Chapter 44

405 24 1
                                    

SOMEONE'S POV.

"Oh, is that her?" tanong ng kapatid ko kaya ngumisi ako.

"Yeah, my first love." sagot ko kaya natawa siya.

"Seriously kuya? It's been 10 years and you can't still get over that girl? But well, I congratulate you that you found her, finally." ngisi nito habang pinapaikot ang ice sa baso niya.

Ngumiti ako at ininom ang alak na hawak ko.

"Yep, finally. I found her," at sa oras na magiging akin siya, di ko na siya papakawalan.

My Akirra.

--

SHIYA'S POV.

"Baby, wake up..." bulong ng kung sino sa tenga ko kaya napaungol ako sa inis at tumagilid.

"5 minutes," mahinang bulong ko kaya rinig ko ang mahinang tawa nito at hinalikan ako sa leeg.

"Come on, breakfast is ready, love." sabi pa nito kaya minulat ko naman ang mata ko at umupo. Ngumuso ako habang nakangiti naman si Khiel sa harap ko.

"Tinawag lang kitang love, gumising ka agad." ngisi nito kaya inirapan ko siya.

"Nope, it's because of the word BREAKFAST." sagot ko kaya natawa siya at mabilis na hinalikan ako sa labi.

"Okay, stand up and wash your face, flat. You look hmmm," tinaasan ko siya ng kilay.

"Look what?" tanong ko.

"Look like the mother of my future kids," ngisi nito kaya sarkisto akong tumawa..

"HA HA HA, banat mo bulok." irap ko kaya natawa siya.

"It's not a 'banat', it's the truth though," sagot nito kaya umirap ulit ako at tumayo.

Dumiretso ako sa banyo namin at naghilamos ng mukha, magulo pa yung buhok ko kaya kinailangan ko pang magsuklay. Hindi muna ako nag toothbrush dahil kakain din naman agad ako, pagkatapos nalang siguro kumain.

Matapos ay lumabas nako ng banyo, may towel pa sa leeg ko. Wala na si Khiel sa kwarto, nasa labas na ata. I wonder, bat wala pa rin kaming maids? Pero okay narin naman, kaming dalawa lang naman ni Khiel ang  tao dito, ay mali. May mga bodyguards na pala kami. Well, I think kailangan na namin ng maids if papayag si Khiel.

Lumabas nako ng kwarto at dumiretso sa kitchen, may maliit na lamesa at dalawang upuan din naman sa kusina kaya nakasanayan na namin na dito kumain.

Pagkarating ko doon ay naabutan ko si Khiel na tinitingnan ang fridge. Nang makita niya ako ay sinarado niya agad ito.

"We need to buy groceries," sabi nito at umupo sa isang stool. Umupo nadin ako sa isa pa, sa harap niya.

"Sama ako ah? Boring naman dito eh, wala akong magawa. At isa pa pala, bat di tayo mag hired ng maid? Kahit isa lang, para minsan pag wala tayo dito may naglilinis naman sa bahay, pero wala naman atang ililinis dito kasi malinis na pftt." sabi ko.

"You want a maid?" tanong nito kaya tumango ako at tiningnan ang pagkain na nasa mesa.

"Hmm okay, we'll hire then, one is enough."

"Yeah, okay na yun kaysa sa wala diba? Ang laki ng bahay na toh tas tayo at mga bodyguards lang ang nandito, nakaka weird charot." sagot ko at nilagyan ng bacon, egg at hotdogs ang plate ko.

"Di ka kakain?" tanong ko matapos sumubo.

"I already ate," sagot nito kaya ngumuso ako.

"Grabe ah, di manlang ako hinintay." sabi ko at kumain nalang.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon