Chapter 55: Truth </3

186K 4.3K 1.6K
                                    

May nagbabasa pa ba? HAHAHAHA. Sa sobrang tagal na atang walang update baka tinamad na yung ibang magbasa.

Minadaling update kaya sabaw to! Hahaha. Sorry sa almost 3 months na walang update!

Chapter 55: Truth </3

Alexa’s POV

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Dustin. Pumasok lang kasi ito basta-basta sa kwarto ko ng walang paalam. Ano naman kaya ang kailangan niya?

“May kukunin lang ako.” Sabi niya habang naglalakad at tumitingin tingin sa mga gamit ko. Ano na naman kaya ang kukunin nito?

“Asan bag mo?” tanong niya.

“Bag?” anong gagawin niya sa bag ko?

‘’Yung kung saan nakalagay yung mga undies mo?” nagkamot ito ng ulo.

Wait lang. pakiulit nga sa akin yung sinabi niya. UNDIES ko? ANONG GAGAWIN NITONG BUDOY NA ITO SA MGA UNDIES KO?

“Undies ko??’’

“Like OMG,” pangagaya niya kay Ella. “Lex,itatry ko lang girl kung bagay sa akin. Like omg.” Nagboses bakla ito. 

Tinignan ko ito ng masama. Kaya sumeryoso naman ito agad. Buti naman at nakukuha siya sa tingin,kundi masasapak ko na talaga tong budoy na ito.

“Anong gagawin mo sa undies ko?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng kay lapad. Hay nakooo. Budoy ways na naman ito for sure.

“May naisip akong paraan para mainlove si Ej sayo.”  Nagtaas-baba pa ito ng kilay.

“Hindi.Ako.Interesado.” bakit ba lahat na lang pinupush sa akin si Ej? Goooooood! May girlfriend ang tao!

“Lex,ako interesado. Kaya pahiram—no penge na nang panty mo. Hihi.’’ WHAT THE HECK? Iba na talaga tong budoy na ito,pati pagtawa niya iba na. napapailing na lang ako sa kanya.

“AYOKO! TIGILAN MO AKO DUSTIN!!” tinalikuran ko ito.

“Ano ka ba Lex,promise effective to! Maniwala ka,please!” nagtaas pa ito ng kamay na parang magpapanatang makabayan.

“Wala.Akong.Pakialam!”

“Sa ngalan ng paglalandi mo kay Ej,ibigay mo na ang mahiwagang panty mo.”

“WHAT THE!!” sigaw ko nang hawakan ni Dustin ang ulo ko at pumikit ito.

“Oh masamang kaluluwa ng kalandian,ako’y narito upang hingin ang pahintulot mo at sumanib ngayon kay Alexa Doneza upang ibigay ang mahiwang panty.”  Inalog-alog pa ako.

OH GOD! HELP HIM PLEASE! IBA NA PO ANG LEVEL NG PAGKABUDOY NIYA.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon