Chapter 19

389 30 0
                                    

SHIYA'S POV.

Namumulang sumunod ako kay Khiel na papunta kina Zark, Laine at Clay.

Rinig ko pa ang hiyaw ni Jake sa loob ng kusina kaya mas lalo akong nahiya! Kasi naman grrrr! Bat bako nagpapahalik sa bwesit na jutay na toh?!

Nakita kong binaba ni Khiel ang tray sa coffee table na nasa gitna ng ino-upuan nina Zark.

"Ang laki ng bahay niyo Shiya! I can't believe na kayong dalawa lang ang nakatira dito!" sabi ni Laine nang makita akong palapit sakanila.

Di ako nagsalita at umupo sa tabi ni Clay. Nang makaupo ay kinuha ko kaagad ang baso at nagsalin ng juice. Pero muntik nakong mabilaukan nang makitang nakatingin silang lahat sakin! Lalo na si Khiel.

"B-bakit?" taka kong tanong at binaba ang baso sa lamesa.

"Bat namumula ka ata Shiya?" tanong ni Clay kaya naman awkward akong tumawa.

"Ah HAHA ano! Ahmmm kasi mainit! Oo mainit HAHA" pagdadahilan ko pero tumawa lang sila.

"Ang lamig kaya Shiya! Anong init kadyan!" sabi ni Laine kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"WOAHHHH! MAY NAKITA AKONG LIVE SHOW KANINA HAHAHA!" nanlaki ang mata ko sa sinigaw ni Jake! Putaena din tong lalaking toh eh!

"Anong live show?" sabay na tanong nilang tatlo at aakmang magsasalita si Jake nang mabilis akong lumapit sakanya at tinakpan ang bibig niya.

"HAHAHA ang gwapo mo talaga Jake noh?" plastik kong ngiti kaya ramdam ko ang ngisi ng labi ni Jake sa kamay ko.

Nagulat naman ako nang may kumuha ng kamay ko sa pagkakatakip sa bibig ni Jake.

"May sasabihin ako" seryosong sabi ni Khiel at hinila ako papunta sa itaas.

"Hah?!" sigaw ko pero di niyako sinagot at kinaladkad lang pataas.

At nang nasa itaas na kami ay binitawan niya na ang kamay ko.

"So anong sasabihin mo?" tanong ko.

"Wala" sagot niya at umalis?!

Inis na tiningnan ko siyang bumababa. Gagu! Sabi may sasabihin tas wala naman pala! Paasa! Char.

Umiling nalang ako at pumasok nang kwarto. Kinuha ko ang CP ko at nag text kina Clay.

Me: Maliligo muna ako. Hintayin niyo'ko dyan. Alis tayo.

Nag reply naman kaagad si Clay.

Clay: Bat aalis? Akala ko ba dito tayo tatambay? Parang tanga toh.

Umirap ako at nag tipa.

Me: Nabwebwesit ako sa pagmumukha nina Khiel. Friendly date tayo HAHA

Clay: Ge lang.

Umirap ako at binaba ang CP ko. Kumuha ako ng twalya at pumasok nang banyo.

Nilock ko muna at in-on ang shower. Napatampal pako sa ulo nang ma realize na di ko pa nahuhubad ang damit ko! Parang tanga nga ako!

--

Matapos maligo ay nagsuot muna ako ng bathrobe at pumasok nang walk in closet. Naghanap ako ng magandang outfit for today.

Nag decide nalang akong magsuot ng Stripe na yellow and black at tinuck in sa black skirt ko. Nag suot narin ako ng puting sapatos at nagsuklay.

Nag apply lang ako ng liptint at foundation atsaka lumabas na.

Pagbaba ko ay rinig ko ang ingay nilang lima. Umirap ako at nilapitan sina Clay.

"Alis na tayo" sabi ko kaya napatingin sila sakin.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now