Chapter 59: Flashbacks

38.7K 710 52
                                    


IRE REPOST KO LANG TO. BIGLA-BIGLA NA LANG KASI NAWALA YUNG LAMAN NUNG CHAPTER 57. SORRY SA UMASA NA UPDATE TO. HAHAHAHA


Chapter 59: Flashbacks

Yuki's POV

Ilang weeks na din nakakalipas ng malaman kong umalis na sila Ej papuntang US. Wala man lang akong kaalam alam na aalis sila. Ni hindi ko nga alam na may pinaplano itong umalis ng bansa. Sobrang nasasaktan ba siya na makita ako kaya kailangan pa niyang umalis ng bansa?

Nalaman ko lang na umalis na pala sila nung mapansin kong malungkot si Ming. Ayun pala,umalis na si Ella. Tinatawagan ko siya pero hindi niya naman ito sinasagot. Kahit sa mga chats and emails ko,no reply gaming talaga siya.

Sino ang mas unfair sa amin ngayon? Hindi man lang nagpaalam. Maiintindihan ko naman kung gusto niya talagang umalis. Hindi yung aalis siya ng walang pasabi. Yung parang wala man lang kaming pinagsamahan? Sana man lang kinonsider niya yung pinagsamahan namin.

Pero kasalanan ko din naman. Alam ko naman.

Siguro maganda na din ito. Umalis siya ng bansa,ibig sabihin de ayaw na niya talagang magwork ang relationship naming at desperado na siyang makapagmove on.

Sobrang nasaktan ko siya. Kaya naiintindihan ko naman kung bakit kailangan niya umalis ng bansa. Pero sana lagi niya tatandaan na minahal ko siya at mahal ko siya.

At sana,one day, babalik siya at maging okay kaming lahat.

Ngayon,focus muna ako sa studies ko dahil napagiiwanan na ako dahil sa drama ng buhay ko.

"Yukimo.."

Kakasabi ko lang focus sa studies e. Naman e!

Dalawang araw na niya akong kinukulit. Pagkatapos ng break up namin ni Ej,hindi na din nagparamdam sa akin itong unggoy na ito. Hanggang umalis si Ej,hindi siya nagpapakita sa akin. Akala ko nga umalis na din siya. Akala ko matatahimik na buhay ko. Akala ko makakapagmove on na ako. Akala ko may kanya-kanya na kaming buhay. Akala ko wala ng dramas.

Pero one day,bigla na lang siyang sumulpot na parang kabute at nangungulit na para bang walang nangyari.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nasa library kasi ako ngayon,nagrereview dahil may exam ako. Kaso mukhang hindi na ako makakapagfocus dahil may dumating na asungot.

"Yukimo.." tawag niya uli sa akin.

As usual,hindi ko siya pinapansin. Naglakad na ako palabas ng library,sumunod naman ito. Kahit saan ako pumunta nakasunod ito.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya na ikinahinto ko. Seryoso kasi siya nang sabihin niya yun.

Simula sumulpot siya,asar at pangungulit lang ang ginagawa niya para makuha ang atensyon ko. Pero ngayon parang ang seryoso niya.

Humarap ako sa kanya.

Ngumiti naman ito,pero halata namang fake. Ewan,basta naiinis na ako sa kanya. Sabi nila mahal ko pa din daw to,pero bakit tuwing titignan ko siya,inis ang nararamdaman ko?

Sabi naman nila nasa denial stage lang daw ako kaya ganito nararamdaman ko. Pssh. Bakit hindi na lang nila tanggapin na hindi na katulad ng dati ang lahat?

"What?" tinaasan ko ito ng kilay.

"Thank God,pinansin mo na din ako." Nakangiting sabi niya pero this time totoong ngiti na.

Shet,bakit bigla na lang gumwapo to? Ang pangit lang niya kanina ah! Aish!

Napailing ako sa pumasok sa isip ko.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon