Chapter 58

287 19 3
                                    

ASHIYA'S POV.

"Aalis na kayo?" tanong ni Stella nang ilang segundo kaming natahimik.

Ngumuso naman ako at hindi maisip na siya ang nagtayong ina ni Khielsya or let's call her now Asia. Pero kahit ganun ay nagpapasalamat ako sakan'ya at pinalaki niyang mabait si Asia, kahit demonyita siya noon. Char.

"Yes, susunduin pa namin si Skhy at pupunta sa bahay nina Khiel." sagot ko.

"How about Asia? Okay lang ba sainyo na dito muna siya?" tanong ni Blake habang hawak ang bewang ni Stella.

Psh. Nagkatuluyan pala talaga sila, n'ong panahon na pumunta kami do'n sa mansyon ng lola ni Khiel ay tinatarayan pa siya ni Stella.

"Like you both said, let's give her some space and time to decide weither she'll accept us or not." seryosong sagot ni Khiel.

"Okay then. It's your choice." sabi ni Stella at ngumiti sa 'kin.

Tiningnan ko naman si Blake at tinaasan ng kilay.

"Do you know where's your brother?" tanong ko dahil pagkatapos ng eksena doon sa hospital ay hindi ko na siya nakita.

"Oh, you're looking for Brandon? Why?" he teased me and looked at Khiel.

"Wala, sasapakin ko lang sana siya dahil sa pagtago niya sa 'kin at kay Skhyler at ikaw din." mariin kong sabi kaya napa-atras si Blake at natawa.

"I'm so sorry for that, Akirra-oh I mean, Ashiya. Brandon told me that I will shut my mouth or else he'll kill me, well.. I'm just being a good brother." ngisi nito kaya napairap ako.

"But never a good person." sagot ko at sinamaan siya ng tingin. He smirked more and hold Stella's waist.

"But a good father of your daughter, yeah?" mayabang niyang sabi kaya nginiwian ko siya.

Tiningnan ko naman si Stella.

"Where the hell is your step-sister!? Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito, though gusto din kitang sisihin pero whatever, it's her fault. So where the fuck is she!?" gigil kong tanong kaya hinawakan ni Khiel ang kamay ko.

"Language." bulong nito kaya inirapan ko siya.

Makasabi 'to, parang di nagmumura.

"She's in the presinto, duh?" irap ni Stella sa 'kin kaya inismiran ko siya. So kailangan talaga conyo, ganun?

"Gusto ko siyang puntahan, dalhin moko sakan'ya, Jutay." mariin kong sabi.

"What? What will you do, Flat?" tanong ni Khiel kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Papatayin ko siya." sagot ko kaya sinamaan niya 'ko ng tingin.

"Joke lang duh! Kahit gigil na gigil na 'ko sa baliw na kapatid ni Stella ay hindi ko 'yun gagawin, kakausapin ko lang siya. Promise, usap lang." ngisi ko kaya napa-tsked si Khiel at inakbayan ako.

"Okay fine, let's go." sabi nito kaya hinarap ko sina Blake at Stella.

"Aalis na kami. Alagaan niyo si Asia ah? Babalikan namin siya kapag handa na siyang harapin kami." sabi ko kaya napairap si Stella.

"Excuse me? Kahit naman hindi mo sabihin 'yan ay aalagaan talaga namin si Asia, napamahal na kami sakan'ya kahit hindi namin siya totoong anak so you really don't need to worry." sabi nito.

"Share mo lang?" pambabara ko kaya sinamaan niya 'ko ng tingin.

Blake and Khiel laughed.

Sinamaan naman namin ng tingin ang dalawa kaya mabilis na tumahimik.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now