35.1: Missing

316K 4.1K 1.4K
                                    

Chapter 35.1: Weydo slash Suweman meets Titi Boy: Missing.

Kyo’s POV

“Preeeeee! Samahan niyo akong bumili ng superman costume!” sigaw ni Dustin.

“Darna na lang kasi!” Kevin.

“Oo nga, mas madali pa.” sabi ko naman.

“Litaw legs ko dun pre!” reklamo niya.

“di baling litaw ang legs,wag lang ang eggs!”sabi naman ni Tyler.

 “HAHHAHAHHAHHA.”

“Nakabalot naman ang legs and eggs ko sa superman costume.”

“Bakat naman ang eggs at hotdog mo,pre.” Tyler.

“lalong lalo naman sa darna.” Dustin.

“Hindi din. May mahabang tela sa harap kaya si Darna. Kaya matatakpan.”  Kevin.

“Grabe. Wala kayong kwentang kausap.” Sabi ni Dustin.

“Parang siya hindi.” Tyler.

Pansin ko na nakamood ngayon si Tyler. Ano kayang meron? Ok na kaya sila ni Yuki?

Nakakapagtaka nga at kasama namin siya ngayon,dati-rati mahirap itong hagilapin,ngayon nakakasama na namin siya.

“Bakit ba kasi superman? Anong gagawin niyo ni Hana?” kevin.

“Ewan ko nga e.”

“Bakit hindi na lang kasi budoy ang iportray mo? Effortless pa pre!” asar uli ni Tyler.

HAHAHAHAHA. EFFORTLESS! Oo nga naman. Walang kaano-ano kung budoy na lang kesa sa superman. HAHAHHAHAHAHAHA.

“Mga gago. Makaalis na nga. Bibili pa ako ng Superman costume.” Tumayo na ito at akmang lalabas na sa Mini House ng nagmamadaling pumasok si Yuki.

“Oh!” gulat itong Makita kami. Hindi niya siguro inaasahan.

Napatayo naman si Tyler.

 Si Yuki naman ay nalinga-linga na para bang may hinahanap.

“May kailangan ka?” tanong ko.

“Wala ang mga girls?” tanong niya. Sabay-sabay naman kaming tumango. Napasimangot naman siya dahil wala ang mga girls dito.

“Bakit?” Kevin.

Mula sa pagkakasimangot unti-unti itong ngumiti.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon