Chapter 51.2: A Night To Remember II <3

159K 4K 853
                                    

SALAMAT PO SA MATAGAL NA PAGHIHINTAY! :)

PUBLISHED NA PO PALA ANG 4 BOOKS NG TILOFIL,SANA MAKABILI PO KAYO. PLEASE! THANKYOU.

Chapter 51.2 : A night to remember II <3



Kyo's POV



"Ano ba Lex,tama na nga yan." Inagaw ko ang mic ang sa kanya.

"Mahirap talaga ang magmahal ng iba.."

"Ohh shakit ng ulo maniwala ka.."

Kanta pa rin ito ng kanta kahit wala na sa kanya ang mic. Andito kasi kami ngayon sa entertainment room nila Tyler. Kasama ko sila Mich at Lex. Si Mich,knock out na at si Lex naman ay kanina pang may tama.

"Oo na. matulog kana.." inalalayan koi tong maglakad papunta sa malaking couch kung saan natutulog si Mich.

Huminto ito sa paglalakd at tinaas ang kamay niya. "Saan ka pupunta?" tanong ko nang maglakad ito palabas.

"Magbabanyo ako! Shashama ka?" mataray na tanong niya sa akin.

"Bumalik ka ha." Sabi ko na lang. Tutal nasa bahay naman kami kaya ok lang naman siguro na mag-isa lang siya. Besides hindi naman siya si Dustin na kung ano-ano ang ginagawa tuwing nalalasing ito.

**

Ej's POV

Nasa labas pa rin ako.

Mag-isa.

Nakaupo.

Malalim ang iniisip.

Ang hirap ng ganitong situasyon.

Feeling mo ikaw ang kontra bida ng love story nila,pero wala ka naman ginawa kundi magmahal lang din. Pero bakit kaya minsan ikaw pa itong masama at nagiging kontra bida?

Minsan nakakapagod na din,yung nagmamahal ka lang pero ikaw tong nasasaktan?

Pero wala e.

Pinili ko ito.

Pumasok ako sa relasyon kahit na alam kong sa una lang ako sasaya. Kahit na alam kong dadating ang araw na iiwan niya din ako. Kahit na alam kong siya pa rin sa huli.

Pero wala e.

Nagmamahal lang ako kahit na nakakapagod na.

Ilan beses ko na bang nasabi na nakakapagod na?

Nakakapagod umitindi. Umintindi sa mga taong pilit mong iniintindi pero hindi nila Makita na iniintindi mo sila.

Nakakapagod umasa. Umasa sa mga bagay na simula pa lang alam mong wala ng patutunguhan.

Nakakapagod magparaya. Magparaya ng mga bagay na alam mong ikakasaya mo pero kailangan mong unahin ang ibang tao para hindi sila masaktan.

Nakakapagod maghintay. Maghintay sa oras na ikaw naman ang magiging una sa listahan at magiging masaya.

Nakakapagod masaktan. Masaktan nang dahil sa mga taong minamahal mo.

Nakakapagod magmahal. Magmahal ng isang tao na sa kabila ng lahat ay may possibility na balewalain ka at iwan ka.

Nakakapagod maging mabait. Maging mabait sa lahat ng taong nakapaligid sayo.

Nakakapagod maging ako.

Ako na sawang-sawa na sa lahat ay nakukuha pa rin umintindi, umasa, magparaya, maghintay, masaktan, magmahal at maging mabait para lang magampanan ang pagiging ako.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon