Chapter 50.2: Bonfire II

214K 5K 1.7K
                                    

Chapter 50: Bonfire II: Truth & Consequence.

“Laro tayoooo guys!” sigaw ni Mich.

Lahat naman kami napatingin sa kanya. katabi naman niya sila Kevin at Kyo na mukhang nakainom. -___-

“Truth or consequence!” sigaw ni Kevin.

“MAG-ISA KAYOOO!!!” sigaw naman ni Alexa.

Mukhang bad idea yun >___< Ayoko din maglaro  nun,nakakatempt magtanong! Lalo na ngayon. Waaaaaaaaaaaah!

Baka naman ito na yung tamang time para sabihin at ipaalam sa kanila? Pero…  Ano naman ang sasabihin ko? Paano ko sasabihin?

Paano kung galit ako?  ‘Hoy mga gago kayo niloko niyo ko,mga sinungaling!!!’ ganon?

Paano kung medyo OA,’Sinira niyo buhay ko! Mga sinungaling kayo!’ ganon?

Paano naman kung over OA,’Mga wala kayong kwentang kaibigan!! Iaunfriend ko na kayo sa facebook,unfollow sa twitter at instagram!!!!’ ganon?

Paano kung mabait,’Ok lang guys,naiintindihan ko.’

Paano naman kung mabait with bitter feelings,’Ok lang guys,naiintindihan ko ang pangagago niyo at panloloko niyo sa akin.’

Paano ako magrereact? ‘Eh?’ na lang kaya? My usual reaction. I think that’s better. Atleast hindi na masasayang ang laway ko.

Nanlaki ang mata ko ng may maramdaman ako sa isa kong kamay na may isa pang kamay. Nakapatong kasi ito sa inuupuan namin na mahabang kahoy samantalang ang isa kong kamay na kay Ej at nilalaro. Tinignan ko ng masama si Tyler.

Aba! Gusto atang makipaglandian ang kamay niya. Nasa katawan na niya talaga ang kalandian. Grabe talaga tong lalaking to, May taglay talaga itong kalandian!

Kahit madilim,pasimple ko itong Binigyan ng ‘tigilan-mo-ako-look’ pero nilalaro pa rin niya ang daliri ko. Niroll ko ang mata ko at akmang aalisn ko na ang kamay ko pero hinawakan niya ito. What the heck?

Sa inis ko,hinawakan ko ang kamay niya at hinampas sa kung saan nakapatong kanina ang kamay ko,na ikinasigaw niya, “Aaah!” mabilis kong binawi ang kamay ko ng nagsitinginan silang lahat kay Tyler.

“A-aah! –llelujah! Praise the lord. Thank God pinagsasama-sama niya tayo ngayon araw na to.” Itinaas niya pa ang dalawang kamay na para bang pinepraise talaga si God.

Pffft—HAHAHAHAHAHAHA. Magpapalusot na lang,napakaWALEY pa! hahahaha.

“Dustin ikaw ba yan?” Mich.

“Sumanib ba sayo ang budoy spirit ni Dustin?” Kev

“O baka naman,nahawaan ka ng virus ni Dustin?” Kyo.

OMG,DUSTIN! HAHAHAHA.

Tinignan ni Tyler ng masama sila Mich kaya nanahimik na ang mga ito at bumalik sa pinaguusapan nila.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon