Chapter 39

436 32 0
                                    

SHIYA'S POV.

"Are you sure, you're okay? Kanina kapa walang imik, Shiya. I'm worried." tanong ni Khiel nang tumigil siya sa pagmamaneho dahil nag red light.

Ngumiti ako sakanya para di na siya mag-alala.

"I'm fine, Khiel. Di naman ako nasaktan or natamaan ng baril, kamusta yung mirror ng sasakyan?" tanong ko kaya napailing siya.

"Muntik kanang mabaril tapos yung salamin pa talaga ng sasakyan ang ina-alala mo? Hays, pina imbestigahan na'yun, andun nadin ang mga police at gusto ka sana nilang interview-hin but I told them that you can't, right now." paliwanag nito kaya napatango ako.

Sino naman kaya yung taong yun? Para sa'kin, ako yung target niya. Nagkatitigan kami pero di ko makita ng malinaw yung mukha niya 'cause like I said, nakasuot siya ng mask at naka-hoodie.

"Khiel, sa tingin ko, ako yung target kanina," wala sa sariling sambit ko kaya natigilan siya. A-akmang magsasalita na siya nang mag green light, wala siyang nagawa kundi i-start ang engine. Pero nagsalita din siya pagkatapos.

"Yeah, I know. Kanina ko pa ramdam na may sumusunod sa'tin, fuck. Bat ba iniwan kita sa labas, di ako nag-iisip, pano kung nabaril kadun shit." sabi nito na tila nagsisisi.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Di mo naman kasalanan, atsaka kung hindi ka sumigaw kanina baka muntik na nga akong mabaril," sabi ko.

Yeah, kung di ako nagulat ay baka sa'kin na pinutok yung baril, I saw the person pointing the gun to me. Pero nang sumigaw si Khiel ay umiling ito atsaka dun binaril sa salamin ng sasakyan ang bala.

Fuck, bat ba humantong sa ganito? Can't we have a nice and peaceful life?

"Don't worry, alam na nila mom and dad ang nangyari at nag-hire sila ng secret agent para imbestigahan yun, may limang bodyguard nadin tayo sa bahay. I won't let it happen again," seryosong sabi nito kaya napabuntong hininga nalang ako atsaka sumandal sa bintana.

--

Nang makarating sa bahay ay bukas na ang ilaw nito, kinabahan agad ako. Nawala din yun nang hawakan ako ni Khiel sa bewang at bumulong.

"Relax, sina mommy lang 'yan, I told them what happened and they rushly went here. I think, nandito din sina Jake and Silver," sabi nito kaya napatango ako at nakahinga ng malalim. Akala ko at kung ano nanaman.

Totoo nga ang sinabi ni Khiel kanina, may bodyguards na kami, seryosong nakabantay sa harap ng bahay namin. Pero di ko iniisip na ngayon na agad, I mean, kakasabi niya lang kanina eh. Fuck, it's just morning pero andami na agad na nangyayari.

Nang madaanan namin ang mga bodyguards ay yumuko sila pero di sila pinansin ni Khiel at binuksan lang ang pinto. Sabay kaming pumasok at naabutan namin sina Tita Ky at Tito Cloud, nandito din yung mga friends namin.

Nang makita nila kami ay agad nila akong pinalibutan.

"Oh my god, Shiya! Are you alright?" nag-aalalang tanong ni tita Ky kaya ngumiti ako.

"O-opo, di naman po ako nabaril," sabi ko kaya nakahinga sila ng malalim.

"Who did this, Khiel huh?! And what the hell are you doing in that time?! Bat di mo binabantayan ang asawa mo?! She's pregnant for pete's sake!" galit na sermon ni tita Ky kay Khiel, hinawakan naman sa braso ni tito Cloud si tita.

"Calm down, honey. Let our son, explain what happened," sabi ni tito Cloud kaya umirap si Tita Ky at pinaupo ako sa sofa.

Tahimik naman yung mga kaibigan namin pero ramdam kong nag-aalala sila sa'kin, ngumiti nalang ako sakanila.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя