25: Sweetness and Coldness.

436K 4.7K 516
                                    

Hi TILOFILERS/TILOFILOVERS!

Published na po ang TILOFIL and its already out in all Precious Pages Stores,National Bookstore and other leading bookstores nationwide. Please get your copy now. for only 119.75 :) THANKYOU.

bawat bili niyo nung book,para na din kayong nagdonate ng piso paamasahe ko pauwi ng pinas! hahahaha. <3 BILI KAYO,PLEASE! <3

HAPPY 14TH MONTHSARY TILOFIL! <3

**

Chapter 25:  Sweetness and Coldness.

Mich’s POV

“San ba tayo pupunta?” tanong ko kay Francisco.

“May papakilala ako sayo..” sabi niya. Nakafocus lang ito sa daanan.

Sino naman kaya yung ipapakilala niya?

“Sino naman?”

“Basta.”

Tinignan ko ito,ang seryoso ng mukha niya. Sino kaya ang ipapakilala niya? Bigla tuloy akong kinabahan.

“Sino nga kasi?”

“Basta nga.”

“si nga yung basta na yan?”

“Basta nga.”

“Sino—Acck!” sigaw ko ng mauntog ako dahil sa biglang pagpreno ni Francisco na mukhang sinasadya.

“Masakit yun ah!” reklamo ko habang hawak ang ulo ko.

“Ang kulit mo kasi e.”

“Nagtatanong lang kasi e!”

“Malalaman mo din.”

Inirapan ko na lang ito at tumingin sa bintana. Ilan sandali napansin ko na yung nadadaanan namin ay cemetery.

Baka naman… Omg,kaya ba ayaw niya sabihin kung sino.. kasi.. waaaaaaaaah!!!

“Francisco,don’t tell me.. ipapakilala mo ako sa…” napahawak ako sa bibig.

“Oo,ipapakilala kita sa mga kalahi mong kalansay.” Sabi naman niya. Hinampas ko naman ito.

“SEryoso kasi!!! Pero di nga?”

“Manahimik ka muna.”

“Bakit ba ang sungit mo ngayon?” Pansin niyo din ba? Diba ang sungit?

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon