Chapter 63: Christmas Eve (part 1)

92K 2.2K 1.4K
                                    


Enjoy reading...


**


Chapter 63: Christmas Eve (part 1)

Yuki's POV

Mamaya na ang Noche buena,kaya ang busy namin ngayon. I mean hindi naman gaano kabusy,kasi may marami naman kami nandito para tumulong. Nandito sila Hana,Mich and Alexa. Mukhang napapadalas na ang pagtambay niya dito sa amin. Nagulat nga ako kanina na nung dumating siya. Sabi pa nga niya "Ininvite niyo ang lahat tapos ako hindi,ina-out place niyo ba ako?" Natawa na lang kami sa sinabi niya. Hindi naman kami nag-invite eh,sila yung nagtatanong kung pwede sa amin magchristmas eve,oo lang kami ng oo.

"Mimi Ki!" tawag sa akin ni Yohan habang hinihila niya yung damit ko.

"Yes?" Umupo ako para mapantayan siya.

Niyakap niya ako at sinabi niyang,"Ug-tom na'ko!"

"Punta ka kay Daddy mo. Wala naman siya ginagawa eh." Andito din kasi si Dustin hindi para tumulong para manggulo at mangtrip.

Tumingin kami kay Dustin na kasama ngayon si Alexa nasa bakuran namin sila nag-iihaw.

"Arrgh. Mabaho na ba ako Dust?" rinig namin tanong ni Alexa. Siya kasi kanina pa nag-iihaw.

"Lex,lakas makasira ng pagkakaibigan yung mga ganyang tanong. Wag ganun," rinig naming Sagot ni Dustin.

Kahit kailan talaga walang maayos na sagot tong lalaking to.

"Seryoso nga kasi. May amoy na ba ako?" inis na tanong ni Alexa.

"Hmm. okay lang. Hindi naman masyado nakakaoffend ang amoy mo,"natatawang sabi ni Dustin.

Binalik na sa akin ni Yohan ang tingin at attention niya.

"Yoko,"sumimangot ito.

"Eh? Bakit naman?"

Sumimangot lang ito sa tanong ko.

"Okay. Anong gusto mong kainin?" Hindi ko na siya tinanong kung bakit at tinanong na lang kung anong gusto niyang kainin. Kanina pa siyang walang kalaro kawawa naman.

Pumunta kami sa kitchen at kumuha ng pwede niyang makain. Gumawa ako ng sandwich at binigay sa kanya. Wala masyado pumapansin sa kanya kasi lahat may ginagawa. Pagkabigay ko ng sandwich niya lumapit siya kay mommy niya at pinanuod niya ang mommy niya habang nagrawrap ng lumpia.

"You okay,baby?" tanong ni Hana kay Yohan. Tumango naman si Yohan sabay kagat ng sandwich.

"Iwan ko muna diyan si Yohan ha." sabi ko kay Hana.

"Sure."

**

Umakyat muna ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Tutal tapos naman din ako sa ginagawa ko. Kinuha ko ang laptop at humiga sa bed.

Pag-open ko sa laptop ko,napasimangot ako. Wala pa din siyang message. Dalawang araw na siyang hindi nagmemessage. Ano kayang nangyari don? Sana naman sabihan niya kung may nangyari man or busy siya. Para naman hindi ako naghihintay.

"Bakit ka kasi naghihintay? Sinabi ba niya na maghintay ka?" Sinara ko ang laptop ko sa inis.

"Galit kaya siya?" tanong ko sa sarili ko.

Eeeh! Okay naman kami nung last time na nag-usap kami.

"Baka may nasabi ka na hindi niya nagustuhan?" tanong ko uli sa sarili ko.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon