Chapter 8

410 39 0
                                    

SHIYA'S POV.

Napatitig ako sa harapan namin ni Khiel, isang malaking bahay.

Yan ang regalo ng daddy nya samin dahil ikinasal na kami.

Sa totoo lang, nalulungkot ako dahil ikinasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal.

Napabuntong hininga ako atsaka naisip yung nangyari sa kasal namin.

  - FLASHBACK -

"Khiel Ashton Gil, do you take Ashiya Unique Siason to be your thy wedded wife, to live together in the holy bonds of matrimony? To love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee only unto her so long as ye both shall alive?"

Napatitig naman sakin si Khiel atsaka umirap.

"I don't--- I mean, yeah I do" sagot nito kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ashiya Unique Siason, do you take Khiel Ashton Gil to be your thy wedded husband to live together in the holy bonds of matrimony? To love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee only unto him so long as ye both shall alive?"

Bored na tumingin ako kay Father.

"Hindi rin po--- este opo, I do na agad!" sagot ko kaya rinig ko ang mahinang tawa ni Jake sa gilid.

Ilang minuto pa ang nakalipas at ito na yung time para sa vows.

Tiningnan ko si Khiel at plastik na ngumiti.

"Khiel, sa totoo lang hindi kita gusto" panimula ko kaya rinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao.

"Kasi lab na lab kita! Ayiee!" dugtong ko kaya rinig ko ang hiyawan nila.

"Pero shempre joke lang yun" mahinang bulong ko atsaka pairap na tumingin kay Khiel.

"Gusto ko lang sana sabihin na, sana matagalan mo yung mga kalokohang gagawin ko--este mga sweet na gagawin ko at magpapasalamat talaga ako kung masasakal kita--I mean, nagpapasalamat talaga ako na kinasal tayo HAHA! Please be strong Khiel dahil nagpakasal ka sa isang katulad ko" tawang sabi ko pero inirapan nya lang ako.

"Shiya, all I can say is I hope you won't regret marrying a guy like me because you won't know what will I do to you" ngising sabi nya kaya rinig ko ang hiyawan ng mga tao.

Baka akala nila mga naughty things ang gagawin ni Khiel sakin, aysus! Alam mo nayang gagawin nya.

--

"Buhatin mo yung maleta ko at ipasok sa loob" utos agad ni Khiel kaya inis na tiningnan ko sya.

"Ano?! Wow?! Bat ko naman gagawin yun?! Excuse me?! Dapat nga ikaw yung magbuhat ng maleta natin eh?!" inis na sigaw ko pero di sya nagsalita atsaka pumasok lang sa loob.

Naiinis na binuhat ko ang maleta ko atsaka pinasok sa loob.

Bahala syang buhatin mag isa yang bwesit na maleta nya!

Pero di pako nakakapasok nang pigilan ako ni Khiel.

"Hindi ka makakapasok kung hindi mo bubuhatin yung maleta ko" saad nito kaya naiinis na binaba ko ang maletang buhat atsaka binalikan yung maleta nya.

Bwesit! Bat ang bigat?! May malaking bato ba dito?!

Naiinis na binuhat ko ang maleta nya atsaka yun ipinasok sa loob.

Nang mapatingin ako sa loob ay muntik nakong maghanga, pero dahil sa naiinis ako ay di ko na nagawa yun! Tsk!

Binaba ko ang maleta nya sa gilid ng sofa atsaka binalikan yung maleta ko sa labas.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now