Chapter 45

291 14 2
                                    

SOMEONE'S POV.

"Did you get the baby?" malamig na tanong ko pero napangisi nang mabilis na tumango ang tauhan ko.

Mabilis niyang binigay sa akin ang sanggol. Binuhat ko ito at ngumisi sa bata. Ang ganda ha. Pero mas maganda sana kung si Stella ang ina. Napangisi ako lalo.

"Ano kayang mararamdaman ng mga magulang mo, lalo na ang babaeng 'yun kapag nalaman na nilang wala ka na? Oh scratch that, NAWALA KA?" ngising sabi ko sa bata.

"Simula ngayon, ako na ang magulang mo. At kalaban mo ang tunay na mga magulang mo." ngisi ko.

--

SHIYA'S POV.

Nagising ako na sobrang sakit ang katawan. Kakapanganak ko lang kaya siguradong masakit talaga ang katawan ko. It's been 9 months ha? 9 months simula nung magkakilala kami ni Khiel, I mean namali ako nang nakuhang susi psh.

Minulat ko ang mga mata at bumungad sa'kin ang puting silid.

"S-shiya," rinig kong boses ni Laine.

Dahan-dahan akong umupo pero napangiwi nang maramdaman ang sakit sa pagkababae ko. Tiningnan ko ang mga tao sa loob, sina Clay, Laine, Ice, Tita Ky, Tita Cloud at Kyle.

Where's Khiel? At bakit parang namatayan ang mukha nila? Hindi ba sila masaya na naipanganak ko na ang panganay namin ni Khiel?

"B-bat ganyan ang mga mukha niyo?" tanong ko. Nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin si Laine at niyakap ako. Rinig ko ang hagulgol nito na ipinagtaka ko, umiyak na din si Tita Ky.

What? What's happening?

"S-Shiya!" sigaw ni Laine at nagpatuloy sa pag iyak.

"Bat ka umiiyak, Laine? Anong meron?" seryosong tanong ko. Kinakabahan.

Tumingin ako kay Clay pero napaiwas lang ito ng tingin, katulad nina Ice. Tumingin ako kay Tita Ky na yakap ni Tito Cloud.

"Ano pong meron? Bat malungkot kayo?" tanong ko.

"Ahmm ano kasi iha..." parang di makapagsalita si tito Cloud kaya mas lalo akong nagtaka.

"Pwede bang sabihin niyo nalang?!" naiinis ko nang tanong, kinakabahan na talaga this time.

"W-wala na yung baby niyo ni Khiel, Shiya." si Ice ang sumagot. Nabingi naman ako.

"Ano? 'Wag niyo nga akong binibiro, di nakakatawa." sarkisto kong sagot kaya napayuko si Ice.

"P-pero totoo yun, Ashiya." si Laine at umiyak pa lalo.

"N-no, di ako naniniwala! Nailuwal ko siya kanina diba?! Hindi totoo yan, Laine!" sigaw ko.

"W-wala si Khiel dito, nasa kan'ya ang anak namin diba?! Sabihin niyo!" dagdag ko pa.

"W-wala si Khiel dito dahil nagpapalamig siya ng ulo, Shiya. Hindi din niya matanggap ang nangyari kaya umalis siya.." sagot ni Clay.

"H-hindi! Binibiro niyo lang ako diba?! Prank ba toh?! Ha Ha!" sabi ko at umiling iling pa, pero ramdam ko nang naiiyak na'ko.

Hindi! Buhay ang baby ko! Nailuwal ko siya kanina!

"Bakit nawala ang baby namin?" tanong ko, pero hindi ako seryoso. Para bang sinasabayan ko lang sila sa trip nila.

"K-kailangang pumili ni Khiel kung sino ang bubuhayin, yun ang sabi ng doctor pagkalabas niya sa delivery room. A-at ikaw ang pinili ni Khiel, iha." naiiyak na sagot ni Tita Ky. Umiling ako, hindi naniniwala.

"DI AKO NANINIWALA! BUHAY ANG ANAK KO!" sigaw ko.

"F-fuck.." bulong ni Kyle, na kanina pa seryoso.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now