Chapter 33: A Fairy Tale
Thursday, October 25, 2018, 12:30 PHT
I feel really excited now that we're going to Pangasinan for a college writer and editor's conference. This is my first time to go out of Bulacan na hindi kasama ang family ko. Akala ko rin hindi ako papayagan ni Mommy na sumama dito, but because of kuya Aaron, 'yong associate editor namin ay kinausap siya, pumayag din si Mommy.
Supposedly, may midterm kami. Ang midterm week kasi namin last week ng October, kaya naman Monday at Tuesday pa lang nanghingi na nang special exam kaming sasama sa conference. May letter naman kami na pirmado ng university president. Aside from that, last weekend tinapos ko na agad ang mga gawain na ipapasa ko next week because I was sure I would have no time to finish everything this weekend dahil nga pupunta kami ng Lingayen.
Kahit na hindi ako sure sa mga mangyayari, I anticipated the idea of meeting other writers from different universities and colleges.
"Head count! Baka may maiwan," sigaw ni kuya Aaron. Nag-umpisang magbilang si kuya Clark hanggang makatapos sa EB.
"Ako 11, 12 si Ma'am tapos 13 yung magdadrive sa'tin. Kulang tayo ng isa," sabi ni kuya Adam.
"Nasaan na si Eric?" Kuya Aaron asked after looking to our faces to look for Eric. "Nasan na 'yong makire na 'yon?"
Natawa ako sa pagkakatawag ni kuya Aaron na makire kay Eric. "Nasa loob pa po ng office," I answered him.
"Lucas, 'yong mga issue natin na dadalhin, nasa loob na ba ng van?" Tanong ni kuya Tommy kay Lucas na nakatayo katabi ni Ben across Esther and Marisa.
Lucas nodded his head and said, "Opo, kaso 'yong literary folio natin hindi ko kinuha. Konti na lang kasi."
"Magdala na lang tayo kahit sampung kopya para maipamigay natin sa ibang publication," sabi ate Roxie.
Tumango si Lucas pero ako na ang nagprisintang kumuha. "Ako na lang po ang kukuha, tatawagin ko na rin po si Eric," I said.
Naiwan si Eric sa loob ng office kahit kasama siya sa amin na pupunta sa Pangasinan pero tingin ko bumabangka pa siya ng kwento sa mga tao sa loob ng office. At tama nga ako ng naabutan, kumukwento pa siya sa dalawang seniors namin na nasa loob.
"Hoy Eric, tara na," after I took 10 copies of our literary folio, I reminded Eric to come with me. "Ate, tatangayin ko na 'tong si Eric, aalis na raw po kasi kami."
"Yes, please lang. Napaka daming hanash n'yang kaibigan mo," sabi ng babaeng co-staffer namin na senior na.
"Aray ko! Ano ba! Malditang to! Sasama naman ako, h'wag mo akong pilayin," Eric complained when I grabbed his elbow. "Pupunta naman ako don eh, may pinaliwanag lang ako kay Ate Anna at Johnny," he snapped and rolled his eyes. Maldita.
"Ang ingay mo, ano? Saka hindi kita pinipilay. Oh bitbitin mo 'to." Pinasa ko kay Eric 'yong mga literary issues, at kinuha naman niya yon.
"Sa'yo 'yong pink na bag 'no?"
"Yes, why?"
"Paarbor ako," he said and laughed at me.
"Ayoko nga, favorite ko 'yon."
"Ay grabe! Hindi man lang sinabi na sige next time, kahit hindi mo meant 'yon! Ugali mo rin, ano? Kaimbyernang 'to." Inirapan niya ulit ako kaya tinawanan ko na lang siya. Lakas ng topak nitong kaibigan ko na 'to.
After maiabot ni Eric 'yong issues kay kuya Tommy, nagpray pa kami to have a safe trip at ang adviser namin ang nag-lead.
"Oh sige, pwede na kayong pumasok sa loob, malamig na rin naman ang loob ng van," Ma'am Aimee announced.

YOU ARE READING
I Met a Guy Whose Name is Lucas
Teen FictionI MET A GUY WHOSE NAME IS LUCAS Synopsis Francesca Lacosta, a young lady whose first love has died four months before college starts, meets Lucas Santiago, a young man who barely talks to anyone and hates being wreathed around. Lucas caught France...