27: Choice.

423K 5.8K 775
                                    

HELLO KAY Aiza Pastrana and kay Jhunaila Agustin! :))))

SORRY KUNG NAG TAGAL NG UPDATE,BUKAS NA KASI YUNG GRADUATION KO! YHIEEEEEEEEEE.

FOR THE SECOND TIME,GAGRADUATE ULI AKO SA HIGHSCHOOL! HAHAHA.

HAPPY 14M READS SA TILOFIL 1! AND ALMOST 3M READS NA ANG TILOFIL2! 100K READS NA LANG! HAHAHAHA. <3 THANKYOU.

**

Chapter 27:

  Alexa’s POV

“Dustin! Kailan ka ba mananahimik???” pasigaw kong tanong sa kanya. Pero instead na manahimik siya,kumanta pa ito.

“Say you love me, Say you love me 
Then put it in a love song…”

“ Put it in a love song..”

Kanina pa kinakanta ni Dustin ang kantang ‘Put it a love song’ by Alicia K and Beyonce. Simula paggising niya yan na ang kinakanta.

Ok naman sana e,kaso paulit-ulit tas 3 lines lang!!! sino hindi maiirita?

“Bakit ba good mood na good mood yan??” tanong ko kay Kevin at Trish na kasama nila kagabi.

Nagkibit balikat lang ang mga ito.

Binalik ko na ang tingin ko sa front camera ng phone ko. Nagsasalamin kasi ako gamit ang phone. Tinatamad kasi akong tumayo at pumunta sa harap ng salamin.

“Say you love me, Say you love me 
Then put it in a love song…”

“ Put it in a love song..”

Rinig ko na naman kanta ni Dustin. Good mood na good mood talaga. Ano kayang nangyari kagabi at mukhang ang saya niya ngayon?

“Ok na ba itsura ko?” tanong ko kay Dustin.

Papasok na  kasi ako at nagapply ako ng konting make up.  At siya naman mukhang mamaya pang papasok sa school.

Dahil mukhang good mood naman si Dustin,baka naman may masabi siyang maganda.

Tinignan naman niya ako.

“Ang itsura mo ay isang Manika.” Nakangiting sabi niya.

Aba! Good mood nga ito at kung makapagsalita ay tagalog na tagalog.

“Thanks.” tumayo na ako.

“Lex,hindi pa ako tapos.” Napahinto at tinignan ito.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon