Kabanata 7

111 8 0
                                    

"'Wag kang tatayo!" Banta ko sa kaniya. Kanina pa kasi siya nagpupumilit na umalis! Ampowa ilang beses ko na sinabing bawal?!

Wala pa nga isang linggo simula noong nabaril siya lalayas na agad siya?! Aba no way!

"Mi regina... I'm fine. Kaya ko na gumalaw mag-isa, please payagan muna ako." Ungot pa niya, inirapan ko lang siya. Kinuha ko ang sopas na niluto ko at umupo sa tabi niya.

"Hindi nga pwede. Hanggang sa hindi pa tuluyan gumagaling sugat mo rito ka lang sa bahay." Pagalit ko sa kaniya at inilapit ang pagkain. "Ah." Agad naman siya ngumanga, hindi na naman mainit ang sopas dahil kanina ko pa pinalamig 'yun.

"Dinner but, sopas? Seriously, mi regina?" Natatawa niyang tanong, ngumiwi naman ako. Gegs ba siya?! Pinaghirapan ko 'tong sopas! Kanina pa yata ako sa kusina. Hindi nga kasi ako marunong magluto pero, gusto ko siya lutuan kaya imbes maging meryenda niya kanina ang sopas naging dinner niya dahil sa sabog ko magluto.

"Not bad. Masyado lang maalat." Malaki naman ako ngumiti tsaka umayos nang upo sa tabi niya.

"Talaga? Pwede na?" Tumawang-tuwa kong tanong, pwede na siguro ako mag-asawa. Joks lang, papalayasin ako sa 'min.

"Yeah. Hindi ba talaga ako pwede umalis? Saglit lang ako sa munici—"

"No nga!" Inis kong sagot. Tumawa naman siya kaya mas nainis ako.

"Okay. 'Di ba dapat ang boss sa 'tin dalawa."

"May angal?" Taas ang kilay kong tanong.

"Wala boss. Sige na feed me." Sagot niya, ginawa ko naman agad ang sinabi niya. Pagkatapos niya kumain ay sinamahan ko siya sa bathroom para linisin ang sugat niya, pagkatapos ay inalalayan ko naman siyang makahiga sa kama niya.

Nagpaalam naman akong ibaba lang ang mga plato at babalik agad pero, sa totoo lang hinahanap ko si Katelyn at Creed.

May gusto ako itanong sa dalawa, tutal laging kambal tuko ang dalawang 'yun.

"Katelyn!" Sigaw ko agad nang makita ko ang dalawa sa living room version two sa mansion, version two. Hindi lang kasi isa, dalawa, or tatlo living room sa buong mansion. Lima yata or anim. Ewan.

"Oy, iniwan mo si Aiden?" Tanong niya, tumungo naman ako. Halata naman. May Aiden ba akong kasama? Wala 'di ba.

"Good evening. Creed." Bati ko, ngumiti siya sa 'kin at tinunguan lang ako. Niyaya naman ako Katelyn umupo sa harap ni Creed at tumabi siya sa 'kin.

"Anong pinag-uusapan niyo? Mukha kayong seryoso." Curious na tanong ko, mukha talagang seryoso ang mukha nila kanina ng matanaw ko sila sa malayo.

"About kay Aiden." Simpleng sagot ni Creed, agad kumunot ang noo ko.

"Anong... meron kay Aiden?" Kinakabahan kong tanong.

"He wants to cut the deal." Hindi ko gets, ampowa.

"Huh?"

"Gusto na putulin ni Aiden ang deal na namamagitan sa inyo, papalayain kana kaso, natatakot naman siya kapag wala kana sa tabi niya." Mas lalo akong naguluhan. Magdadalawang buwan pa lang ako tapos, tapos na agad? Isang taon ang usapan namin.

"B-Bakit naman?" Hindi ko mapigilan ma-utal. Gegs ba si Aiden? Bakit ba siya nagdedesisyon ng hindi ko alam? Nakakainis naman siya eh!

"Ayaw ka niya madamay." Si Katelyn na ang sumagot kaya nilingon ko siya.

"Una pa lang binalaan na namin si Aiden na once ipasok ka niya sa buhay niya, kasama kana sa lahat. Sabi naman niya noon kaya ka niya protektahan pero, isang araw sinabi na lang niya sa 'min na kailangan kana umalis, lumayo sa 'min para umiwas ka sa gulo." Gulong-gulo ako. Ano ba talaga naisip ni Aiden?

Deal With The Gangster (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن