang minuto nasa tabi niya na agad si Creed.

Teka asan si Aiden?

"Si Aiden?" Hindi ko maiwasan magtanong, ampowa mamaya may kaaway na naman siya.

"Pumunta sa school, nagpasa ng requirements mo." Sagot ni Creed, pinaningkitan ko siya pinanood kong akbayan niya si Katelyn.

"Kayo ba?" Curious ko tanong sabay naman silang tumungo kaya mabilis ko na-tap ang bibig ko. Akala ko alalay lang?!

"Kailan pa?" Gegs! Bagay naman sila eh! Kinikilig ako!

"Two years na kami 'no, hindi naman kasi ako manhid like you." Sabi ni Katelyn saka tumawa sumabay naman si Creed sa kaniya. Habang ako litong-lito sa sinabi niya.

"Huh? Tsaka ano sabi mo Creed? Requirements?! Hindi pa ako nagsisimula!"

"Don't worry si Aiden na bahala roon, relax ka lang 'no. Tsaka patapos ka na naman gusto pa rin naman ni Aiden maka-graduate ka, kung gusto mo raw ulit mag-aral para sa pinaka course na gusto mo talaga, free naman daw sabi ni Aiden siya na bahala sa 'yo kaso hindi sa ngayon." Mahaba niyang sabi, para naman akong siraulo at napakamot nalang sa ulo ko.

Teka?! Paano nalaman ni Aiden na hindi ko naman talaga gusto ang course na kinuha ko? Sila Mama ang may gusto nito, ang gusto ko talaga noon maging teacher ng mga bata, hindi business ang gusto ko pasukin. Mahilig kasi ako sa bata dahil wala naman akong kalaro noon.

"Epal naman ni Aiden." 'Yun nalang sinabi ko, mukhang nakakahalata sila baka isipin nila bati kona si Aiden.

Deal With The Gangster (COMPLETED)Where stories live. Discover now