Chapter 33

359 29 0
                                    

SHIYA'S POV.

"So? Pake ng earth?" sagot ko kaya natawa si Sy.

"You're fiesty, I like it" sabi nito habang nilalaro ng daliri ang labi niya.

Umirap ako at nagpatuloy sa pagkain.

"I'm hungry, alis!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

Tumawa lang siya pero umalis din dahil tinawag siya ni Stella. Nakita ko namang inirapan ako ni Stella kaya napangiwi ako. Duh inaano ko ba sila?

Napailing ako at nagpatuloy sa pagkain. Pero inalala ko ang sinabi ni Sy, kapatid pala siya nung first love ni Khiel. Eh ano naman ngayon? Ako nanaman ang asawa ngayon, charot.

Napairap ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagugutom pako taena.

"Are you done?" napaangat ako ng tingin at inirapan si Khiel.

"Nakikita mo naman sigurong kumakain pako noh?" pampipilosopo ko kaya nginiwian nyako.

"Are you that hungry?" tanong nito.

"Hindi ba halata?" pagtataray ko dito.

"Why are you so masungit?" tanong nito kaya natawa ako.

"Sanaol conyo" sabi ko kaya sinamaan nyako ng tingin.

"Kapatid pala ng first love mo yan" sabi ko sabay tingin kay Sy na pinagkakaguluhan.

"Yeah, that's Sy Sebastian" napangiwi ako, bat ang aarte ng name? Well same lang HAHAHA chos.

"Ano name ng first love mo?" taka kong tanong. Napatingin sya sakin.

"Bakit mo tinatanong?" taas kilay na tanong nya.

"Sagutin mo nalang" sabi ko.

"Hmmm.. Cyline Grace" sagot nito kaya napa 'ahh' ako.

Cy, Sy. Wow magkatunog HAHAHAHA.

"Nasan na siya ngayon?" tanong ko.

"She's in US I guess" sagot nito at nagulat kami nang sumulpot nanaman si Sy! Parang kabute amputa!

"No bestfriend! Your first love is here!" ngisi nito at tiningnan ako. Tinaasan ko siya ng kilay pero mas lalo lang syang ngumisi.

"What do you mean?" takang tanong ni Khiel.

"Pftt. Ayun siya oh" sagot ni Sy sabay turo sa babaeng...... Shittt!

"Hi!" ngiti nito sa mga staff na tila gulat.

Ang ganda!!! Wait bat natotomboy ako? Puta. De joke lang noh.

Nakasuot siya ng black croptop na may maong blazer, naka black skirt din sya and black boots. Tangina. Ang ganda, mas maganda pa ata to kay Stella eh!

"C-Cyline" biglang sabi ni Khiel kaya napatingin ako sakanya.

Tangina. Tulala si gago!

"Hi Khiel!" matamis na ngumiti si Cyline kay Khiel at napataas ang kilay ko nang bigla nyang halikan si Khiel! Take note! Sa LABI AH?!

Di ko alam pero bigla ko siyang naitulak palayo. Napatingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Who are you?" taray na tanong nito kaya tinaasan ko din siya ng kilay.

"Ako lang naman ang asawa ng HINALIKAN mo" diing sabi ko kaya napangiwi siya.

"Seriously? Pumatol si Khiel sayo?" ngiwing sabi nito kaya pekeng ngumiti ako.

Tangina, first love ni Khiel toh?! Akala ko ba mabait at hindi katulad ni Stella na bitch?! Mas sobra pa ata to eh!

"Oo, nabuntis na nga eh" sagot ko kaya napatingin agad siya sa tyan ko at napanganga.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now