Chapter 52

246 19 10
                                    

AKIRRA'S POV.

"Ehem. Shall we eat?" basag ng lola ni Khiel sa pagtitigan namin.

Umiwas ako ng tingin at umupo ng maayos. Hindi parin ma-proseso ng utak ko ang naalala kanina, may parte sakin na ayaw maniwala pero mayron ding gusto kong maniwala na nawalan ako ng ala-ala.

Sobrang gulo ng isip ko.

"Hindi ka talaga si Shiya, girl?" tanong nanaman ni Ice kaya nabatukan na siya ni Meana.

"Kanina ka pa! Kumain kana lang, Icey!" sigaw nito kaya napanguso ito.

"Please, stop asking her if she's Ashiya." seryosong sabi ni Khiel.

"Eh possible ba kasi 'yon? Magkamukha sila?" takang tanong nong isa pang babae.

Nabigla kami nang biglang nabilaukan 'yong asawa ni Stella.

"Oh, sorry about that." ngiti nito at pinunasan ang gilid ng labi niya.

"You're so clumsy, daddy!" sabi nong anak niyang si Tella.

"Blake, how's your business?" tanong ng lola ni Khiel at nagpatuloy sila sa pagkain.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi bago naman ako sa ganito. Hindi naman kasi ako na-inform na sobrang yaman pala nitong si Mr. Flirt.

"It's okay, Mrs. Gil." sagot nong Blake.

"When are you planning to have a 2nd baby?" tanong pa ng lola ni Khiel na ikinataka ko.

Second? Akala ko ba ay dalawa na ang anak nila?

"Oh, We don't know yet. Stella and I are both busy." ngiting sagot ni Blake at sinulyapan ang asawa.

"How about you, Khiel? When do you plan to have a child?" biglang baling ng lola niya.

Sasagot sana si Khiel nang biglang sumagot si Lerler.

"I'm his child naman po, lola." sagot nito.

"Grr, ang handsome talaga! Tito Khiel! Please arrange-marriage us please!" sabat naman ni Tella.

"I'm sorry, but you're not my type." seryosong sagot ni Skhy kaya natawa ang iba, sumimangot naman yung bata.

"Naku naman! Ang bata-bata pa at ang haharot na!" sabi ni Ice.

"Maharot karin naman pero di ko shinare, Ice." natatawang sabi ni Meana. Natawa tuloy 'yong mga kaibigan ni Khiel, ngumisi naman 'yong isang poging lalaki na katabi niya.

"Well, this boy is not your real son. How about making your own child, Khiel?" sabat nanaman nong lola niya.

"Pwede rin, anak! Gusto ko na ng apo. Matanda kana!" sabi ng mama niya.

"Well, I don't know yet. Siguro, kapag handa na siya." sagot ni Khiel at biglang lumingon sa'kin. Tuloy ay nabilaukan ako dahil ngayon ko lang napansin na kumakain pala ako.

"H-ha?" tanong ko. Nautal pa!

"Oh, mali pala. Siguro kapag nalaman ko na ang totoo." sabi nito.

Anong totoo?

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Ang sarap kaya ng pagkain nila, aarte paba ako?

"We have the same eyes." sabi bigla nong isa pang anak nina Stella.

"Hmm? So?" masungit na sagot ni Skhy.

"Wala lang, share ko lang naman. Ang suplado naman." irap nong si Sia.

Napatingin tuloy ako sa dalawa. Totoong magkapareho sila ng kulay ng mata. At kung hindi lang siya anak nina Stella ay iisipin kong magkapatid sina Skhy at Sia.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now