Chapter 47: I hate you..

225K 4.8K 1.4K
                                    

Chapter 47: I hate you..

Yuki’s POV

7am nang bumalik si Haching dito. Ang sabi niya magliligo lang daw ito at magpapalit dahil aalis daw sila ni Sarah. Magfofood tasting ata sila ngayon. Hindi ba pwedeng sumama ako sa kanila? Para naman makalimot muna ako at pagkain lang aatupagin ko? Hindi ba pwede yun?

Kinuha ko yung mga damit ko na nasa laundry at inilipat sa dryer. Nagpalit kasi ako kagabi,ang suot ko nga lang ngayon ay tshirt ni Haching at boxer niya. Wala naman malisya yun,dahil nga bestfriend and boyfriend wana be ko siya. :)

Pumunta ako sa kusina at tinignan kung ano makakain ko,biglang naistress  ang tyan ko sa mga biglaang problema. Ayoko masyado isipin ang nangyayari. Ok na yung magdamag ko ng inisip.

Dahil hindi naman ako marunong magluto ng kung ano-ano,pancakes na lang ang gagawin ko. Habang kumukuha ako ng mga ingredients may narinig akong pumasok.

Eh? Sino kaya yun? Bakit ang aga naman atang may bisita si Haching?

“Hachi—“ napahinto siya ng makita ako.

“Hi Sarah.” Kumaway pa ako dito. Pero tinignan niya lang ako mula taas hanggang baba. Eh? “Nasa banyo pa si Haching,naliligo.” Sabi ko na lang.

“S-sabihin mo nauna na ako.” Yun lang at nagmadali na itong umalis.

Eh? Problema nun?

Bahala siya,ayoko ng isipin kung ano man ang problema nun,dagdag sa stress at baka magutom lalo ang tyan ko.

Kakatapos ko lang magluto ng sunog,medyo sunog,hindi luto sa loob,at almost perfect na pancakes! Atleast pwede pang kainin. Emsoooproudofmahself!

“Oh! Haching,gusto mo kumain?” tanong ko ng lumabas ito sa kwarto niya. Nakabihis na ito.

“Hindi na. kakain kami ng breakfast sa labas ni Sarah.” Sabi niya sabay pasok uli sa kwarto. Ilan sandali lumabas uli ito at habang inaayos niya yung watch sa wrist niya.

Speaking of Sarah..

“Dumating siya dito kanina.” Sabi ko. Dinala ko yung plato at hot choco na ginawa ko kanina at naglakad papunta sa sala. Gusto kong manood ng tv.

“Si Sarah?” tanong niya. Tumango naman ako.

“Kaso umalis siya kaagad,sabi niya sabihin ko daw sayo na nauna na siya.” Umupo ako sa couch at inopen ang tv.

Napatingin ako kay Haching,parang kanina ok naman siya ngayon parang problemado ito habang may tinatawagan siya sa phone.

“Yun lang ba sinabi niya sayo?” tanong niya.

“Yup.” Sumubo ako ng pancakes. “Ay Oo nga pala,pag sabihan mo yang fiancé mo ha. Tinignan ba naman ako mula paa hanggang ulo. Wow.” Sabi ko habang dinuduro duro ko pa siya sa fork na hawak ko.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon