Chapter 57: Pity or Love?

202K 3.7K 1.6K
                                    

Medyo mahugot ang update na ito! hahaha. salamat sa mga patuloy na naghihintay ng update dito kahit sobrang tagal! loveyouuuuu! :*

H A P P Y 20 MILLION READS TILOFILERS! :*

Chapter 57: PITY OR LOVE?

Dustin’s POV

(Namiss niyo ko no? ibash ang katamaran ni Miss Author! Wahahaha)

Napatingin ako kay Tyler na kanina pang pangiti-ngiti habang may kinakalikot sa phone niya. Ano kayang ginagawa nito? At mukhang good mood ata.

Ano kayang gagawin nito pag nalaman niya yung nangyari kaninang umaga?

Napapailing na lang ako,at humarap sa book na hawa ko. Kung hindi niyo po alam,nagrereview ako ngayon. NAGBABAGONG BUHAY NA PO AKO. Big phrase yan! HAHAHAHA

Pero seryoso nagrereview talaga ako. Kailangan ko kasing makapasa sa exam namin kung hindi bagsak na ako tuluyan,kapag bumagsak ako hindi ako makakagraduate. Kapag hindi ako nakagraduate hindi ako makakahanap na maayos na trabaho. Kapag hindi ako nakapagtrabaho,hindi ko maitatayo ng hotdog factory ang titi boy ko. 

“Hindi na naman kaya papasok si Yukimo?” tanong ni Tyler. Actually,araw-araw niya hinihintay si Yuki,kahit alam niyang hindi na papasok si Yuki,magsstay pa rin siya sa klase para hintayin siya.

“Hindi. Wag ka ng umasa.” Sabi ko habang nakatingin sa book.

“Anong meron at nakahawak ka ng book?” tanong niya.

 “Review.”  

“Wow. Anong brand ng hotdog ang nakain mo?” pang asar na tanong ni Tyler.

“Nagsasaulo ako pre,wag istorbo.” Bakit ba ito nasa mood? Samantalang hindi naman niya nakikita si Yuki ah. Basted pa nga hindi ba? O mukhang malakas lang talaga ang instinct niya at nakaramdam siya na siya pa rin?

“Gusto mo hampas ko sa ulo mo nang maisaulo mo yang libro mo?”

Kaya minsan ayoko nasa mood si Tyler e. BAD TYLER,BAD!!! TT___TT Mas maganda pang wala siya sa mood kasi tahimik lang siya.  

Ang hard niya po no? Eh kung sa kanya ko kaya ihampas tong libro? Tutal pareho naman silang hard,kaya perfect match! WAHAHAHAHA.

 “Maraming salamat sa maganda at napakasweet na suggestion mo,pero NO, THANKS.” Tumayo ako at lumipat ng upuan.

Magseseryoso muna ako sa pag-aaral kahit labag sa kalooban ko,magseseryoso na talaga ako.

**

Tyler’s POV

Ano kayang brand ng hotdog ang nakain ni Dustin at nagrereview ito? Alam niyo ba? Para naman ipabanned natin yun dito sa pinas,hindi kasi maganda para kay Dustin yun. Nagiging tao e. WAHAHAHAHA.

Binalik ko na ang atensyon ko sa phone ko. Hmm. Ano bang  dapat kong itext kay Yukimo? Kanina pa ako nagiisip kung ano bang isesend ko sa kanya. Kakamustahin ko muna kaya? Hmmm. *iling-iling* Tanungin kung bakit hindi siya pumasok? Hmm. Pick up lines?

( Suggest naman kayo na magandang pick up lines diyan. Seryoso to,wala na kasing maisip na pick up lines ang author. Pakicomment yung alam niyong pick up lines. )

 Puntahan ko na lang kaya?

Napangiti ako sa idea na puntahan siya para makita siya. God,you don’t know how much I miss her. Ilang araw ko na din siya hindi nakikita.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon