Chapter 26

390 30 0
                                    

SHIYA'S POV.

Tahimik ang byahe. As in SUPER TAHIMIK! Walang umiimik kahit isa. Yung sina pakening Stella naman nagpipic pero nang iirap kapag nakita ako.

Kinuha ko nalang ang CP ko at nag FB. Bumungad naman agad ang gc na ginawa ni Lexus. Tsk baliw talaga.

Magla-log out na sana ako nang may biglang nagchat sakin.

"Gerald Dela Cruz" basa ko sa pangalan.

"What?" napatingin naman ako kay Khiel nang magsalita siya.

"Hm? May nagchat eh" ngisi ko sabay pakita sakanya.

Umirap naman siya at di ako pinsan. Ngumuso naman ako atsaka nagtipa.

Gerald: Hi

Shiya: Hello

"Tsk. No cellphone"

"Hoy!" angal ko nang biglang hablutin ni Khiel ang CP ko at nilayo sakin yun.

"I said. No cellphone" diing sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bat naman? Cellphone mo?" sarkistong tanong ko pero di nyako pinansin at nilagay sa pocket niya ang CP ko! What the heck!

Komportable pa siyang sumandal sa upuan at pumikit. I greeted my teeth and gave him my best deathglare.

"Tsk. Don't give me that look" sabi nito kaya umirap ako atsaka umupo ng maayos.

Sinubukan ko namang ipikit ang mga mata ko.

--

Nagising ako nang makaramdam ng tapik sa pisnge.

"Hoy Ashiya! Gumising ka, di mo bahay toh" napangiwi ako sa boses ni Clayla.

Minulat ko naman ang mga mata ko at bumungad nga ang mukha ni Clay sakin.

Umupo ako ng maayos nang makitang kami nalang dalawa sa loob ng bus.

"Nandito na tayo?" tanong ko at tumayo.

"Nandito lang, walang tayo" natawa ako sa sagot niya.

"Haynaku Clay! HAHAHA" tawa ko at inakbayan siya.

Sabay naman kaming lumabas ng bus. Napatingin naman ako sa mga tao at halos mabuka ko ang bibig ko.

What the?! Andami pala nila?! Akala ko panaman at kami lang na nasa loob kanina!.. Ay oo nga pala, nakalimutan kong may isang bus pa.

Yung iba mga stuff siguro since may nagme-make up sa ibang model. May camera nadin na naka ready.

Napatingin ako kay Khiel na kinakausap ng matanda kanina. Tumatango lang si Khiel sa mga pinagsasabi nito.

"Halika dito" bulong sakin ni Clay at hinila ako paupo sa isang upuan.

Umupo din si Clay sa tabi ko at uminom ng tubig. Napa isip naman ako. Bat nandito silang dalawa ni Laine? Gusto ko sana tanungin pero mamaya nalang.

Napatingin kami sa harap nang biglang pumalakpak yung isang lalaki.

"Okay okay! Listen up! This project is very important since napakalaking project ito kaya naman sumeryoso kayo ah?!" sigaw nito kaya nagsigawan naman ang iba.

"Okay! Yung commercial natin ay tungkol sa drinks ok? That's why na madaming girls na model here para sa photo shoot. But ofcourse, the big deal here is Ms. Aistella!" sabi pa nito at tinuro si Stella na inaayusan. Ngumiti ito ng matamis at nag flying kiss pa.

Ewwsss... Plastik ka girl? Joke.

"Okay! Now girls! Introduce yourself to Mr. Gil" sabi pa nito kaya nagsipuntahan ang mga model na girls sa harapan ni Khiel.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon