31: Welcome back.

393K 5.2K 1K
                                    

Chapter 31:  Welcome Back.

Tyler’s POV

Nakatingin lang kami kay Dustin ng sinabi niyang…

“Sabihin na natin,nagtanong ako sa isang tao… tinanong ko yung perspective niya at humingi ng advice.”

Kaninong perspective naman kaya ang hiningian niya?

Madalas pa naman ito sa mental,baka sa kapwang baliw ito humingi ng opinion? Hindi na ako magtataka kung ganoon na nga.

Nagtinginan kami ni Mich na para bang tinanong namin sa isa’t-isa kung mapagkakatiwalaan tong budoy na ito. Nagkibit balikat lang si Mich.

“Seryoso kasi.” Kinuha niya yung phone niya sa bulsa.

“Baka mag upside down na naman ang mundo mo kapag narinig mo ito.” Sabi niya habang may kinakalikot siya sa phone niya.

“Hala!”

“Bakit?” Mich.

“Hindi ko ata nasave.” Nagpapanic na sabi niya.

“Oh well,that’s not new. Knowing you.” Niroll ni Mich ang mata niya.

“Ohh! Heto na!” binigay niya sa akin ang phone niya.

Tinignan ko muna siya baka kasi may something dito e,hindi ko nga alam pero kinakabahan ako sa maririnig ko. Ngumiti si Dustin at tinaas baba pa niya ang kilay niya na para bang sinasabing iplay ko na.

Huminga muna ako ng malalim bago ko ito pinlay.

 

“Ehem. Ehem.”  Boses ni Dustin.

Tinignan namin ng masama si Dustin. Nagtaas ito ng isang kamay sign na ‘wait lang,maghintay kayo.’

 

“Nagtext na siya,asan na daw ako?’’ tanong ni Dustin. Sino ba itong kausap niya? Sinong siya?

 

“Bakit andun na siya agad? May business pa akong ginagawa e.” kinakausap ba niya ang sarili niya?

Tinignan uli namin ang si Dustin ng masama. Ano to? Pinagloloko ba kami nitong budoy na ito? Akala ko ba ibang tao? Bakit siya?

“Intro yan pre,Intro.” Sabi naman niya.

Aba’t may pa intro-intro pa siyang nalalaman!

“Hindi pa ako tapos e.” rinig uli namin. Maya’t-maya may narinig kaming may nagflush.

Napatingin uli kami kay Dustin. Anong flush ang narinig namin? Huwag niyang sabihin na sa banyo siya? Don’t tell me yung tinutukoy niyang may ginagawa siyang business ay.. ugh. Alam niyo na. at hindi pa daw ito tapos! Grabe talaga to.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon