Chapter 42: First Date.

298K 4.2K 1K
                                    

Oh eto na update agad para sainyo! Hahahaha. <3

Chapter 42: First Date.

Yuki’s POV

Pinagsasampal ko ang sarili ko para maalis yung ayaw maalis sa isipan ko.

Waaaaaaah!

Nagpaikot-ikot ako sa kama ko. Oo,kanina pa ako nasa bahay.  Kanina niya pa ako hinatid at kanina pang ayaw umalis sa isipan ko ang ginawa and until now ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

**Flashback

 

“Banyo lang ako.” Paalam ko sa kanya.

 

“Bilisan mo.” Sabi niya.

 

“Pati ba naman sa pagbabanyo—“

 

“Bilisan mo,nang maibalik na kita sa boyfriend mo.” Sabi niya sabay tumalikod na ito at naglakad palayo.

 

Eh? Anyare dun?

 

Dahil natatakot akong mawala,hindi na ako nagCR at sumunod na sa kanya. Eh kasi naman pwede naman kasi hintayin niya muna ako habang nagccr ako hindi ba? Pssh.

 

Napakabipolar talaga nitong unggoy na ito kahit kailan.

 

Pero thank God! Uuwi na kami. Chineck ko yung time. 4pm pa lang pala. Makakahabol pa ako sa date namin ni Ej IF TULOY PA.

 

Tahimik lang ako hanggang sa makarating sa bahay. Ano kayang problema nito? Bakit biglang nagiba ang mood niya? Dahil tahimik siya hindi na din ako nagsalita. Bahala siya.

 

Hanggang sa makarating kami sa bahay tahimik lang kami. Ni isnag word walang lumabas sa bibig namin. Muntik na ngang napanis ang laway namin. Gosh! Nawala talaga ang mood niya.

 

“Thanks.” sabi ko then bumaba na sa sasakyan.

 

Eh?

 

Bumaba din kasi ito.

 

Pagkasara ko sa pinto ng sasakyan,lumapit ito palapit sa akin. Napalunok ako.

 

“M-may kailangan ka?”

 

Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam pero bigla na lang ako naconcious sa mukha ko.

 

“Kung w-wala kang s-sasabihin papasok na ako.” Tumalikod na ako dito at naglakad na papasok sa gate.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon